Someone's POV, "Pwede ba bilisan niyo!" Sigaw ko sa kanilang tatlo, kanina pa sana kami naka alis kung umaayos lang sila bwesit naman oh. Umalis nalang ako sa lugar na yon tinungo ang pupuntahan namin, magagalit na ang babaeng yon kapag tumagal pa kami dito. May saltik pa naman ang bungo non, kung ano sa kanya ang tama iyon ang gagawin niya walang makakapigil sa kanya, swear to death papatayin niya ang kung sino man ang humadlang. Kunsabagay masakit lang talaga ang loob niya. Kung ako ang nasa posisyon niya gagawin ko din iyon. Hindi nagtagal lumabas na rin silang tatlo at umalis na kami. Linipad namin ang napakalayong bundok, bundok ng mga demonyo. "Mapapatay niya tayo pag nahuli tayo" saad ng isang kasama ko. "Ang bagal niyo kasi!" Sigaw ko sa kanila. Ano ang silbi ng pakpak nil