Hello, everyone!
Gusto ko lang sabihin na completed na ang book na ito. Meaning, wala na po itong susunod na update. Baka kasi may umaasa pang may karugtong ito kaya nag-outro ako. Anyway, maraming salamat sa pagsama sa ating paboritong girl group sa kanilang adventure! Sana nag-enjoy ang lahat at natuwa!
Ingatan kayo palagi.
Meron pa naman akong other smut books na puede niyong basahin. Sana mapasaya rin kayo ng mga yun!
Malaking bagay sakin na makapagsulat ng ganitong klase ng akda lalo't ngayon ko lang din ito nagawa sa tanang-buhay ko. At ni sa hinagap, di ko akalain na makakapagsulat ako ng ganito. Sa hinhin kong 'to? Haha! Bawal kumontra, magkakakuto.. Sa baba! Eme.
Pero yun nga, looking forward pa rin naman ako to create oneshots like this. Yung mas malupit pa rito charot. Kaya kahit marami ang nagpapa-update pa, hindi ko na mapagbibigyan kasi gusto ko na talagang mag-move on. Simula kasi nang ma-ban ito sa watty, medyo nawalan na rin ako ng gana para magsulat. Kaso maraming naghahanap at ayoko namang biguin ng mg loyal readers ko. Sila, kayo ang dahilan kung bakit ako nagsusulat at patuloy na nagsusulat. Sana naa-absorb niyo ang mga bitamina na nilalagay ko sa bawat pahina ng mga istoryang tinatampok ko rito. Thank you!
— wynterkynth_