CHAPTER 02

1185 Words
CHAPTER 02 Maaga na binulabog ako ni Max sa pagtulog nang umagang ‘yon. Hindi ko pa maiwasan na mapamura sa inis dahil ang alam ko ay wala akong shooting ngayong araw dahil tapos na 'yung sa drama ko kay Direk Guerrero. “AMY! AMY! Gumising ka na,”saad pa ni Max sa labas ng pinto habang patuloy pa rin ang ginagawa niyang pagkatok. Bago ko pa man itabon sa tenga ko ang unan ko para hindi ko siya marinig at para ipagpatuloy ko na lang ang pagtulog ko ay narinig ko naman ang boses ni Pepper. “Ano? Gising na ba siya?”Tanong ni Pepper pero hindi ko pa rin sila pinansin at nagtabon na ng unan sa tenga ko. Hindi ba talaga nila ako pagpapahingahin man lang? Alam naman nila na pagod na pagod ako tapos gigisingin nila ako? Hayyys. Mukhang kailangan ko na nga ata na kumuha ng panibagong condo... 'yung ako lang ang nakakaalam. Akala ko ay tumigil na sila pero nagkamali ako dahil narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko sabay nang paghila nila sa unan na nakatabon sa akin. “Amethyst Young! Bumangon ka na diyan dahil may malaki tayong problema!”Alam ko’ng boses ni Pepper ‘yon kahit na hindi ko pa siya nakikita dahil nanatili pa rin na nakapikit ang dalawang mata ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko naman ang paghawak ng isang kamay sa braso ko at pinilit na pabangunin ako sa pagkakahiga ko. Si Max naman ‘yon, sure ako! “Amy! Ano ba, gumising ka na.”Pag pupumilit niya pa. Wala na nga akong nagawa kundi ang marahas na bawiin ang braso ko na hinihila niya. “ANO BA!? ANO BA ‘YON!”Malakas na tanong ko dahil naiinis na talaga ako. Umiinit pa naman ang ulo ko kapag hindi ako masyadong nakakapag pahinga tapos gigisingin pa ako. Bumangon na ako at umupo lang dito sa kama saka ko sila hinarap. “Siguraduhin niyo lang na mahalaga 'yan kundi malalagot kayo sa akin.”May pagbabanta na saad ko pa habang kinakamot-kamot ko pa ang ulo ko. “Tanda mo ba 'yung pumunta ka sa Tacloban? Nu’ng kinuha ka ng Mayor nila para sa piyesta ng lugar nila?”Tanong ni Pepper sa akin. Inisip ko naman kung ano ang tinutukoy niya hanggang sa maalala ko na nga. “Oo. Di ba halos dalawang linggo na 'yung nakalipas? Bakit? Babawiin ba nila 'yung malaking talent fee ko na ibinigay nila?”Tanong ko pabalik. Nag-guest kasi ako sa piyesta ng bayan nila last last week tapos malaki na nga 'yung talent fee ko tapos doble pa 'yung binigay nila sa akin na ikinabigla ko. Sabi naman nila ay talagang napasaya ko sila dahil hindi nila inaasahan na pupunta nga ako lalo na at alam nila na masyado akong busy kaya doble yung ibinigay nila. “Hindi ‘yon.”Sagot naman ni Pepper. “Eh ano?”Nakakunot pa ang noo na tanong ko ulit. Mabilis naman na inabot sa akin ni Pepper ang ipad niya kaya kahit tinatamad ay tinanggap ko 'yon. "Basahin mo."Utos niya sa akin. Binasa ko nga 'yung article na nakalagay doon. BREAKING NEWS: Pinakasikat na artista ngayon ay nali-link sa isang Mayor sa Tacloban. Matapos daw ang isinagawang event sa nabanggit na lugar ay doon na nagsimula ang mga usap-usapan na may relasyon daw ang Mayor at ang artista. Matagal na raw ang relasyon nila base sa isang source ngunit paano mangyayari 'yun kung ang nabanggit na Mayor ay may asawa na. Third party nga ba ang artista? Napakunot ang noo ko pero hindi rin naman nagtagal 'yon dahil walang gana na ibinalik ko na lang kay Pepper 'yung ipad. "Ako ka ba? Ano naman ang kinalaman ko diyan? May nakalagay ba na pangalan ko diyan? Wala naman di ba? Kaya bakit ako ang binubulabog niyo tungkol sa balitang 'yan?" Naiinis na tanong ko sa kanilang dalawa. "Eh kasi Amethyst, yung event na pinuntahan mo lang sa Tacloban ang tanging isinagawa nilang event recently. After no'n ay wala nang sumunod pa."Paliwanag naman ni Max sa akin kaya sa kaniya naman napunta ang atensyon ko. "But it doesn't mean na ako 'yung tinutukoy sa balita. Hello? Bakit naman ako papatol sa may asawa na." Naiinis pa na sagot ko. Magsasalita na sana si Pepper pero agad na naudlot 'yon ng biglang mag-ring ang cellphone niya. "Oh my God! Tumatawag na sa akin si Mr. Wally! AHHH! Nakaka stress!"At napahawak pa siya sa kaniyang noo bago siya medyo lumayo sa pwesto namin saka sinagot na 'yung tawag. Si Mr. Wally ang may-ari ng High Entertainment Company na pinagtatrabahuhan ko. Favorite na artista niya ako sapagkat kung hindi dahil sa akin ay hindi makikilala ang agency niya at hindi rin darami ang artista na magtatrabaho sa kaniya. Lagi niyang sinasabi sa akin na utang niya sa akin ang lahat kaya nga kahit hindi pa nage-expired ang kontrata ko ay nililigawan niya na agad ako para sa kanya ulit ako pumirma. Siya rin ang nagbigay sa akin ng condo na 'to at triple ang laki nito kesa sa ibang artista niya. Gano'n niya kasi ako kamahal. "Hi Sir Wally. Uhmm. Yes po. Nako, hindi po ang alaga ko 'yon. Po? Ah ehh-- k-kasama ko nga po siya ngayon,"wika ni Pepper at binatuhan niya pa ako nang tingin kung saan mabilis ko lang siyang pinagtaasan ng kilay. "Sige po, ibibigay ko po sa kaniya."'Yon na lang ang sinabi ni Pepper hanggang sa iniabot niya na sa akin 'yung phone niya. Hayys. Gusto pa ata akong kausapin. Sinabi ko na nga na hindi ako 'yon ehh. Tsk. "Hello."Walang gana na saad ko sa kabilang linya. [Hello Amethyst. Nabalitaan mo na ba yung tungkol sa issue m--] "Yes. At ayoko nang patulan pa 'yon because I'm telling you Sir Wally-- it's a fake news. Negative publicity is still publicity, kaya naman hayaan na lang natin na kusang mawala ang ingay na 'yon."Sagot ko at mahahalata sa tono nang pananalita ko na hindi talaga ako interesado tungkol do'n. [Pero kasi Amy, mas maganda ata kung tumawag ka ng press conference para mas linisin mo ang pangalan mo.] Mahinahon na wika niya. Hayys. [Dahil kung hindi talaga totoo ang balitang 'yon then you need to make some actions. Alam mo naman na hindi ngayon ang time para sa mga ganyang issue di ba? Lalo na at kinukuha ka ng ambassador sa isang malaking beauty line sa korea.] Napa-rolled eyes na lang ako dahil tama naman siya sa sinasabi niya. [Ako na lang ang bahala na mag ayos ng press conference mo. Okay?] "Fine."At 'yon na nga lang ang nasagot ko sa kaniya at tuluyan nang pinatay 'yung tawag saka inabot na kay Pepper 'yung phone. "Lumabas na kayo. Gisingin niyo na lang ako kapag pupunta na tayo do'n sa press conference na sinabi ni Sir Wally."Walang emosyon na wika ko at muli na akong nahiga. Bwisit! Imbis na nagpapahinga ako ngayon, may issue na naman akong kailangang ayusin. Nakakainis talaga ang fake news! . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD