Chapter 14
3rd Person's POV
"Ibig sabihin— hindi totoong sa pagsali mo sa banda sila tumututol?"
Napatigil si Bazile at Jaxon matapos marinig ang boses ni Keehan sa pintuan. Nandoon din ang buong TK na halatang nagulat sa sinabi ni Jaxon.
Napatayo ng ayos si Jaxon matapos marinig ang basag na boses ni Keehan. Narinig lahat ni Keehan.
"Bakit hindi mo sa akin lahat ito sinabi! Hinayaan mo akong kamuhian ka ng ilang taon!"
Lumapit si Keehan at hinablot ang kwelyo ni Jaxon. Sumigaw ang lalaki ng bakit. Agad na pinigilan ni Bazile si Keehan at nilayo si Jaxon.
"Dahil kahit anong rason pa hindi ko dapat iyon ginawa. Kasalanan ko pa din ang nangyari. Hindi kita dapat ginagalaw," ani ni Jaxon at sinapo ang noo.
"Halos magkapatid na tayo— simula ng magkaisip ka ako na ang kasama mo. Mali ang ginawa ko," ani ni Jaxon at tiningnan si K Keehan.
"Hindi ko magawang mag-sorry dahil hindi ko iyon pinagsisihan. Hindi ko maibigay ang sorry ko dahil ayoko ng dagdagan ang mga kasalanan ko sa iyo. Hindi ako nagsisisi dahil ginawa ko lahat iyon para sa iyo," ani ni Jaxon. Hindi ni Keehan nagawang makapagsalita.
"Pero kung sinabi mo iyon sa akin maiintindihan kita at—"
"Huwag kang magsabi ng ganiyan kasi alam ko na kung sinabi ko sa iyon. Mas bibigat lang ang pakiramdam mo and worst lalayuan mo ako. Kilala kita Keehan," putol ni Jaxon. Napayuko si Keehan.
"Dude, pasensya na na-judge ka namin agad," ani ni Elliseo at tinapik ang balikat ni Jaxon. Napatigil si Jaxon nang yakapin siya ni Keehan.
Tumawa si Jaxon— niyakap pabalik si Keehan at bumulong. Namula si Keehan at lumayo kay Jaxon. Sinamaan ng tingin ni Bazile si Jaxon na natawa lang.
—
"Hindi ka ginagalaw ni Bazile?" tanong ni Jaxon. Namumulang umiling si Keehan. Sinabi ni Keehan na hanggang halik lang si Bazile sa kaniya. Naikwento nito iyong about sa table and after 'non wala na ito ginawa sa kaniya.
"You feel comfortable around him?" tanong bi Jaxon. Tumango si Keehan habang nakaupo sila sa sulok ng dance room.
"Hindi ako natatakot kahit nasa iisang room lang kami. Nakakatulog din ako agad sa kama niya," sagot ni Keehan. Biglang inasar ni Jaxon na in love na si Keehan kay Bazile.
"Wala akong alam about doon. Iniisip ko na iti-take advantage ka din niya o masyado lang siyang curious da kondisyon mo. Ayokong masaktan ka," ani ni Jaxon. Ngumiti si Keehan at lumingon.
"Ayokong maranasan mo maiwan ulit," sagot ni Jaxon. Tumawa si Keehan.
"Hindi ko alam ang mangyayari sa future pero hindi mo ako iiwan diba?" tanong ni Keehan. Tumawa si Jaxon at sinabing hindi.
Ginulo ni Jaxon ang buhok ni Keehan. Pagkatapos nga ng nangyari na iyon— bumalik na ang lahat sa dati sa pagitan nina Jaxon at Keehan.
Maliban na lang sa pagitan nina Jaxon at Bazile na ginawa ng past time ang pag-aaway. Nasa pagitan pa palagi si Keehan na palaging sinasaway ang dalawa.
"Bakit parang nakikita ko si Grim, Rai at Akiro?" ani ni Gaizer habang nakatingin sa tatlo na kahit iyong unang tinapay na ginawa ni Keehan ay pag-aawayan ng dalawa.
"Akin na iyan," ani ni Elliseo at kinuha ang hawak ni Keehan na tinapay. Sinamaan siya ng tingin ni Bazile at Jaxon.
Tumatawa itong nagtago sa likod ni Apollo na napailing na lang habang nagtitimpla ng kape. Maya-maya nag-ring ang phone ni Bazile. Napatingin sina Keehan at Jaxon.
Video call iyon ata agad na sinagot ni Bazile. Nakita niya sa kabilang linya si Marcus katabi si Marco na agad kumaway kay Bazile.
"Dude! Hang out! Nandito kami sa baba," ani ni Marco. Nagulat si Bazile matapos marinig iyon.
"Anong ginagawa niyo sa baba?"
Tinanong ni Apollo kung sinabi ni Bazile ang address nila. Umiling si Bazile.
"Nasisiraan na ba kayo ng ulo?" tanong ni Bazile. Tumawa si Marco at sinabing huwag mag-alala.
"Napadaan lang kami dito. Dinaanan namin si kuya Rai tapos nakita namin dumaan sa lobby iyong manager ng TK kaya alam namin na nasa taas ka. Sabi mo diba nakikitira ka sa kakambal mo?"
Napasapo sa noo si Bazile dahil doon. Ngumuya si Jaxon at sinabing walang kwenta si Bazile.
"Will you shut up!"
"Paakyatin mo na sila dito Bazile kasi hindi ka pwede lumabas. Mukhang sila iyong tinutukoy ni Rai na pamangkin niya," ani ni Gaizer na nasa kusina.
"Kilala mo sila?" tanong ni Bazile at lumingon kay Gaizer na lumapit at naglapag ng pagkain. Bumati sina Marco.
"Hindi pero kahawig nila si Rai," sagot ni Gaizer. Bumuga ng hangin si Bazile at sinabing tumaas na sila doon. Huwag magdadala ng camera.
Ngayon alam na ni Bazile kung bakit hindi ang mga ito nagulat sa existance niya. Pinatay ni Bazile ang tawag at nagpaalam.
Hinila nito si Keehan na susubo pa lang ng sandwitch.
"Hoy! Bakit kailangan mo pa isama si Keehan!"
Humabol si Jaxon sa dalawa. Tiningnan ni Grim si Gaizer at tinanonv kung ayos lang ba iyon.
"Kaibigan ng Ikigai ang TK at pamangkin ni Rai ang mga batang iyon. Kaibigan din ni Bazile kaya hayaan mo na."
Sinabi ni Bazile kung anong floor sila. Sinalubong nila ito sa palapag. Pagbukas ng pinto ng elevator natatawang inakbayan ni Marco si Bazile.
"Hindi mo kami tinatawagan na tangna ka. Ano pa at nagpalitan ng number?" tanong ni Marco. Napa-pokerface si Bazile.
"Sinabi mo bang tawagan ko kayo?" tanong ni Bazile. Napako ang tingin ni Marcus kay Jaxon— kumunot ang noo ni Jaxon. Kanina pa nakatingin sa kaniya sa Marcus kahit iyong nasa video call sila.
"Kanina ka pa nakatingin. May problema ba?" tanong ni Jaxon. Tumayo ng maayos si Marcus at ngumisi.
"You are totally my type."
Napatigil si Marco at Bazile. Kahit si Keehan na masama ngayon ang tingin kay Bazile ay napatingin kina Jaxon. Napalitan ng pandidiri ang mukha ni Jaxon.
"Bagay kayong magbarkada ni Bazile. Pareho kayong basura," pikon na sambit ni Jaxon. Umalis si Jaxon at sinabing babalik na siya.
"Nice," ani ni Bazile. Naapalis ni Marcus si Jaxon na 24/7 na nakabuntot sa kanila ni Keehan. Napailing si Keehan.
"Pasensya na mabait iyon. Ganoon lang talaga ang ugali minsan," ani ni Keehan. Agad na umapila si Bazile at sinabing palagi iyon.