bc

MY MAN SERIES #1: A Contract with the Billionaire

book_age18+
185
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
possessive
contract marriage
goodgirl
twisted
bxg
female lead
city
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Nagmahal, iniwan, nasaktan at nagulo ang buhay ni Kalen nang makilala niya si Astrid Rivera.

Labis niyang minahal ang dalaga ng higit pa sa kanyang buhay ngunit Hindi sang-ayon ang mga magulang nito dahil sa pagiging mahirap niya.

Nagsumikap siya at pinilit na mag-move on mula sa masakit niyang nakaraan ngunit tila naglaho lahat ng iyon nang makita niyang magpapakamatay ang dating pinakamamahal sa isang matarik na bangin.

Hindi siya nagdalawang-isip na iligtas ito kapalit ng isang kontrata na babago sa buhay nilang dalawa.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“PLEASE, Astrid! Huwag mo naman gawin sa akin ito! Hindi ko kayang mawala ka sa akin, ikamamatay ko!” Natigil ako sa paghakbang nang marinig ang malakas na sigaw ni David. Naipikit ko ang mga mata ko hanggang sa tuluyan ng tumulo ang mga luha ko sa mukha. Nakipaghiwalay na ako kay David dahil ayaw ko siyang masaktan pa. Hindi ko na kakayanin pang makita siyang nasasaktan ng dahil sa akin. “Astrid, mahal na mahal kita! Handa akong maghirap at masaktan para lang sa iyo! Please, huwag mo naman gawin ito. Pag-usapan nating dalawa ang problema. Nangako tayo sa isa’t isa, hindi ba? Bakit bigla ka na lang susuko? Astrid, minahal mo ba talaga ako?” Lalong bumuhos ang mga luha ko. Akala ko madali lang gawin ang makipaghiwalay sa lalaking una kong minahal. Masakit pala. Parang sinusuntok ang dibdib niya sa bigat na dala niyon. Paano ko pa kaya magagawang humakbang kung ang mismong paa ko ay nais na siyang balikan at yakapi si David? Nais niyang makulong sa mga bisig nitong madalas niyang maging takbuhan sa mga oras na kailangan niya ng makakausap at mapaghihingahan ng sama ng loob. Ang mga bisig na nagbibigay sa kanya ng isang tunay na kahulugan ng tunay na pagkalinga. “Kalimutan mo na ako, David. Hindi tayo bagay sa isa’t isa. Lalo lamang natin masasaktan ang bawat isa. Hayaan mo ng makalayo ako at ganoon di ang gagawin ko sa iyo,” aniya na pinipigilang humikbi. “Ganoon na lang ba sa iyo ang lahat, Astrid? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit kay dali mo naman yatang sumuko.” Naramdaman ko na lang na hawak na nito ang dalawa kong kamay. Nang tingnan ko ang mukha niya ay umaagos ang mga luha nito sa mata. Katulad ko ay umiiyak din pala si David. “Astrid, mahal na mahal kita.” Masuyo niyang hinagkan ang kamay ko. “Alam kong hindi pa ako karapat-dapat sa iyo ngayon pero nangangako akong gagawin ang lahat para – “ “Tama na, David. Please, huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Kahit na anong gawin mo ay hindi tayo maaaring magkatuluyan sa isa’t isa.” Napahagulhol ako. “Parang awa mo na, palayain mo na ako.” “Hindi ako papayag, Astrid! Akin ka lang. Para sa akin ka lang!” Biglang nagbago ang expression ng mukha niya na siyang ikinatakot ko. “Kung iiwan mo ako ay sisiguruduhin kong magiging akin ka pa rin.” Mahigpit niya akong hinawakan sa kamay saka marahas na hinila. Labis na dinadaga na ang dibdib ko dahil ang daan na tinatahak naming ay sa loob ng gubat. Maraming wild animals ang naninirahan doon at siguradong mapapahamak lamang kami. “David, saan mo ba ako dadalhin?” Pinipilit kong makawala sa mahigpit niyang hawak. “Bitiwan mo ako! Ano ba?” Ngunit tila naging bingi na ito. Malakas niya akong hinihila at dahil di-hamak na malaki at matangkad siya sa akin ay wala akong magawa. Masakit na ang mga paa ko ngunit hindi pa rin kami tumitigil sa paglakad. “Saan mo ba ako dadalhin, David! Lalo ka lang kamumuhian ng mga magulang ko sa gagawin mong ito!” “Wala akong pakialam!” Nanlilisik ang mga mata na binalingan niya ako. “Gawin na nila ang lahat ng gusto nilang gawin sa akin subalit hindi nila mapipigilan ang nais kong gawin sa iyo!” Naiyak na lang ako. Nawala na ang David na minahal ko dahil ibang David na ang kasama ko ngayon. At lahat ng iyon ay kasalanan ko. Isang kubo ang natanaw ko na siyang binuksan ni David. Hila-hila niya pa rin ako hanggang sa makapasok kami at agad na isinara iyon. Binitiwan niya ako saka hinubad ang suot na pang-itaas. “David, kung ano man ang iniisip mong gawin ay huwag mo ng ituloy. Alam mo naman si Dad – “ “Sa tingin mo may pakialam pa ako sa kanila ngayon? Nakipaghiwalay ka na sa akin at iiwan mo na ako. Sila pa rin baa ng dapat kong isipin? Ha?!” Sunod niyang tinatanggal ang suot na pang-ibaba. “Eh, ako? Wala ka bang pakialam sa nararamdaman mo sa akin?” Bigla niya akong sinunggapan sa labi. Hindi iyon ang unang kong halik ngunit halos hindi ako makahinga ng maayos. Tanging ang panloob na lang ang suot niya kaya naman ramdam na ramdam ko ang bagay na bahagyang tumutusok sa tiyan ko. Hindi na bago sa akin iyon. Ilang beses na rin kaming naghalikan ng patago at sa tuwing nangyayari iyon ay nararamdaman ko ang nasa loob ng kanyang pantalon. “Mahal na mahal kita, Astrid. Hindi ko kayang mahiwalay sa iyo,” anas na sabi ni David sa pagitan ng halik na iginagawad sa akin. “Kaya kong tiisin ang lahat ngunit hindi ang mawala ka sa akin.” Muli na naming dumaloy ang luha niya saka marahan akong hinagkan sa labi. Ramdam ko ang paghihirap niya. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. “David, mahal din naman kita ngunit wala tayong magagawa sa ngayon. Wala tayong laban sa magulang ko. Alam mo iyon, hindi ba?” “Dahil ba mahirap lang ako? Ganoon ba?” Napatungo ako. Hindi ko na kaya pang magsalita sa harap niya dahil alam ko ang sakit na idudulot sa kanya. Pakiramdam ko ilang beses na akong sinaksak ng punyal sa dibdib sa tuwing makikita ko na bumubuhos ang mga luha niya. “Kung mahal mo ako, ipaglaban mo naman ako. Astrid, please naman,” pagmamakaawa na sabi niya. “David – “ Muli na naman niyang sinakop ang labi ko kasabay ng paglulumikot ng dalawang kamay sa palibot ng aking katawan. “Sa akin ka lang, Astrid. Akin ka lang.” Gusto kong manlaban sa kanya at sabihin hindi tama ang nais niyang mangyari ngunit tila wala akong kakayahan na gawin iyon. Totoong mahal na mahal ko si David at kung ang pagpapaubaya ang tanging huling bagay na maibibigay ko sa kanya bago kami tuluyang maghiwalay ay gagawin ko. Ganoon ko siya kamahal kahit na alam kong hanggang doon na lang iyon. Maituturing kong isang pabaon itong isang napakagandang alaala na dadalhin ko kahit saan man ako magpunta.” “I love you so much, Astrid!” ani pa ni David nang tuluyan na siya nitong angkinin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.3K
bc

The Sex Web

read
133.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.6K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
38.7K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.3K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.7K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook