“BRO, TAPATIN mo nga ako. Kaya ka ba nagkulong lang sa library kanina ay dahil alam mong dumating na may kasamang iba si Clarice? Nag-break na ba kayo?”
Nahinto si Alano sa pagsunod sana kay Clarice nang harangin siya ng kapatid na si Austin. Nakakunot ang noo nito nang mga sandaling iyon. Natawa siya pagkatapos ay tinapik-tapik ang balikat nito.
“Relax, Austin. Kaya napagkakamalang mas matanda ka sa ‘kin, eh. You worry a lot. Hindi kami nag-break ni Clarice.” Dahil hindi naman talaga kami. “May kaunti lang kaming hindi pagkakaunawaan.” Tulad ng relasyon namin na ako lang ang nakakaalam. “I better go now so I can talk to her.” And introduce myself to her finally.
“All right,” hindi pa rin nawawala ang kunot sa noong wika ni Austin. “Akala ko talaga, nag-break na kayo dahil sobra kung makabakod sa kanya si Alejandro.” Napailing pa ito bago tumabi sa daraanan niya. “I like her for you, brother. Ilang linggo nang walang babaeng pakalat-kalat sa kwarto mo dahil kay Clarice. Lahat ng bagay na makakapagpatino sa `yo, susuportahan ko. So, go and get your woman back.”
Naaaliw na natawa na lang si Alano bago tumuloy sa hardin kung saan niya nasilip na dumaan si Clarice kanina. Excitement filled his veins. Pangalawang beses niya pa lang iyon naramdaman pero sa parehong babae. Ang unang beses ay sa Denver kung saan niya unang nakita ang dalaga. Halos siyam na linggo na ang lumipas mula noon. Nagpunta siya roon para sa isang business conference pero maaga iyong natapos. Naalala niya ang invitation ni Sylvia, ang kaklase niya noong high school na nakasabayan niya sa eroplano sa pagpunta roon. Isa na itong sikat na fashion designer at ito ang nagdisenyo ng mga isusuot ng mga modelo sa isang fashion show. Dahil libre naman si Alano nang oras na iyon ay nagpunta na rin siya roon.
Clarice was the star of the night back then. Ito ang nagmodelo ng pang-finale na damit. And she had all the people there under her spell, including him, the moment she walked at the center stage. Para bang may magnet itong dala na humihila para mapalapit ang mga tao rito. Nakatatangay ito kung tumitig. Ang mga maiitim na mata ng babae ay para bang kay raming hiwagang tinatago.
Nang matapos ang fashion show ay gusto pa sanang lapitan ni Alano ang dalaga pero napakarami ng taong pumaikot dito hanggang sa hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon lalo na at kinailangan niya ring bumalik sa sariling bansa kinabukasan. Pero doon nagsimula ang pagre-research ni Alano tungkol sa ilang pangunahing impormasyon tungkol sa dalaga. Ganoon na lang ang tuwa ni Alano nang malaman niyang single pa si Clarice. Pero agad ding nawala ang tuwang iyon nang matuklasan niyang kilala ang dalaga bilang America’s supermodel. Para bang napakahirap pumasok sa mundo nito pero ipinangako niya pa rin sa sariling sa oras na matapos ang mga trabaho niya sa opisina ay gagawa siya ng paraan para mailapit ang sarili sa dalaga.
Sa nakalipas na mga linggo ay nakuntento na muna si Alano na inaalam ang balita rito sa tulong ng social media. Tinuruan siya ng secretary niyang gumamit niyon. Leo taught him about f*******:, Twitter and the likes. Kaya hindi niya matanggap na ang kaisa-isang taong pinadalhan ng friend request na si Clarice apat na linggo na ang nakararaan ay hindi pa rin iyon tinatanggap hanggang ngayon.
Clarice got him. Hindi na nito pinatahimik pa ang buong sistema niya sa unang pagkikita pa lang nila. Kaya nakapagdesisyon na si Alano na matapos ang party na iyon ay tutuloy na siya sa Nevada, kung saan niya natuklasan na nakatira ang dalaga, para magpakilala rito. Nakahanda siyang gawin ang lahat makalusot lang sa loaded na schedule nito. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nagkagusto siya ng ganoon katindi sa isang babae. Nang makita niya si Clarice ay para bang biglang lumipad ang interes niya sa iba. Kaya nang tuksuhin siya ng bunsong kapatid ay ipinagtapat niya rito ang tungkol sa dalaga. Ipinakita niya rin kay Austin ang litrato. Nagbibiro pang sinabi ni Alano na girlfriend niya si Clarice na pinaniwalaan pala ng kapatid. Napangiti siya sa naisip.
Ikinabigla niya nang husto ang makita si Clarice sa mansion ng kanyang pamilya nang gabing iyon. Walang kamalay-malay ang dalaga na ito ang sentro ng atensiyon ng halos lahat ng mga kalalakihan doon, patuloy lang ito sa pagsayaw kasama si Russel. Naglaho ang kanyang ngiti sa naalala.
Ilang sandali pa ay natanaw na ni Alano si Clarice. Nakatalikod ito sa direksyon niya habang abala sa pakikipag-usap sa cell phone. His breathing suddenly became rugged at the mere sight of her exposed back. Walang sandalan ang likod ng kinauupuan nitong bench kaya malinaw niyang nakikita ang dalaga mula sa kinatatayuan. Alam niyang kanina pa pinagpipistahan ng mga lalaking bisita ang malakremang kutis nito na lantad sa suot na damit.
In her white bareback gown, Clarice simply... Stood out. Simple lang kung tutuusin ang suot ng dalaga pero nag-iba ang dating niyon nang lumapat sa makurbang katawan nito. Kay rami niyang gustong tuklasin sa pagkatao nito... Katulad ng mga bagay na gusto niyang tuklasin na nagtatago sa likod ng damit nito...
Naipilig ni Alano ang ulo sa naisip bago dahan-dahang lumapit sa dalaga.
“You are right. You can give me the world and that’s the problem, Julian. I don’t want it. I do care for you but I’m not into this marriage thing. I’m sorry.” Alano heard Clarice say softly. “Marami pa akong mas importanteng bagay na kailangang gawin kaysa ang humarap sa pari at mangako ng isang bagay na hindi ko naman pinaniniwalaan.”
Ilang sandaling natigilan si Alano bago amused na napangiti. Mukhang mayroong misteryosong lalaki na ngayon ay nagpo-propose sa dalaga sa kabilang linya. Pero habang ang karamihan ay agad na tatango sa ganoong bagay, ang babaeng nasa kanyang harap ay ganoon na lang kung tumanggi… sa buong mundo na mukhang nakahandang ialay rito ng sinumang kausap nito. Lalo nitong nakuha ang kanyang interes. Nakangising pinalakpakan niya ang dalaga. “Very well said, woman.”
ILANG sandaling hindi nakakilos si Clarice nang marinig ang boses na iyon na para bang punong-puno ng amusement. Ni hindi niya namalayan na may ibang tao na pala sa hardin bukod sa kanya. Lumingon siya sa paligid para hanapin ang pinanggalingan ng boses. Tumutok ang mga mata niya sa isang malaking bulto na nakatayo ilang hakbang lang ang layo sa kanya. Sa liwanag na nagmumula sa malapit na poste ay hindi nakaligtas sa kanya ang pinaghalong pagkaaliw at paghanga sa mga mata ng lalaki.
“I’ll just call you later, Jules,” ani Clarice sa kabilang linya bago pinindot ang End call button ng kanyang cell phone at ibinalik iyon sa kanyang purse. She will deal with Julian later. Right now, this man in front of her requires an urgent attention.
Ibinalik niya na ang atensiyon kay Alano. Puno na ng init ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Naroroon pa rin ang mapaglarong ngiti sa mga labi ng binata. “Hello there, Clarice. Thank you for gracing our humble abode tonight.”
Nasorpresa si Clarice. “Kilala mo ako?”
Nagkibit-balikat si Alano. “Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang sikat na sikat na modelo? You are the apple of everyone’s eyes tonight. It was not so hard to dig some details about you.” Naglakad ang binata palapit sa kanya. Huminto ito sa tapat ng bench na kinauupuan niya. Sapat na ang distansiya sa pagitan nila para malanghap ni Clarice ang swabeng pabango ng binata. Nahigit niya ang hininga. His smell was so masculine and it dazzles her.
Sa taas ni Clarice na five nine at sa suot niyang sandals na tatlong pulgada ang takong ay alam niyang mas matangkad pa rin ng ilang pulgada ang binata sa kanyang harap. Napatingala siya sa mukha nito. His brown hair has waves down to his ears. And his eyes are like the ocean; big, blue, and daring. He has an up-turned nose which gave him a playful aura and slightly full and sensual lips.
Itinukod ni Alano ang isang tuhod nito sa lupa dahilan para magpantay ang kanilang mga mukha. Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya hanggang sa halos isang dangkal na lang ang pagitan nila sa isa’t isa. Kumabog ang dibdib niya na mabilis niya ring binalewala.
“Paano ba `yan? You got me, too, lady,” Alano whispered. “Pero paano ko ba tatapatan ang mundo na handang ialay ng lalaking kausap mo kani-kanina lang?”
It was Clarice’s turn to tease. Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi niya. Ilang sandaling para namang natigilan si Alano. “Bakit? Ano ba ang kaya mong ibigay sa ‘kin kung sakali?”
“It depends,” bahagyang namamaos na sagot nito. Mayamaya ay napatitig ito sa kanyang mga labi. “What do you want me to give?”
“How about... Your world?”
“Well, that can be discussed.” Marahang tumikhim si Alano. “Pero hindi ako samaritano, Clarice. Hindi ko nakaugaliang magbigay nang walang inaasahang kapalit. I could give you my world but in return,” Sandaling inilayo ng binata ang mukha kay Clarice at pinaglakbay ang mga mata sa kanyang kabuuan. Fire crossed his eyes. “You would have to give me yours, too.”
Nabigla si Clarice pero mabilis ding nakabawi. Nang tumayo si Alano ay tumayo na rin siya. Inilapit niya ang katawan sa binata. Hindi nakaligtas sa kanya ang paghugot nito ng malalim na hininga. Tuluyang idinikit niya ang katawan kay Alano. She felt him tensed as she whispered in his ear. “Never mind.”
Tinalikuran na niya ang binata at nagsimulang maglakad palayo. Matagumpay na napangiti siya. Alam niyang nakapagsimula na siya sa kanilang munting laro. Kung saan-saan na siya napadpad sa nakalipas na mga taon na siyang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makakilala ng iba’t ibang uri ng tao. Sa ilang taon na ni Clarice sa mundo ng pagmomodelo ay nakabisa na niya ang mga paraan ng mga lalaki. Ang mga titig, ang mga salita, at higit sa lahat, ang kakaibang reaksiyon ng katawan ni Alano lalo na ang kakaibang naramdaman niya sa bahagi ng kanyang puson nang ilapit sa binata ang sarili ay malinaw na indikasyong... gusto siya nito.
“Wait.”
Napahinto si Clarice sa paglalakad nang may matatag na kamay na pumigil sa braso niya. Nangingiti pa ring humarap siya kay Alano. Seryoso na ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. “Yes?”
“Nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko. I am Alano McClennan. You are the first woman who ever dared to walk out on me and I feel really vengeful,” anang binata bago siya kinuyumos ng halik sa kanyang mga labi.
Natulala si Clarice.
HINDI huminto sa pag-inog ang mundo tulad ng mga nabasa minsan ni Clarice sa mga romantic novels na ginagawa niyang pampaantok noon. But she knew that the moment Alano claimed her lips, the world will never be the same again. She also knew she will never look at Alano the same way again.
Nahalikan na rin si Clarice minsan ni Julian sa mga labi noon mismong araw na sinubukan siyang pigilan ng binata sa pagbabalik sa Pilipinas para isakatuparan ang plano nila ng mga kaibigan. Pero hindi ganoon katindi ang naramdaman niya. Nanatili siyang mulat at nakatitig lang sa pangahas na mukha ni Alano na para bang nagpaparusa sa mga labi niya nang mga sandaling iyon. She was only too glad his eyes were closed.
Ang isang kamay ni Alano ay humapit sa kanyang baywang habang ang isa naman ay naglakbay pataas sa kanyang likod. Her bareback gown made him touch her skin directly. Mariin siyang napapikit sa bawat paghaplos nito na nagdudulot ng laksa-laksang kuryente sa kanyang buong katawan. He was an expert at this and that made him dangerous. Alano was kissing her in a rather harsh way and yet, she feels intoxicated. Pakiramdam ni Clarice ay nalalasing siya sa bawat paggalaw ng mga labi nito. Ilang sandali pa ay naging mapaglaro ang mga halik ng binata. Tinukso-tukso nito ang mga labi niya hanggang sa tuluyan itong huminto.
Ilang saglit pa ay nasorpresa si Clarice nang bigla siyang ikulong ni Alano sa mga braso nito. Narinig niya ang sunod-sunod na mararahas na paghinga ng binata. “Thirty-two years, Clarice. I’ve been living for thirty-two years and I have never for one moment, lost control,” bulong nito. “Hanggang sa dumating ka. Every single inch of my body is dying to touch you, to kiss you, and to make love to you right here, right now.” Pinaulanan nito ng halik ang kanyang leeg pababa sa kanyang balikat. “Damn, you captured me back in Denver.”
Napaawang ang bibig ni Clarice. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Bahagyang inilayo ni Alano ang katawan kay Clarice. “I will never let you go anymore,” sa halip ay sagot nito. “Come, ihahatid na kita para alam ko kung saan kita uli makikita.”
Sa wakas ay natauhan na si Clarice. Bumalik ang mga mata niya sa mansion. Kahit pa naghatid ng sakit ng ulo si Russel ay utang niya pa rin sa lalaki ang unang pagkikita nila ni Alano nang walang kahirap-hirap sa parte niya. At bilang kabayaran ay ang huli rin dapat ang maghatid sa kanya tulad ng inaasahan nito.
“What about Russel?”
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Alano na para bang nagulat sa dahilan ng pag-aalinlangan niya. “Boyfriend mo ba ang lalaking ‘yon?”
“Hindi.”
“Gusto mo ba siya?”
Umiling si Clarice. “Hindi rin.”
“That’s good.” Muling gumuhit ang mapanuksong ngiti sa mga labi ng binata. “Wala palang problema kung gano’n. Ang isang tao, Clarice, hindi dapat nakukuntento sa isang putahe lang kung ang dami namang nakahain na pwedeng tikman.”
“Hindi ko ugaling sumubok. It’s risky. May mga putahe kasing sa isang tingin pa lang, alam mo nang hindi maganda sa kalusugan.” Sa pagkakataong iyon ay tinapatan ni Clarice ang ngiti ni Alano. “So I stick with the tried and tested. Iyon bang mga pagkaing paborito ko. Tasty, healthy, and definitely good for me.”
“Then I urge you to try me.” Bumakas ang paghamon sa boses ni Alano. “I can assure you that I’m good for you. Baka nga isa pa ako sa maging paborito mo sa mga susunod na araw. Give me a chance, Clarice.”
“I told you I want your world.”
Sandaling natahimik si Alano bago ito muling ngumiti. “Then you will have it, by all means, woman. Saka na ako maniningil ng kapalit.” Inilahad nito ang isang palad kay Clarice. “Come with me now. I will take you home.”
Nakangiti ring inabot niya ang palad rito. Habang naglalakad sila papunta sa parking lot ay dinukot ng binata ang cell phone sa bulsa ng slacks nito. “Yes, it’s me, Alejandro. `Wag mo nang hintayin si Clarice. She’s coming with me. She’s mine now.”
Manghang tumigil sa paglalakad si Clarice at napatitig na lang kay Alano na tumigil na rin at direktang nakatitig sa kanya habang nakikipag-usap pa rin kay Russel. Hindi pa rin nito binibitiwan ang kamay niya.
“What do you mean how? Is it so impossible for her to like someone like me?” Natawa si Alano. “Maswerte ka at ikaw ang nagdala kay Clarice dito kaya hindi ko na kailangang mangibang-bansa pa. Otherwise, hindi kita hahayaang kuwestiyunin ako nang ganito. This conversation is over.” Bumaba ang mga mata ni Alano sa mga labi ni Clarice kasabay ng paglunok nito. “And one more thing, Alejandro, I’m a little selfish. I don’t want any man near my girl. I hope I made myself clear.”
Alano... Alano... Alano. The researches are right. When it comes to women, you moved... Way too fast. “Akala ko ba pag-iisipan ko pa lang kung bibigyan kita ng chance?” ani Clarice nang ibulsa na nito ang cell phone. “Pero nambakod ka na kaagad. At higit sa lahat, sinabi mong tayo na.”
“Para makasiguro akong wala nang sisingit pa... Habang nililigawan kita.”
Clarice breathed sharply. May malaking bahagi sa kanya ang nagdiriwang nang mga sandaling iyon. Every thing was going faster than she planned. But there was also a part of her at a sudden loss. Dahil ang plano ay siya dapat ang mambibigla pero sa halip ay siya itong... nabibigla.