A newfound friendship

2709 Words
Caspian POV I was reading a book in my room on a Sunday afternoon. Ganito lang ginagawa ko tuwing weekends or pag walang pasok. I never engaged in mobile games or computer games, nakakasira ng buhay. I have a friend who was good in school but after lang maturuan maglaro, his grades were plundering down. I cannot afford to disappoint my mom and dad like that especially na ako lang ang inaasahan nila. Bigla ko na alala si Janelle. I smiled upon thinking of her. Di ko alam kung bakit ganun ang galit nila sa kanya eh wala naman atraso sa kanila si Janelle. Later, I just found out na may issue pala si Kuya Cristoph in the business world at siya pala ang dahilan. I asked Tiffany about it anf she told me what really had happened. Pinsan ko sila sa side ni Tita Jessie, di kami masyadong close but she invited my mom ro let me have my education sa school nila. May munti kaming negosyo na ipinundar ng dad ko pa. May bakery kami at isang flower shop. Mom loves flowers a lot kaya nagpatayo sila nito. I love seeing her smile kapag may nakikita siyang bagong bulaklak sa isang munting garden naming na siyang kinukuhanan ng flowers para sa shop. Minsan pumupunta ditto si Tita Jessie to spend her day lalo kung nag iisa siya sa bahay. She and mom are close cousins kaya silang dalawa ang usual na nagkikita. Mom told me to be friendly sa mga anak ni Tita Jessie, since almost all of them just keep to themselves. Who I usually see is either Kuya Cristoph and Tiffany. Sila lang kasi yung mejo kasing edad ko lang, the other two older ones, nasa kabilang building kasi. Tiff and I usually hang out sa school. But eversince she started helping sa boutique ng tita niya, she was getting busy too. Nauna namang nag graduate si Kuya cristoph kaya ako nalang minsan. Oh, and where was I? Ahh si Janelle. Yes her. Many say na oportunista siya kaya nakapasok siya sa school. But I like to think otherwise. Sabi nga ni Tiff, may possibility na may pangangailangan siya na doon kumapit sa makukuha niya sa Kuya niya. I thought about it as well. She must be right. Kasi unang una, how can a girl like her age think about those things kung di siya natulak ng pangangailangan. And, how can she pursue that idea if not driven over something. So then I decided, I want to know her more. Dalawang beses na kami nagkapartner and I must say, she is indeed serious sap ag aaral niya. She never want to miss any assignment nor she wants to miss any class. I can see in her na gusto niyang makatapos at may marating. Kahit na nahihiya siya, gagawin niya alang alang sa grades niya. It was getting darker sa labas when I decided to go downstairs. Nasa hagdan palang ako and I can smell the sweet aroma nung niluluto ni mom. I smiled while going down, only to see dad sa may living on his rocking chair watching TV and Mom at the table, cutting some vegetables. Lumapit ako kay Mom and sat beside her, watching her cut the food. “Mom, ano niluluto mo?” she smiled and looked at me. “Yung favorite mo. Bilo bilo tska mag lulumpia vegetables na din ako.” Nanlaki mata ko. “Wow. Guess I am having a nice dinner!” tumawa naman kami ni mama ng konti. “Doon kana sa Dad mo, samahan mo nalang muna siya manood ng TV, kami na bahala ditto ni Anita.” She was referring to our only help. “Sige po.” Saka ako tumayo and kissed the top of her head bago lumapit kay dad. He was busy watching his favorite FPJ movie habang ako napa upo sa may couch. I smiled watching him relax sa rocking chair niya. Dad was getting old and getting sick too. Kaya ganun nalang ako kapursigidong makapagtapos para matuklungan ko na sila. I watched with him the entire hour. Nung natapos na ang movie saka niya ako napansin. He called me saka ako tumayo and lumapit sa kanya. I sat next to him dun sa isang lone couch na katabi niya. “Hay tong mga paa ko, palagi nalang masakit.” He complains. “dad, nirarayuma kana naman ba?” I asked. “Hindi ko nga alam eh.” “Magpakonsulta nalang kaya tayo sa doctor?” But he jus shook his head no. he is not a firm believer when it comes to doctors. Feeling kasi niya, lahat ng doctor pineperahan lang ang pasyente. “Dad, pano natin malalaman anong sakit mo and anong gamot para sayo?” “Hayaan mon a, gagaling yan sa mga dahoon dahoon lang.” Umiling nalang ako. “Kakain na!” mom called from the kitchen kaya tumayo na ako at inalalayan si Dad papunta sa kusina. Once we were there, pinaupo ko na ito sa pwesto niya bago naman ako umupo sa gilid niya. My mouth watered upon seeing na aside sa lumpia may laing pala sa mesa at may bagoong. “Wow Mom, ang sarap, thank you po.” She started to lead the prayer before kami kumain. Mom and dad were talking abouit the business and paminsan minsan sinasabay ako sa maaari kong maisuggest. I’m just happy mom and dad listens to me sometimes. Yung opinion ko naririnig din nila. In that sense, I feel valued. Natapos kaming kumain na nagpasalamat ako sa kanila. I was really full. Umakyat na ako sa taas kasi mag hahamda pa ako sa gamit ko for school. I as thinking about what will happen tomorrow sa presentation naming ni Janelle. Madami siyang naiisip na idea para sa kung paano naming ippresent yung assignment namin. Parang unti unting gumagaan ang loob ko sa kanya habang nalalapit kami dahil as school work. Now I am getting somewhere. I know she is a good girl. I just have to know bakit niya nagawa yun kay Kuya. With that thought, natapos ko ang pag liligpit sa gamit ko then went to wash up. Pagkatapos ko, I was planning to head directly to bed but I decided to do something first. I smiled while I have my phone with me. Since may number ako sa kanya, I’m just gonna greet her. Nung masend ko na ito I smiled triumphantly. I went to bed and smiled to myself. I am gonna be your friend soon. See you tomorrow, Janelle. Janelle POV Nasa kalagitnaan ako nang pagsasagot ng workbook ko nung may natanggap akong mensahe. Akala ko sa kaibigan ko pero sa ibang tao pala. Caspian, mahina kong sambit. Buti nalang kahit pandalawahan ang kwarto na to, mag isa lang ako. Kaya Malaya akong nakakagalaw dito sa loob. Nang mabasa ko ang mensahe niya, napangiti ako. Walang kahit sino man ang nagtangkang kausapin o lapitan man lang ako. Alam ko naman kung bakit. Nilapag ko na ang phone ko sa mesa at nagpatuloy na sa pagsasagot. Bigla namang kumalam ang tiyan ko kaya napag desisyunan kong lumabas muna at bumili ng makakain. May malapit na convenience store ditto kaya dun nalang ako pumunta. Ilang minute lang ang lakad papunta ditto kaya di ako nahirapan. Pagkapasok ko, agad ko hinanap yung mga ready to eat nila. Mabuti nalang at may nakita ako, gusto ko kasing kumain ng kanin ngayon. Matapos akong makapili ay pumunta na ako ng cashier saka nagbayad. Napansin kong konti nalang pera ko kaya minabuti ko na din na umalis na, baka ano pang maisipan kong bilhin. Papalapit na ako sa dorm nang may pamilyar akong bulto na nakita. Agad namilog mga mata ko nung makilala kung sino ito, ang aking tiya. Tumago muna ako malapit sa building saka sinilip silip siyua doon. Nilapitan siya ng isang babae na nasa front desk. “Pasensiya na ho mam, wala po ata ditto sa Janelle sa kwarto niya. Mukhang lumabas po.” “Pwede ko bang hintayin siya sa loob ng kwarto?” pagpipilit ng tiya ko. “Pasensiya na mam, bawal ang bisita sa kwarto at sarado na din po ang lounge. Balik nalang ulit po kayo o icontact niyo nalang po si Janelle para siya nap o mismo ang humarap sa inyo.” “Yun nga ho eh, kasi di naman nagrereply kaya napapunta ako ditto.” “Pasensiya na mam, kasi wala din po nilistang guardian si Janelle kaya di po kami pwede magpahintulot na papasukin sa kwarto nila kahity saglit lang.” “Ganun po ba? Sige po, maraming salamat.” Saka ito tumalikod at akmang aalis na pero huminto lang ito nang ilang hakbang magmula sa entrance at nagsalita. “Humanda ka saking babae ka. Matapos kang patirahin sa bahay basta basta ka nalang aalis. Tapos ditto pa kita makikita leche ka, mamahalin ang skwelahan na to. Makikita mong babae ka.” Saka ito tuluyan nang umalis. Nakahinga na ako ng maluwag nang Makita ko na itong nakalabas ng gate. Malapit lang kasio ang dorm sa main gate ng school. Pumasok na ako sa loob pero nakita ako nung babaeng nakausap ng tiyahin ko. “Ahy Janelle, may naghahanap pala sayo kanina. Tiyahin mo daw.” “Ahh, yun ba? Wag niyo nalang pong sabihin na andito ako kahit na nandito ako. Galit yun na nakikita akong nag aaral ditto.” Nginitian ko lang siya. Ito yung babaeng una kong nakita ditto. Mabuti pa siya, hindi niya ako trinato na iba kahit na alam niyang nagka issue ako sa boss nila. “A-ahh ganun ba. Cge, sa susunod gagawin ko nalang din yon. Kakain ka na ba?” turo niya sa pagkain ko. “Oo eh, gutom nako. Almusal lang naman ang free ditto diba, kaya bumili nalang ako s labas ng maka kain ko.” Tumango lang ito pero nakikita ko sa mukha niya na naawa siya sakin. Hindi ko matagalan yun kaya nag paalam na din ako. Umakyta na ako sa kwarto at pumasok na. nakita kong may tumatawag sa phone ko kaya tinignan ko ito. Tiyahin kop ala ang tumatawag. Nagbuntong hininga nalang ako saka nilapag ang phone ko. Kelangan ko na magpalit ng number ko. Kinuha ko sa plastic yung pagkain ko saka nagsimula nang kumain. Napag isip isp kong mag apply ng part time lang muna para may pangtustos ako sa pagkain ko man lang. Sa naisip kong yun, habang kumaklain ay tinext ko kaibigan ko. Nanghingi ako ng tulong para sa oart time na hinahanap ko. Natapos akong kumain at saka palang ito nagreply. May alam daw siyang pwedeng pagparte-man. Nagpasalamat ako saka nagsabi kung pwede niya akong samahan. Masaya kong niligpit ang pinagkainan ko saka nag halfbath na din. Buti nalang kada kwarto may sariling banyo. Sabagay, dalawa naman dapat ang nasa loob nito, ang kaso konti lang kami sa dorm kasi ang mahal mahal ng pagdodorm ditto. Mga mayayaman nga naman. Matapos akong magbanyo, agad akong nagligpit sa kalat ko saka hinanda yung mga gamit ko bukas. Sana nga, maganda ang araw ko bukas. -- Nagmadali akong makalabas ng dorm nung sumunod na araw. 6am palang pero ang klase ko nasa 8 pa, nag almusal na ako at lahat. Nagmadali ako kasi alam kong pupunta nanaman ditto ang tiyahin ko. Pababa na ako nung marinig ko yung babae kagabi na may kinakausap. “Pasensiya na ho mam, buong gabi po ako ditto pero mukhang di po siya umuwi.” “Saan naman nagpunta yun? Diba dapat alam mo? Ikaw nagbabantay eh?” rinig ko ang tinig ng tiyahin ko. “Nagbabantay lang ho ako ng dorm, hindi po nang mga nasa loob. Tsaka po, wala pong curfew ang mga nasa dorm. Kaya yung iba, labas masok lang ho ditto.” “Anong klaseng patakaran ba meron kayo?” “Yun po ang patakaran na nilagdaan nap o simula nang nag umpisa ang paaralan na to.” “Putang inang patakaran yan, kelangan niyo yan ibahin kaya di kayo ata ditto pinapasukan ng mag aaral eh.” “Pasensiya na po, pero yun po tlaga ang patakaran na meron kami. Pag dumating po siya, sasabihin ko ho.” “So ano, araw araw niyo akong papupuntahin ditto?” “Kayo lang po. Wala po kaming control sa mga estudyante naming ditto. Kung kaya niyo po, kayho po humarap sa President naming ditto.” “Abat ang..” napangiti ako sa sagot. “Kasi po para naman pong gusto niyo palitan ang patakaran nam,in base sa inyo. Ilang taon na ho kaming andito pero ni isang magulang walang nagreklamo. Kayo palang po.” “Aba at sumasagot ka pa ha.” “Hindi po kayo nagpapasweldo sakin. At base po sa sinabi samin, pag binabastos kami, gtantihan din naming lalo kung ginagawa lang naming ang trabaho namin.” “Che, mga putang ina niyo.” Saka ito lumabas at umalis na. Bumaba na ako ng tuluyan saka nagpakita na sa babaneg nasa front desk. “Maraming Salamat!” “Walang anuman. Binabastos na niya kasi ako eh, kung mahinahon lang siya gaya kagabi, baka napagpasensyahan ko pa kahit mapilit siya.” I smiled sa kanya at gumanti ito ng ngiti. “Aalis ka na ba?” tanong niya. “Oo, may gagawin presentation ngayon kaya doon nalang ako maghahanda.” “Ah ganun ba. Good luck sayo.” “Salamat. Mauna na ako. Salamat ulit.” Mabilis akong pumunta sa may mga m,esa sa field. Doon ko tinapos yung presentation naming. Pinahiram kasi ni Caspian yung laptop niya. Nung maayos ko na, 30 minutes nalang bago mag 8, kaya dali dali akong nagligpit saka umakyat na sa room namin. Mukhang di pa bukas ang room akay sa gilid lang muna ako nag antay. Di ko na din napansin na may tumabi sakin dahil nagbabasa ako. “Good morning partner!” nagulat akong napatingin sa kanya, may ngiti nanaman akong nakita kaya di ko din mapigilan mapangiti. “Ready ka na ba?” tanong niya.. Tumango ako saka ito tumulong sad ala kong laptop at design namin dahil bumukas na ang room. Magkatabi pa din kami sa kinauupuan. 5 minutes nalang at magsisimula na ang klase. Inayos ko na ang bag ko sa gilid ko. Nagulat ako nung pagtingin ko sa harap, nakita ko siya. Biglang nagtilian ang mga babae sa room at ang mga lalake naman ay napahiyaw. Kumunot ang noo ko nang Makita ko ito. Lumapit naman sa kanya si Caspian saka sila nagyakapan. Nakikita ko sa dalawa ang kasiyahan na Makita nila ang isa’t isa. Napalingon ito sa direksyon ko at nawala ang ngiti. Nanigas naman ako sa aking inuupuan nang lumapit ito sakin. Yumuko lang ako at di inlaintana na umupo ito sa tabi ko. Nanuot sa ilong ko ang pabango nito, malakas pero banayad sa ilong. Di masangsang. Very mild lang. Tumikhim ito akay tinignan kop siya. Nakatingin samin lahat ang mga kaklase ko na may binubulong nanaman. Tinignan ko lang ito, pareho din siya. Saka ito nagsalita. “Kelangan kita makausap.” Nagtaas ako ng isang kilay. “May klase pa ako.” Nag isang linya ang kilay nito saka kinuha ang palapulsuhan ko at hinatak ako palabras. Nakita kong hanggang tingin lang si Caspian at ang mga kaklase ko. Lumabas kami ng room saka pumunta sa gilid ng building. Walang kato tao roon kaay Malaya niya akong isinandig sa pader ng malakas. “Huwag na huwag mo akong bibigyan ng ganyang attitude gayong ikaw ang may kasalanan na nasa ganito akong sitwasyon.” “A-anong bang kailangan mo?” huminga muna ito ng malaim saka tumalikod.Ilang segundo at humarap ulit sa akin. “I know ilang buwan anlang and ggraduate kana ng senior high. And your about to be 18 by then, right?” napalunok ako pero tumango ako sa tanong nito. “I need a secretary. Ang meron ako ngayon ay aalis within a few months. I will let her train you then pag alis niya, ikaw ang papalit.” Nan;laki mga mata ko. “Bakit ako? Meron ka naman ata pwedeng makuha na iba eh.” Tumingin lang ito sakin ng masama. “No. I want you.” Napalunok nanaman ako. s**t naman, bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD