“I’VE CHECKED my f*******: account. Bakit tayo na at lahat, hindi mo pa rin tinatanggap ang friend request ko? And please, change the single on your status. I want everyone to know that we are in a relationship now.” Mula sa pagtanaw sa pagsikat ng araw ay kunot-noong nilingon ni Clarice si Alano. Nang malaman niyang seryoso ito ay hindi niya napigilan ang pagtawa nang malakas. “Nag-friend request ka talaga sa ‘kin?” “Oo.” Kumunot ang noo ni Alano. “Nagpaturo akong mag-f*******: sa secretary ko ilang linggo pagkauwi ko mula sa Denver noong una kitang makita. And you’re annoying. Sa `yo lang ako nag-friend request. Alam mo bang ang daming ini-add ako but I ignored them all?” Nag-iwas ng tingin ang binata. “Childish as it may sound pero gusto ko kasi, tayong dalawa lang kahit sa simpleng f