(Nathalie nasaan ka na?) bulong niya. Halos paliparin ni Miguel ang kaniyang kotse. Bumalik siya sa lugar kung nasaan ginagawa ang pictorial kanina. Pagdating niya sa lugar, bumaba siya agad sa kaniyang kotse. At hinahanap niya si Nathalie. "Nathalie . . . Nathalie. . . nasaan ka na?" sigaw niya. Pero wala pa rin si Nathalie. Bitbit niya ang kanyang Flashlight pumasok siya sa loob ng gubat. Tinawag niya ang pangalan ni Nathalie, pero walang sumasagot sa kaniya. Meron siyang nakita sa unahan isang babae na nakaupo sa ilalim ng malaking puno. "Nathalie ikaw ba 'yan? Nathalie ikaw na nga!" Nanginginig ang katawan ni Nathalie sa sobrang lamig. basang-basa ang mga damit ni Nathalie sa ulan. "Nathalie. . . I'm sorry ang akala ko sumabay ka na sa kanila." Hindi nagsasalita si Nathalie at