Chapter 12
3rd Person's POV
"What are your exactly thinking?" tanong ni Bazile sa nakatayong si Keehan. Umatras si Keehan matapos si Bazile.
"You are an idiot," inis na sambit ni Keehan. Tumawa si Bazile at nakapamulsahan na hakbang. Sinabi ni Keehan na huwag na itong lumapit. Napaupo si Keehan matapos pag-atras niya nasa gilid na pala siya nang kama.
Tatayo si Keehan nang yumuko si Bazile at itungkod sa magkabilang gilid niya.
"How do you feel when you take your own medicine? Mr.Alvarez. How unfair— ikaw nauna tapos ako sisihin mo," ani ni Bazile. Hindi gusto ni Bazile na nakikita niyang naiiyak sa harapan niya si Keehan.
"Unfair your ass! Lumalampas ka na sa boundary. Hinalikan mo ako para lang asarin ako. Sinong unfair sa ating dalawa?"
Halata sa mukha ni Keehan ang inis. Mas lalo pa siyang nainis nang sagutin siya ni Bazile n halikan din siya para fair. Naiyukom ni Keehan ang kamao at tinulak si Bazile. Naiinis na tumayo ang lalaki.
"May feelings ako Bazile. Hindi ako laruan— pareho kayo ni Jaxon," ani ni Keehan. Hinablot siya ni Bazile na kinagulat ni Keehan. Binagsak siya ni Bazile sa kama at pinatungan.
Madilim ang mukha ni Bazile at iyon ang unang pagkakataon na nakita iyon ni Keehan. Kung hindi kasi wala itong expression palaging pang-asar ang mukha nito.
Nasa pagitan ng mga hita ni Keehan ang tuhod ni Bazile. Lalayo si Keehan nang itungkod ni Bazile ang dalawang braso niya sa magkabilang gilid ni Keehan.
"Huwag na huwag mo ako ikukumpara sa kahit na sino dahil iyon ang pinakaayaw ko Keehan lalo na galing iyon sa iyo. Hindi ako humahalik sa kahit na sino lang at ni minsan hindi kita hinalikan ng wala ka sa sarili. Hindi mo ba alam kung gaano kahirap magpigil 'non."
Napatigil si Keehan matapos marinig iyon. Nilapit ni Bazile ang mukha kay Keehan.
"Sino sa tingin mo ngayon sa atin ang unfair Keehan?" tanong ni Bazile. Hindi nakasagot si Keehan at nakatitig lang sa mga mata ni Bazile.
Umismid si Keehan at ginilid ang ulo. Ngumisi si Bazile— napatigil si Keehan matapos siya halikan sa pisngi ni Bazile pababa sa leeg niya.
Pagharap ni Keehan. Hinalikan siya sa labi ni Bazile. Out of instinct agad siya sumagot— naramdaman na lang ni Keehan na nasa ibabang bahagi ng katawan niya ang kamay ni Bazile.
Napahiwalay si Keehan. Nahihiya siya. Tumawa si Bazile.
"I'll take the responsibility. Ako ang may kasalanan remember?"
Namula ng todo si Keehan matapos marinig iyon. Niyakap ni Bazile ang katawan ni Keehan at hinawakan nga ang sandata ni Keehan. Hinalikan ni Bazile ang labi ni Keehan na agad naman sumagot.
—
"Hindi pa din kayo tulog?"
Bumukas ang pinto. Napatigil si Bazile mula sa pagsusulat at lumingon sa kapatid.
"Kuya sa susunod matuto kang kumatok," pokerface na sambit na sambit ni Bazile. Tiningnan ni Grim si Keehan na nakadapa sa kama— naka-headset at nagha-humming habang nagda-drawing.
Napatigil si Keehan at lumingon kay Bazile na nakatingin sa pinto. Tumingin si Keehan sa pinto at nakita niya si Grim. Binaba nito ang suot na headset.
"Kaya pala walang sumasagot sa room mo nandito ka," ani ni Grim. Tumawa si Keehan at pinakita ginagawa niya.
"Nagpapatulong si Bazile mag-drawing," umupo si Keehan. Nakita ni Grim na phone ni Bazile ang hawak ni Keehan.
"Bazile, after 'nan matulog na kayo. Ito pala iyong delivery. Ako kinontak ng body guard sa baba— ikaw yata nagpdeliver nitong mcdo."
Agad na tumayo si Bazile at kinuha iyon. Napakamot sa ulo si Bazile at sinabing nakalimutan niya din kanina. Hindi niya napansin ang oras.
"Mcdo ba iyan? Pahingi ako!"
Inabot ni Bazile kay Keehan iyong paper bag. Naghihikab na umalis na doon si Grim at pinatutulog na si Bazile dahil mag pasok pa ito bukas.
Pagkasara ni Bazile nang pinto nilingon niya si Keehan na nilalantakan na iyong pagkain.
"Huwag mo dumihan ang kama ko," bilin ni Bazile at bumalik sa study table niya.
"Wait ini-order mo ito hindi ka kakain?" tanong ni Keehan at nilingon si Bazile.
"Kumain ako kanina. Ikaw hindi nag-dinner."
Tumawa si Keehan at sinabing kahit papaano pala ay may konsiderasyon ito.
"Hindi pa ba proof iyong ginawa ko kanin—"
"Vergara!"
Tumawa si Bazile at sinabing siya naman may kasalanan. Nagpatuloy na ulit si Bazile sa pagsusulat— napa-pokerface na lang si Keehan at nagpatuloy na din sa pagkain habang gumagawa.
Nang matapos si Bazile. Iniunat na nito ang mga braso at lumingon sa kama. Nakita niya na si Keehan na tulog. Napangisi si Bazile sa idea na mukhang napagod ang lalaki.
Tumayo si Bazile at inayos ng higa si Keehan. Tiningnan niya ang sketch pad niya. Tapos na si Keehan at mukhang hindi na nito kinaya ang antok kaya doon na natulog.
Binuhat ni Bazile si Keehan nang dahan-dahan at lumabas ng kwarto. Hindi niya naisara iyon ng maayos kaya agad niya na nabuksan. Pinasok niya sa kwarto si Keehan at hiniga sa kama. Nilagyan ito ng kumot— napako ang tingin ni Bazile sa labi ni Keehan.
Ilang beses niya ng nahalikan si Keehan kanina. Ngumisi si Bazile sa idea na hindi naman masama kung humirit pa siya ng isa pang halik.
Yumuko si Bazile at hinalikan sa labi si Keehan. Magaan lang iyon na halik— pagtingin niya sa pinto. Biglang nagsara iyon at nakarinig siya ng mga yabag sa labas.
Tumayo ng maayos si Bazile at tinungo ang pintuan. Binuksan iyon at wala siyang nakita na tao.
Kinaumagahan,
Maagang naghanda si Bazile para pumasok. Nilagay niya lahat ng gamit niya sa bag. Lumabas ng sariling kwarto at tinungo ang room ng kapatid at ni Gaizer.
"Bazile, goodmorning. Kumain ka muna."
Maaga nagluluto si Gaizer palagi para kay Bazile since doon nga dati kumakain si Bazile.
"Bazile, gusto mo mag-lunch box? Kumakain ka ba ng lunch mo?" tanong ni Gaizer matapos umupo ni Bazile sa lamesa.
"Pwede manager? Ayoko kasi pumupunta ng cafeteria," ani ni Bazile. Tumawa si Gaizer at sinabing bakit hindi.
"Dapat noong isang araw ka pa nagsabi para lagi kita napagbabaon hindi iyong nagtitiis ka ng gutom," ani ni Gaizer. Naglapag siya ng mga pagkain sa lamesa.
"Good morning manager."
Pumasok si Jaxon. Napatingin si Gaizer at ngumiti. Bumati din ito ng good morning.
"Kumain ka na din Jaxon."