Princess Pov
Good morning? or Good afternoon? TELL ME! Sinong dalaga ang natutulog pa hanggang ngayon?
Sirit na kayo?
CLUE: GANGSTER SIYA
Hays sige na nga.
its Boss Bhe my only ate na gangster just wow tulog pa din siya nakakaloka.
Pero alam niyo di naman talaga gangster si ate dati eh, nakakagulat yong biglang pagbabago niya na kahit saming dalawa nagkaroon na ng malaking harang o pader. yong dati namen ginagawa grabe sobrang nakakamis un kasi siya lang naman yung kaisa-isang taong pinaramdam sakin na kahit lage kami nacocompare eh down to earth pa din siya.
Let me narrate our childhood days.
Apat kaming magkakaibigan ako, si ate, si kuya Leo at isa pang lalaki. I forgot his name pero ang tawag namin sakanya is prince. may kaniya kaniya kaming tawag sa sarili namin.
kung siya ay prince, si ate ay si queen, si kuya Leo ay si king at ako ang princess. Yan ang codenames namen. We've been through a lot of trials sa friendship namin like any other childhood story may aalis din na isa samin and unfortunately si prince yun.
10 years old lng cla ate nun nung iwan kami ni prince
Nawalan si ate ng bestfriend, ng kaaway, partner in crime, at higit sa lahat, nawalan cia ng ....
First LOVE.
Sino may sabing hindi siya nagmahal? ewan ko ba simula ng umalis si prince. Wala na siya inatupag kundi school at barkada
1year siyang nagmukmok at ginawa ang lahat makontak lang si prince pero walang nangyare. After ng graduation dun lang namen napansin na nagbabago siya. Parang nagkaroon ng isang malaking pader sa pagitan namin at sakanya.
At dahil dun nawala si BHE ng tuluyan. So, many years passed wala kaming balita kay kuya prince. pagkatpos ng isang taon itinigil na ni ate ang paghahanap.
Hinawi ko ang buhok ni ate mula sa mukha niya, nakikita ko si ate bhe pag natutulog siya, ayos lang din naman sakin na ganyan si ate kahit papaano eh kaya na niya tumayo sa sarili niyang mga paa.
"Ate bhe" bulong ko sakanying tainga
Miss ko na siya kung pede lng sana ibalik ang nakraan gagawin ko para maiwas ang ate ko sa sakit na naramdaman niya nuon.
Dahil sa bulong ko gumalaw si ate at napadilat nagulat ako sa nangyare syempre naman nasa bandang tainga pa niya ako.
“Princess? Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya sa akin habang naunat at humihikab. Mukhang inaantok pa ito.
" Ginigising ka! Ano pa bang gagawin ko dito? saka hello ate boss its already 1:00 pm in the afternoon wala ka bang balak tumayo diyan? hindi ba may pupuntahan ka? "
Nagpatay malisya ako kasi alam ko nagising siya dahil sa pagtawag ko sakanya na bhe.
“Hala mabuti at pinaalala mo! Sige na susunod ako sa baba. Puwede mo ba akong ipaghain ng pananghalian?” Tanong nito sakin habang unti unti itong bumabangon sa kanyang kama.
“Okay, bilisan mo diyan para makakain ka agad”
Patayo pa lang ako ng tawagin niya ulit ako
"princess" seryoso itong nakatingin sa akin.
Yung tingin niyang pamilyar at mas malinaw pa sa sinag ng araw. Bhe, napagtanto kong ito ang totoong ate ko. Hindi ko kinaya makipagtitigan sakanya kaya ako ng unang umiwas ng tingin.
“Baket ate? May ihahabilin ka pa bang gagawen ko sa baba?” Patay malisya kong sabe.
"Princess, bakit?” tanong nito sa akin. Kita sa mukha nito ang pag aalala. Mukhang narinig nga talaga niya.
"Ate anong bakit?" Kinakabahan na ako ditto napapraning sa sasabihin ni ate.
“Bakit mo akong tinawag na Bhe?” may halong lungkot na maririnig sa boses nito.
Hindi ko siya nasagot agad at inantay na magsalita siya ulet.
" Princess alam ko naman na mas gusto mong nakikita si bhe kaysa saakin, alam ko din na hindi mo tangap ang ate mo ngayon. pasensya kana sa mga nagawa kong mali saiyo ah, nasanay na ko sa ganitong pag-uugali di ko talaga kaya na ipakita sayo ang dating ako eh. ang hirap. pero --- “Hindi naman niya kailangan na magsorry sa akin ayos lang naman. She can take her time adjusting again.
"Ate, ayos lang naman. Hindi mo kailangan pilitin sarili mo na bumalik sa dati. Gusto ko din naman yung ikaw ngayon kaya hindi mo kailangan magbago agad. Time will come na magiging maayos din ang lahat.” Sabi ko nang nakayakap sakanya.
“Salamat, pero ngayon I’m ready to tell you everything you need to know.” Sabi nito at kumalas sa pagkakayakap ko.
“Malaman ang alin ate?” tanong ko.
Boss Pov
Eto na, oras na para sabihin ang lahat sakanya. Para mas maintindihan niyang mabuti kung bakit mas ninais kong itago yung mahinang ako.
“Makinig kang mabuti at hindi ko na ito uulitin ulit.” Sabi ko sakanya at tumango ito bilang sagot.
“Nasa park ako noong araw na makilala ko si Prince. Wala kasi kayong dalawa ni mom noon at pumunta kayo sa lugar na hindi ko alam. Pumunta ako sa swing para umupo nang may isang batang lalaki ang lumapit sakin.”
-Flashback-
"Bata anong ginagawa mo dito? bakit mag-isa ka lang?" tanong ng batang lalaki.
" Wala kasi akong kasama sa bahay umalis silang lahat ako lng ang naiwan" sagot ko dito
"Ganun ba? gusto mo bang samahan kita? ako nga pala si J, ikaw anong pangalan mo?"tanong nito sakin
"Hi J, salamat pala sa pagsama mo sa akin. Nakakatuwa naman at may kaibigan na ako dito. Ako nga pala si Bhe, masaya akong makilala ka” masayang sabi ko ditto.
“Pagkatapos ng tagpuan na yon. Naging magkaibigan kami, simula 4years old ako siya na kasama ko, lumipat siya ng school kung san ako nagaaral, sabay kaming pumapasok, sabay umuwi, sabay na naglalaro, pati na din sabay mag-aaral. Kaya naman napamahal ako sakanya. Siya lagi ang nagpapasaya sakin, nakikinig sakin at lahat lahat na. parang kami pero hindi. He was my first love pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayare.”
“Summer vacation noon at grade 5 na kami pagpasok, same school pa din naman syempre walang nagpahiwalay sa amin noon ever since. Pumunta kami sa park kung saan kami una ngkakilala. Medyo hindi nga maganda ang pakiramdam ko noon haha. Sobrang ibang J ang nakita noong mga panahon na iyon. Dahil sa mga sinabe niya nagbago ang lahat”
“Anong sinabe niya ate?” Tanong ni princess
-Flashback-
"Hindi ko alam na ganito pala kahirap na magpalaam sa taong nakasanayan mo nang kasama. Simula sa pagkabata ikaw lang tinuring kong kaibigan, wala nang iba” sabi ni J sa akin. Tila naluluha ako naman ay naguguluhan.
" Anong meron ba? Kahit ano naman pwede mong sabihin sa akin. Best friend nga tayo diba?” sabi ko pa na naguguluhan.
"Bhe, I’m going to States with my family. Mag migrate kami doon at hindi ko alam kung kelan ako makakabalik.” Hindi ako agad nakasagot sa narinig ko. Nang mag sink-in sakin ang sinabi ni J ay nalungkot na lang ako ng sobra.
“J, ayos lang. Buti nga sinabe mo kaagad. Pero sobrang nakakalungkot lang ng balitang ito. Wala na bang way para magkasama pa din tayo sa susunod na pasukan? Ang hirap kasing maiwan eh”
“Bhe, I promise you lagi ako susulat or kundi naman magpapadala ako ng mga gifts sayo. Sana maintindihan mo yung desisyon kong sumama sa parents ko para sa akin at sa atin. May mga pangarap tayong gusting matupad, Pangako babalik ako dito”
“I’ll hold on to that promise J, no matter what happen you’ll comeback. You’ll send me letter para di tayo mawalan ng communication. You know our landline sa bahay just call whenever. I’ll wait promise, even if takes years or a decade. I will be here waiting”
“Thank you, I’ll make sure that I’ll comeback for you”
“Pagkatapos ng paguusap naming iyon, 2 days after umalis na siya. Nung unang mga buwan solid kami sa comunication, letters, calls sa landline, he even taught me how to use internet that time kasi sobrang makaluma ko sa mga bagay bagay. Hindi pa din ako sanay na wala siya sa tabi ko nun, paano mo ba naman maiaalis sa isang taong nakasanayan mo na kasama siya palagi.
Noong nagsimula na ang klase at dahil kilala kaming dalawa na sobrang dikit sa isa’t-isa. Hindi rin ako makapaniwalang nakayanan kong pumasok ng magisa. Habang naglalakad sa hallway, madaming mata ang nakatingin sa akin na nagtatakang wala sa tabi ko ang kaisa-isa kong kaibigan.
Nabu-bully na din ako noon kaya naman natuto akong lumaban. Tinuruan ako ni Leo kasama ang mga barkada niya. Sobra ang naranasan ko nung nabully ako, hindi lang pala nila ako magalaw nun dahil kay J. Not knowing na kahit kasama ko siya palagi ay naitatago pa din niya sakin yung mga ginagawa niya sa mga sumusubok mambully sakin.
Nang mapagtanto ko ang mga iyon, simula nang naglabasan ang mga bully sa paligid ko, nanliit ako sa sarili ko. Hindi ko kayang gawin ang mga ginagawa ni J. Protektahan ang importanteng tao sa paligid ko at protektahan ang sarili ko.
Naisip ko, kung hindi ba niya ko iniwan matututo ba akong lumaban at maging malakas? I turned that every hate at pagkamiss sakanya into energy and live my life.
Nalaman ni Leo ang mga nangyayare sa akin sa school at napagpasyahan niyang lumipat dito sa school kaya naman siya na amg kasakasama ko. Marami pa din akong naririnig, iba iba din ang tawag nila sakin. Isa daw akong malandi, b***h at kung anu-ano pa pero di ko na lang yun pinapansin.
Sa bahay naman, lagi akong naikukumpara sayo. Walang araw na hindi tayo napagkukumpara kaya naman masakit din sakin iyon. Pero kahit ganun kapatid pa din kita at mahal kita. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang mga pagkukumpara ng magulang natin sa isa’t-isa. Minsan nga naisip ko nab aka ampon lang ako kaya ganon ang trato sakin nila mom and dad haha.”
“Ate kahit kalian hindi ka naging abala sa bahay. As much as possible spend time with us katulad dati”
“Alam ko alam ko I’m going to try at least”
“Eto pa, minsan din akong napagtripan sa school. Binuhusan ng tubig, dinapa sa putik, pinagbabato ng eraser ng black board napapalabas ng klase at kung anu-ano pa.
November yun malapit na kaarawan ko. Nawalan kami ng communication ni Prince. Dumaan ang araw ng birthday ko kahit sulat o tawag wala akong natanggap mula sakanya. Hanggang sa umabot ng pasko, bagong taon, mahal na araw. Nagpapadala ako ng sulat, nagmimisscall sa telepono niya pero wala akong nakuhang sagot ni isa man lang. Naisip ko nun, siguro ayaw na niya sa akin, gusto na niya ko kalimutan at lalong lalo na wala na siyang planong balikan ako.”
“Hanggang ngayon ba wala ka pa din tawag or sulat man lang na natanggap?” tanong ni Princess
“Wala, sinubukan ko din itong hanapin sa Friendster or sa google pero wala. Parati ko din dinadalaw ang bahay nila dati kaso ilang taon na lumipas, ang dating walang laman na bahay, ngayon ay meron na pero hindi sila J at ang pamilya niya ang nakatira” pagpapaliwanag ko ditto
Itinuloy kong muli ang pagkekwento.
“2 years ago, noong magkaroon na ng tatao sa dating bahay nila. Sumilip ako dun, hindi naman huling pagsilip pero gusto ko pa din Makita ang bahay na sobrang napamahal sakin. Di kalayuan sa bahay nila laking tuwa ko sa mga taong nakikita ko sa kalye na nakikipagbugbugan, awayan at kung anu-ano pa. Isang araw pumasok ako sa school na may gusot ang damit, madumi at madaming galos. Iba na din ang mga mata ko, kung dati puno ito ng saya ngayon lungkot, muhi at pagkagalit sa mga taong tinapakan ako kaya naman nung nakita nila ako at tinangka suntukin ng isang lalaki.
Hinawakan ko agad ang mga kamay niya, lahat ay nagulat sa pangyayari. Binitawan ko din siya agad at umalis ako
Pero, sinubukan niya akong suntukin noon pero nakailig ako. Ang hindi ko lang gusto na narinig sa bibig niya ay ang pangalan ni Prince.
-Flashback-
"Hoy bhe, nagmamatapang kana ah, saan mo nakuha ang lakas ng loob mo? kay prince ba? wala na yun hindi kana babalikan nun “Pang aasar neto sakin.
Tinignan ko siya at nung magkasalubong na ang aming mga mata napaatras siya at binalingan ko siya ng sampal.
" DONT.YOU.DARE.CALL.ME.BHE. or else you'll see hell. " sabi ko
Nakatayo siya agad at akmang susuntukin ako pero naunhan ko siya.
"Another thing FROM NOW ON IF SOMEONE WILL BE AGAINST ME, PREPARE YOUSELF BECAUSE YOU'LL SEE THE HELL. AND CALL ME BOSS, IF YOU DON'T YOUR ARE TOTALLY DEAD. ' sabi ko
"Ikaw! WAG NA WAG MO BABANGITIN O IDADAMAY SI PRINCE DITO KUNG AYAW MO MASAYANG ANG WALANG KWENTA MONG BUHAY " pangduduro ko sa lalaking akmang susuntukin ako.
“Lahat sila noon ay kumaripas ng takbo dahil sa takot nila sakin. Pag kauwe ko ng bahay dun ko iniiyak lahat. at nangakong di na muli iiyak at magmamahal, nung araw din na yun ay napagpasyahan ko din gumawa ng isang gang. Makikilala sa buong bansa at walang makakatalo sakin o sa amin.
Grade 6 na ko at high school na si Leo. or should I say AXE gumawa kami ng grupo dahil sa gangster na din si Leo nung mga panahon na yun kaya madale sakin ang pagpasok sa gang. Tinuruan ako ni Leo sa pakikipagaway. Tinuro niya sakin lahat even yung paggamit ng baril.
Gabi gabi na ko nauwe dahil noon. Nagkaroon ng pader sa pagitan nating lahat kaya naman inilihim ko sainyo ang pagiging gangster ko.
Nung maka-graduate ako pinili ko pumasok kung asan si Leo kaya napagpasyahan namin na dito simulan ang grupo ko. ang GANGSTERS WAR ipapakilala ko sila sayo ng harapan sa susunod.
Isang taon kami namayagpag sa campus. Pero dumating ang THE KINGS at kinuha ang aming trono. Kaya naman sa sobrang galit ko hinamon ko ang founder nila.
Laking gulat ko nung makita siya. Akala ko nga nung una siya si prince eh pero di ko alam bakit yun agad pumasok sa isipan ko. Kaya binalewala ko un. Pero natalo niya ko kaya nakuha niya ang troono ng GW
Limang taon princess, Limang taon na ko walang balita sakanya ni hindi din binabangit ni Leo ang pangalan niya kaya naman kahit papano eh nakakalimutan ko siya pero sa twing makikita ko ang founder ng TK eh nabalik ang mga mapapait na alala sakin at dahil diyan nagbago ako ng tuluyan."
Princess POV
Hindi ko alam na ganito ang naging lagay ng ate ko simula nung umalis siya. Oo alam ko noon umuuwe siya ng sobrang gabi na kaya lagi siya napapagalitan nila mom and dad pero di naman namin alam kung san siya nagpupunta kaya ang ginwa ng parents ko hinayaan na lang siya.
Masasabi kong ang babaw kung bakit siya nagbago pero hindi eh nang dahil dun mdami siyang narasan na di maganda kaya naman tuluyan na siyang nagbago.
Niyakap ko si ate ni hindi siya umiyak nung kinuwento niya sakin un pero sa ngayon nakikita ko ang dating ate ko sana simula ngayon mawala na ang gap o pader sa pagitan namin.
Kumalas siya sa pagkakayakap ko
"Tara na princess nagugutom na ko, aish! don't hug me it gave me goosebumps" sabi nito habang inaalis ako sa pagkakayakap sakanya.
Ay nako bumalik nanaman si ate boss
" Oo na ate tara na nga!!! "
Someone's pov
" DJ Academy pala siya mag-aaral. makikilala na din kita sa wakas katapusan mo na"