Janelle POV
Alam kong nananaginip lang ako dahil hindi ko dapat nakikita ang aking Inay na masayang kumukuha ng mga bulaklak sa aming hardin sa bahay amin.
At alam ko ding wala na kming bahay dahil giniba ito ng gobyerno matapos malaman na wala na si inay saka ako ay sa iba na nakatira.
Lumapit agada ko saka niyakap si Inay nang napaka higpit. Tumawa ito saka hinalikan ako sa noo.
“Anong problema, anak? Masaya ka bang makita ako?” tumingala ako saka tumango, mga maa ko’y puno na nang luha.
“Naku, ikaw talaga, andito lang palagi si Nanay, laging nakabantay.” Suminghot ako saka mas niyakap pa siya.
“Inay, isama niyo na ho ako.” Hinaplos haplos lang ng inay ang aking likod.
“Anak, gustuhin ko man ay di mo pa oras. May mararating ka pa, at sa lahat ng paghihirap mo, magiging masaya ka din.” Kinuha nito ang aking pisngi saka ako hinagkan sa noo.
“Lagi mong tatandaan ha, si Nanay nasa tabi mo lang. inding hindi kita pababayaan.”
Mas lalo akong umiyak dahil namimiss ko na ito at ang kanyang mga yakap. Nang maging kalma ako ay inaya ako ni inay sa may dagat.
Malapit ang tinitirihan naming sa dagat kung kaya’t noon ay naeenjoy kong lumangoy kasama siya. Niyakap ako ni Inay sa aking likod saka hinarap sa may dagat.
“Napakagada ano anak?” ang tinutukoy nito ay ang pag lubog ng araw.
“Minsan di lahat ng pagihirap sa buhay ay palagi nalang, minsan sa sobrang pagigigng matatag mo at pagprusigi, nakikita niya ito at masusurpresa ka nalang na bigla kang sasaya. Anak, ahit wala na ako sa tabi mo. Pilitin mong mabuhay ha? Asahan mong palagi akong andito.” Hinarap niya ako sa kanya saka nito kinuha ang buhok sa mukha at nilagay sa likod ng aking taenga.
“Kailangan ka nila ngayon, tumulong ka hanggat kaya mo. Malalaman mo ding kahit mahirap, may kalutasan din ito.”
“Inay, ayokong bumalik, ditonalang ako sayo.” Iyak ko sa kanya. Ngumiti ito at hinagkan ang aking pisngi.
“Hindi maari anak. Kung pwede lang.” lumigon ito sa likod ko saka ito bumalik ang tingin sakin at ngumiti.
“Bumalik ka na, hinahanap ka na niya.”
Pagkatapos nun ay di ko na siya Nakita sa sobrang liwanag. Naramdaman ko nalang na may gumigising sakin saka ako niyakap ng magmulat na ako ng mata.
Umiiyak ako. Ibig sabihi totoo ang nangyari. Nilibot nag aking mata kung nasaan ako, nasa ostial baa ko? Bakit ang liwanag, at sino tong nakayakap sakin?
“S-sino ka?” tanging nasambit ko. Natataka ako nasaan ako at sino ang nakayakap sakin.
Humiwalay ito ng marahan saka may pag aalalang tumingin sa kin.
“Are you okay? Umiiyak ka kasi habang tulog. Kaya ginising kita at niyakap. Okay ka lang ba?”
Tinignan ko lang siya saka pinaka titigan, ang puti pala niya. Makinis at ang labi, ang nipis din. Sa kakatitig ko sa kanya, bigla nalang sumakit ang batok ko. Akmang dadamhin ko ang batok ko nang pigilan niya ako.
“Halatang di ka pa ayos. Humiga ka muna.” Sumunod naman ako.
“May na aalala ka ba a nangyari?” tanong niya. Umiling lang ako. Nagbuntong hininga naman ito.
“May Nakita akong bbae ba humampas ng isang bagay sa batok mo. Binilisan kong mapuntahan ka. Buti nalang naglilibot si guard that time kaya nahuli siya.” Pagsasalay say nya.
“Sino raw?” tanong ko.
“It was your tita. Hindi ata niya matanggap na andito ka saka hindi ka pa daw bayad sa mga utang mo sa kanya.” he said. Umirapnalang ako a lalo kung pinagsisihan dahilang sakit pa din ng batok ko.
“Di bayad? Lahat ng kinikita ko halos sa kanila lang mapunta. Sila din nag enjoy nung nakuha kong pera nung niloko kita. Tapos di ako bayad? Para na nga akong katulong nila, ako pa bumubuhay sa kanila.” I said na ikinahikbi ko na.
“Pagod na ako, gustoko lang naman maging masaya kahit mag isa. Oo, inaamin ko nagkamali ako pero di ko intension na manapak o makasira, kumapit ako sa patalim dahil nahihirapan na ako.” Iyak kong sabi.
Naging emosyonal ako sa harap niya, alam kong nakakahiya pero, ayoko din namang lagging inaalipusta. Hindi ko siya narinig na nagsalita bagkus, naramdaman ko nalang ang yakap niya.
Mas lalo akong umiyak, siguro nga, too ang sabi nila, kailangan din natin ng makakausap. Ikan ga ‘no man is an Island’. Kaya habang yakap niya ako ay patuloy akong umiyak. Hindi siya nagreklamo, hinantay niya na tumhan ako.
Alam kong nakatulog ako kakaiyak dahil paggising ko, mejo madiilim na sa labas. Walang tao na makikita sa kapaligiran ko. Mag isa lang ako. Umupo ako sa kama at napa yuko.
Alam ko namang ganito ang laban ng buhay, mag isa lang. Nakatulala lang ako sa may bintana nag biglang bumukas ang pinto.
Tumingin ako doon at nagulat na si Xristoph ang pumasok. Nakayuko ito, at nung nag angat ng ulo ay nasorpresa na makita akong gising.
“O, gising ka na pala. Umuwi muna ako para magpalit since natutulog ka pa. I didn’t know na gising ka na.” kumamot ito ng ulo. Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi koinaasahang babalik pa ito rito.
Lumapit siya saka kinapa ang ulo ko. Nakuot ang noo nito saka naman lumiwanag.
“Great, mukhang okay ka na. Ang sabi ni dok, pwde ka na raw lumabas.”
“Nasa Ospital aako?”
“Ahh, sa clinic ng school. I know, it’s quite big.” Sabi niya na nakangiti. “ And don’t worry about sa tita mo, may restraining order na ito so d na talaga siya makakalapit sayo.”
Kumunt ang noo ko at naalalang ganito sila ngayon sa akin kasi may kailangan sila. Pano kaya pag wala na? Sa isipang yun, bigla akong lumungkot. Hanggat may silbi ako, aalagaan ako. Tama, kaya dapat akong ma pursige na maka ahon.
Napansin niya siguro na nag iba ang timpla ng mukha ko, dahil natanong niya kung okay lang ako. Tumango lang ako saka bumaba sa higaan. Mejo naihilo ako pero nakatayo naan ako ng mayos.
“By the way, gusto ni dad na sa bahay ka muna pansamantala.” Gulat ko siyang nilingon.
“Until you are safe.” Dagdag niya.
“Wag na, nakakahiya. Dito na lang ako kaya ko naman.”
“Please, we insist.” He said.
Wala din naman akong nagawa dahil nung lumabas ako ng clinic, nandoon na din an kotse niya saka nakapaloob na daw doon yung gamit ko sa kwarto ko, napabuntong hininga nalang ako saka sumunod sa kotse niya.
Siya pa ang nagbukas ng pinto ko na ikinadagdag nang hiya ko. Sumakay na din siya saka nagdrive na papunta sa kanila.
Sa bintana lang ako nakatingin, pinagmamasdan bawat madaanan. Puasok kami sa isang subdivision at masasabi kong, mga mayayaman talaga nakatira dito.
Papasok kami ng gate sa isang malaing bahay. Hindi lang Malaki, masyon talaga ito, malayo ang ahay sa gate palang. Napanganga ako sa naghihilerag kotse dito sa loob.
Huminto kami sa may pintua na bahagi. Lumabas yung nag ngangalang Tifanny na may malwak na ngiti. Inakabahan ako sa maaaring mangyari.
Sinabi sakin ni Christoph na bumaba na, so binuksan ko yung pintuan sa gilid ko at namangha sa kalakihan taaga ng bahay.
Nauna siyang maglakad papuntang pintuan at inaya ako papasok. Lumapit naman si Tiffany saka ito ang nagtulak sakin papasok n bahay nila. Naiwan si Christoph na nakangisi at umiiling.
Pagkapasok namin0 ay pinaupo ako ni Tiffany sa may upuan nila sa sala saka ito umails kung saan. Naiwan ako sa salang mag isa.
Pumasok a din naman si CVristoph at bago ito makapagsalita ay naunahan na ito ng kapatid niya.
“Mommy, mommy, look, mommy oh, I told you may girlfriend na si Kuya Tope!”
Nanlaki ang mga mata ko saka napatayo sa pagapapakilala sakin ng kapatid niya
“N-aku, h-hindi po!” Biglang yumakap ang Mommy nila sakin at bumulong..
“Welcome to the family iha.” Patay!