13

1096 Words
Chapter 13 3rd Person's POV "Nararamdaman ko? Kung anong nararamdaman ko kay Keehan it's none of your business." Nang pasakay na si Bazile sa elevator hinarang siya bigla ni Jaxon. Sinabi nito na nakita niya si Bazile na hinahalikan si Keehan. Kitang-kita ni Bazile ang galit sa mukha ni Jaxon. Sinabi ni Bazile kung nagseselos ito at gusto din nito si Keehan bakit hindi ito umamin. "Pero alam kong kahit umamin ka kay Keehan sa akin pa din ang bagsak niya," may ngisi ni sambit ni Bazile. Sa inis ni Jaxon agad niya hinablot si Bazile at sinabing manahimik. "Hinding-hindi mapapasayo si Keehan," madiin at puno ng pagkadisgusto ang mukha ni Jaxon. Hinawakan ni Bazile ang ng braso ni Jaxon. "Kung hindi siya mapapasaakin. Mas lalong hindi siya mapapasaiyo." Tinulak ni Bazile si Jaxon ngunit napatigil ito matapos dumulas ang sapatos ni Bazile. Napaatras ito at hahampas ang ulo sa pintuan ng elevator nang mabilis na kumilos si Jaxon. Hinarang ang kamay nito sa likod ng ulo ni Bazile at niyakap ang katawan ni Bazile. Pareho silang bumagsak sa sahig nang saktong bumukas ang elevator. Nagulat si Teressa matapos makitang magkapatong ang dalawa kasama ang ddalawang miyembro ng Ikigai. Si Lucian at Akiro o mas kilalang Aki. "Anong ginagawa niyong dalawa?" tanong ni Akiro na hindi alam kung tatawa o ano. "The heck!" mura ni Jaxon at napatayo. Napahawak sa braso si Bazile at bumangon. Naitungkod niya kasi ang siko kanina pagbagsak. "Are you okay?" tanong ni Lucian. Inabot ang kamay kay Bazile na agad kinuha ng binata. Tumayo ito habang hawak ang ulo. — "Ngayon alam na namin bakit magkapatong kayo kanina," ani ni Akiro na tatawa-tawa. Sinabi kasi ni Bazile na nadulas siya kanina pagtulak niya kay Jaxon at sinalo siya ng gago. Napahilot sa sentido si Apollo at sinabing bakit lagi na lang nagbabanggaan ang dalawa. "Magpasalamat kayo sina Aki at Teressa lang ang nakakita sa inyo. For god's sake— wala akong pakialam kung magpatayan pa kayo pero please lang huwag na huwag niyo dadalhin iyan sa public," ani ni Apollo na may diin at tiningnan si Jaxon. "Ikaw Jaxon— bakit ba lagi na lang ikaw ang nagsisimula ng away. Si Bazile lagi ang target mo. May gusto ka ba kay Bazile," tanong ni Elliseo. Minura siya ni Jaxon at tinaas ang gitnang daliri. Tumawa si Elliseo kaya agad ito binatukan ni Grim na kinamura ni Elliseo. Naka-cross arm naman na nakatingin si Keehan kay Bazile at Jaxon. "Bazile papasok ka pa ng school diba? Sumabay ka na sa akin lalabas din ako ngayon. Sumunod ka sa akin Jaxon," malamig na sambit ni Keehan. Napatayo ang dalawa na kinatingin nina Gaizer. Naunang maglakad si Keehan palabas ng kwarto. Kakamot-kamot sa ulo na sumunod si Jaxon at tiningnan si Bazile ng masama. Nakipagsukatan ng tingin si Bazile. Naibuga ni Elliseo ang iniinom nang parehong bumangga ang dalawa sa pinto na nakasara. Napasapo sa noo si Gaizer. Lumingon si Jaxon. Mabilis itong lumabas kasunod si Bazile na hinimas-himas ang noo. "Stupid," bulong ni Grim. Tumawa si Akiro at tinanong kung kailan naging close si Bazile at Jaxon. "Kung sa paningin mo close na iyon may problema ka sa utak Akiro," bored na sagot ni Grim. Nagbangyan ulit ang dalawa after 'non. Napasapo si Lucian sa noo sinabing pwede ilabas na din si Grim at Akiro. "Gusto ko ng tahimik na environment please lang," ani ni Lucian. Agad na sumang-ayon si Elliseo at sinabing siya din. Nang makarating sila sa sasakyan si Keehan ang sumakay sa driver seat. Si Bazile ang sa passenger seat at si Jaxon sa driver seat. "Pwede niyo ba sa akin kung anong exactly na pinag-aawayan niyong dalawa," tanong ni Keehan at pinaandar ang sasakyan. "Bakit hindi mo sa akin sinabi na nasa level na kayo kung saan pwede ka ng halik-halikan ni Bazile," ani ni Jaxon na may pagkadisgusto sa mukha. Napatigil si Keehan doon. "Sinabi ko na it's none of your business." Minura ni Jaxon si Bazile at sinabing bestfriend niya si Keehan. Para na niyang kapatid si Keehan. Sumandal si Jaxon sa upuan at nanahimik. Niyukom ang kamao sa idea na siya ang rason kung bakit hindi na siya mapagkatiwalaan ni Keehan. Sinabihan na ni Keehan sina Bazile at Jaxon na huwag ng mag-away. Ngunit mukhang hindi naman nakinig ang dalawa. Lagi itong nagbabardagulan sa iisang dahilan. Lagi iyon kay Keehan. Hanggang sa isang araw sa music room naiinis na sinabi ni Jaxon na hindi niya gusto si Keehan at hindi siya nagseselos. "Then anong pinuputok mo? Kung nasa level na nga kami ng ganoon natural ba na manghimasok ka pa? Hindi mo pwede habang buhay i keep si Keehan. Hindi siya sa iyo Jaxon." "Hindi ka pa ba tapos sa panggagamit sa kaniya para sa sarili mong needs at satisfaction?" malamig na sambit ni Bazile. Sinapo ni Jaxon ang noo. "Akala mo ba gusto ko din ang ginagawa ko?" tanong ni Jaxon. Napatigil si Bazile. Iba na kasi ang boses at expression ni Jaxon. "Sa tingin mo anong dahilan bakit ko iyon ginawa?" tanong ni Jaxon at tiningnan si Bazile. "Noong hindi ka pa niya nakikilala. Ginawa ko din lahat ng ginagawa mo— kinukulong siya sa kwarto at tinatali— tatlong araw siyang wala sa sarili." "Kapag napagod si Keehan doon siya nakakatulog at pagkatapos ng tatlong araw na iyon nanghihina siya. Umiiyak sa sakit." Hindi nakapagsalita si Bazile. Sumandal ang lalaki sa mahabang lamesa. "Laging ganoon 'nong first year kami. Sobrang hirap makitang umiiyak si Keehan at nagmamakaawa— pinagbigyan ko siya kahit labag din iyon sa kalooban ko. Alam kong mali iyon pero anong magagawa ko diba? May nakausap din akong doctor about doon at kahit siya nagulat dahil napakabata ni Keehan." "Doctor mismo ang nagsabi sa akin na malalampasan iyon ni Keehan kung mapapagod ito at mailalagay ang sarili nito sa malalim na pagtulog," ani ni Jaxon at ginulo ang sariling buhok. "Noong retreat at camping. Nangyari ulit iyon— hindi ako nakasama dahil sa parents ko. Nakausap ng parents ko ang doctor at nalaman nga nila ang kondisyon ni Keehan. Nagalit sila sa akin at pinalayo ako kay Keehan." Bumuga ng hangin si Jaxon at sinabing kumalat nga ang mga litrato. Nangyari ang kinakatakutan ni Jaxon. "Si Keehan saksi ako lahat sa mga naging paghihirap niya at kung paano pilit na maka-survive sa kabila ng mga pambu-bully sa kaniya. Nandoon lahat ako Bazile kaya huwag mong sabihin sa akin na makasarili ako without knowing na tinalikuran ko ang pamilya ko at pinutol ang koneksyon ko sa kanila para bantayan si Keehan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD