Kinabukasan umuwi na sila sa mansyon, nagtataka si Nathalie dahil sobrang sakit ng kaniyang ulo. "Miguel ano'ng nangyayari kagabi? bakit ang sakit ng ulo ko?" tanong niya kay Miguel. Nathalie, hindi ko alam Nathalie kahit kasal na tayo hindi puwedeng magkatabi tayo ng higaan. Alam naman natin ang dahilan kung bakit tayo nagpakasal 'di ba?" Saad nito pero hindi siya nakatingin kay Nathalie. "Miguel huwag ka nang mag-alala sang-ayon ako sa gusto mo. Ayaw ko rin naman na makasama ka sa iisang kuwarto at isa pa pareho lang tayong dalawa ayaw natin ang isa't isa. napilitan lang naman akong pakasalan ka. Sana ngayon na mag-asawa na tayo huwag mo akong bawalan na bumalik sa trabaho ko. Dahil ayaw kong magmukmok sa mansyon habang buhay. "No! 'di ka puwede magtatrabaho!" singhal ni Miguel. "