Cristoph POV
Hinatid ko na si Janelle sa school pero nakapagtatakang ang tahimik nito. Hindi nako sanay na di ito nagsasalita sa tuwing kasama ko.
“Hey.” Untag ko. Mukha naman itong nahimasmasan
“Bakit?” tanong niya
“Mukha kang nananaginip, tulala ka.” Sabi ko habang pasulyap sulyap sa kanya.
“May iniisip lang.” sabi niya saka tumingin sa labas.
“Is it about what happened?” tanpng ko ulit.
Tumingin lang ito sakin saka mapait na ngumiti. I sighed.
“I told you, makuha ka man nila,masasaktan kalang tapos kami pa rin ang puntirya. Kaya wag mong isipin na ikaw ang may kasalanan.” I was saying it while looking at the road.
Ngumiti lang jto ng maliit saka di na nagsalita. I sighed once more. Nakita ko naman si Caspian sa labas nga gate, doon na ata siya nag antay.
Pinarada ko ang kotse sa gilid kung nasaan si Caspian. Ngumiti ito saka nag wave.
“Morning Kuya, Janelle. Tara Janelle, malapit na magtime.”
Ngumiti ako sa kanya saka bumati pabalik. I glanced at Janelle nung nagpasalamat siya sakin saka bumaba. Umalis lang ako nang masigurado kong nakapasok na sila.
I drove back sa house, then I saw Kuya Matt sa loob na ng bahay. He was so mad. He was talking to Dad and surprisingly nandoon na si Uncle Ned.
“Unless may proof tayo na siya nga ang may tauhan na pinapunya ditto, we cannot just arrest him.” Dinig kong sambit ni Uncle Ned.
“That’s the thing, meron tayong witness ditto na magsasabi na siya nga may pakana.” Sagot ni Kuya.
“yes, a witness of the said scandal, but not this.” Uncle Ned said
“What should we do?”
“Element of surprise. Wag mo munang patakpan yung butas. Dapat may naka abang doon na hidi makikta o malalaman ng taong papaloob.”
“You mean. Let him in and someone will catch him?” I confirmed.
“Yes. Tama. We will then ask him or interrogate him. At least may witness tayo to that crime. We can set up cameras para may proof of his trespassing,”
We all nodded then planned what to do. It was a bit tricky but we had to do it.
Kinahapunan, I fetch not just Janelle but also Tiff. It was the weekend the next day so okay lang ang gagawin namin.
Doon ko sila inuwi kina Kuya Matt for the mean time until we can implement our plan. Nagtaka sila why in a different house lalo na si Janelle.
I held her shoulders and told her it is Kuya Matt’s residence, nakita ko itong namangha nanaman. Kuya’s mansion is bigger than Dad’s kaya ganun nalang ito kamangha
She looked at me with fear in her eyes. “Dito ka din ba mamaya?” I nodded.
Tumingin muna ito sa paligid and saw Ate Irish and the kids waiting by the door. Dala na ni Tiff si Princess sa loob.
“They are nice. That’s Kuya’s wife. Mabait si Ate Irish, like you, she came from a poor family. Magkakaintindihan kayo.” I said. Tinignan niya sila saka tumango. Bumaling ulit ito sa akin and look into my eyes.
“Bumalik ka ha?” she pleaded. Natigilan naman ako. I stared at her.
“A-ano kasi, w-wala akong i-ibang kakilala ditto.” Pagdadahilan niya saka bumawi ng tingin. I nodded.
“Baka nga di mo na ko kailanganin pag makilala mo na si Ate Irish.” I chuckled. Ngumuso naman ito. Tinulak ko na ito papasok.
“Get inside. I have to go back sa bahay. Lahat kami ditto din muna mamayang gabi.” I said. Buti nalang naglakad na ito papunta kina Ate Irish. Malapad ang ngiti nito nang makalapit na si Janelle. Niyakap niya ito saka pumasok na sila.
I got inside my car saka nagdrive na pauwi. I saw the menoutside the gate. May black van pa ito salabas na ipapasok mamaya.
Nasa loob yung mga tauhan na ipapasok mamaya at ang papalit ay mga nasa labas para magmukhang umalis na sila sa bahay.
I went inside the house. Nakita ko na sila Mommy and Daddy na nakabihis na. Kuya Matt will meet us sa bahay na. We have to make sure na di nila mahahalata na aalis kami.
On the couch, nakaupo yung mga taga security dressed like us. They will be the one left inside while sakay kami ng van mamaya.
The people in disguise said they will be in the room. May maiiwan na ilang tao sa basement while yung iba sa labas sa loob ng bahay. They will hide. We want to make sure they will think na wala nang security ditto
Nakita kasi nung naka civilian na may motor na padaan daan kahapon pa. So they know na pinag mamamnmanan kami. We have to be careful.
Pinasok na yung van at doon sila pinapasok sa basement. May lagsan naman ang basement sa loob ng bahay kaya madali silang makapasok ditto.
Ang pumalit sa kanila ay kami at ang ibang security. Lumabas naman ang nagdress up kagaya ni Dad para kuno ihatid kami palabas, he was with my so called Mom.
Para nga silang si Mom and Dad talaga, they were doing it perfectly. Nung masara na ang gate, nakita ko nga yung naka motor na dumaan saka umalis ito. Huli na kasi sumakay ang security to make sure Makita nilang paalis na ang security.
Nagbiyahe kami papunta kina Kuya. Nang maka abot kami, nakita nalang naming sila sa may garden nagtatawanan nina Tiff, Ate Irish at Janelle. Mukhang nakagaanan na ng loob nila ang isa’t isa.
Nung mapansin nila kami ay unti unti na silang lumapit. Nakita ko si Janelle na napangiti ng Makita akong kasama nila Mommy.
Dali dali naman itong tumayo saka nilapag ang tasa sa mesa. Lumapit ito sa amin at nang makalapit na ay agad akong pinuntahan.
“Buti naman maayos kayong nakalabas ng bahay.” Tumaango ako.
“Mukhang magkakasundo na kayo ah.” Ngumiti ito saka napasulyap kina Ate Irish at samga bata.
“Oo. Ang bait niya tsaka ang cute ng mga bata, lalo si Xavier, ang bibo.” Natawa ito. Sakai to lumingon sa akin.
“Mabuti naman nakagaanan mo na sila ng loob.” I stared at her and something in me stirred.
“Uhm, nakakita ka na ng room mo ditto?” I asked, pag iiba ko.
“Oh, Oo, pinakita na ni Ate Irish magiging kwarto ko. Nagpahiram na din siya ng damit na pwede ko lang muna masuot ngayong gabi. Wala naman kasi akong dala.”
“lahat naman tayo, we’re just here for the night. Kailangan lang mahuli yung pumupunta sa bahay.”
Tumango ito, tinawag naman siya ni Ate Irish kaya napalingo ito.
“Janelle, tara maghanda tayo para sa dinner,”
“Anjan na po,” saka humarap ito sakin. “Sandali lang ha.”
Tumako naman ito palapit kay Ate Irish saka sila naglakad pakitchen. Naiwan naman akong nakatanaw sa kanila.
“Nak, parang iba na yan.” Dad said, di ko namalayan nakalapit na pala ito.
“Dad, anong pinagsasabi mo?” he just smirked
“I had the same kind of look when it was your mom before.”
“Dad naman.”
“Are you sure it’s just a bet with our Kuya, or nahuhulog ka na?”
“Stop that, dad.”
Ngumisi lang ito, may hawak pala itong wine sa kamay. Mom was talking to Tiff sa sala while carrying Xavier.
Wala pa ang dalawang Kuya, nauna na ako kay Kuya Alex. He was going to drop Trina pa and Kuya Matt had a meeting pa.
Ilang oras lang, narito na si Kuya Matt and Kuya Alex, nagkasabay sila sa pagdating. Yung dala naming guards kasama pa din naming. Nasa labas sila at iba naman ay nakabantay sa paligid ng bahay.
“Any development, dad?” Kuya Matt asked. Umiling si dad.
“They did say may kanina pang motor na pabalik balik. They are still observing.”
Tumango naman si Kuya Matt. Lumabas naman galling sa kitchen si Janelle.
“Kakain na po.” Sabi niya kaya saby sabay na kaming pumunta sa dining.
Madaming naihanda sila Ate Irish, may ibang putahe na ngayon ko palang nakita.
“Ate, what’s this?” turo ni Tiff.
“Ah Bopis yan, Tiff. Sabi kasi ni Ate Irish magluto ako niyan.” Sagot ni Janelle.
“Marunong kang magluto?” tanong ni Kuya Alex. Ngumiti naman si Janelle.
“Eh ito, ano po ito?” turo nanaman ni Tiff sa isang putahe.
“Ah yan po, dinakdakan po.” Sabi ni Janelle.
“Maraming alam lutuin si Janelle kaya siya pinagluto ko mostly, ang akin lang ata jan prinitong isda tsaka pangimagas.” Sabi naman ni Ate Irish.
Nanlaki ang mga mata ni Mommy. She was eyeing the dinakdakan.
“I have been wanting to cook that. Gustong gusto ko yan.” She said.
Nagsiupuan na kami. Ate Irish made sure na magkatabi kami ni Janelle. I didn’t mind. Di din naman siya. Tiff led the prayer then we started eating.
Napamura ako sa sarap ng bopis. Ah grabe, naka ilang ulit akong kumuha ng kanin. Pati yung dinakdakan.
“Wow, ang sarap nga Janelle. Paano ka natutong mag luto?” tanong ni Dad.
“Naging sideline ko po pagluluto ng ulam pandagdag kita po. Tuiwing weekends po nun nagtitinda ako malapit sa may Universidad kasi may mga pasok pa din kahit weekend.” Sagot niya.
Bigla naman kaming natahimik. Oo nga pala, she had to work for her and the fmily she lives with.
“Ang sarap, iha.” Basag ni Mommy sa katahimikan.
“Alam mo, ganun din ginagawa ko noon pag kailangan ko ng extrang income.” Mom said.
Bigla naman ang ring ang phone ni dad. He grabbed his phone from his pocket then got serious. He stood up saka lumayo muna. It took him about 10 minutes saka bumalik.
“Nadakip na daw nila. May pumasok sa loob thinking na tulog na tayo kasi off ang mga lights.”