3 MONTHS LATER.... Habang kumakain sila ng breakfast biglang naduwal si Nathalie nang nakaamoy siya ng ulam. Tumakbo siya sa taas at pumasok sa kuwarto diretso sa bathroom sumuka si Nathalie, halos lumabas na ang kaniyang bituka pero mga laway lang ang lumalabas mula sa kaniyang bibig. Naiwan sila sa hapagkainan. "Miguel daddy ka na may apo na kami," nakangiting sinabi ni Violita. Tumayo si Miguel at pabalik-balik nang lakad, hindi siya mapalagay maiyak ba siya o tumawa. "Miguel, daddy ka na sana lang tigilan mo na ang pakipagkita kay Vanessa, kalimutan mo na siya anak." Saad ng daddy niya. "Miguel alam mo ba na may narinig akong hindi maganda tungkol sa pamilya ni Vanessa? isang druglord ang ama niya at isang kriminal ang ina niya." Lumaki ang mga mata ni Miguel hindi siya makapaniw