Hikari Villa Gracia 's POV
Sa pagitan ng aming paglalakad pababa ni Mama Trish ay ganun nalang ang pag-aalala ko sa pagpunta dito ni Fheon nang biglaan, knowing her kasi kailanman ay hindi niya ginawa ito. Bakit kaya bigla siyang napasugod dito? Hindi maganda ang pakiramdam ko.
“Ano kaya iyon Mama Trish?" tanong ko.
“Nako wala din akong alam Hija, mag-isa lang kasi siya at may dalang isang brown envelope, baka naman tungkol sa kung ano lang? Huwag ka masiyadong mag-alala," tugon ni Mama Trish sa akin.
"Baka nga po,” wika ko nalang at isinangtabi na ang pag-aalala, marahil ay masiyado lang akong over thinking. Mukha nga hays!
....
“Fheon," tawag ko sa kaniya pagkarating sa living room. Nakita ko siyang nakatingin sa glass wall ng bahay papuntang garden at nakataikod sa akin.
“Hikari," tawag niya din sa akin pagkaharap.
Tumango ako at inaya siyang maupo sa couch.
“May problema ba?" tanong ko pagkaupo namin, bumuntong hininga muna siya at inilapag ang dala-dalang envelope.
“Can we talk privately?" Fheon asked me.
“Sige, lumabas muna kayo at ako nang bahala sa sa tanghalia—” Naputol sa sasabihin niya si Mama Trish when Fheon immediately response.
"No! I mean mas okay siguro kung dito nalang tayo mag-usap?”
Nagtataka ako sa ikinilos ni Fheon pero tumango nalang ako.
"Okay, doon nalang tayo sa study room," I said
“Mabuti pa nga siguro, dadalhan ko pa ba kayo ng maiinom?” tanong ni Mama Trish.
“Hindi na po,” maiksing tugon ni Fheon at kinuha ang envelope sa mesa.
Pagkatapos noon ay tumayo na kami ni Fheon para umakyat papuntang study room. Ano kayang laman nung envelope na hawak niya kanina pa? Medyo napapaisip ako. Mukha ring seryoso siya.
Habang naglalakad sa hagdan ay nakaramdam ako ng paghilab ng tiyan, pabalik-balik kasi ako kanina pa! Paakyat at baba.
Pagkapasok sa study room ay ganoon nalang ang pagkunot ng noo ko nang agarang ini-lock ni Fheon ang pinto, does it a serious matter para magsara pa kami ng pinto?
"Nandiyan ba si Serviguel?” tanong niya.
“Oo nag sh-shower, bakit?”
“Nothing!” Fheon said at umupo kami sa tag-isang single couch na magkaharap.
"Ano bang problema Fheon?”
“Before that? can I hold you a promise?”
“Okay, anong promise naman?” takhang tanong ko.
"Promise me, whatever happen between us, whatever we talked about, whatever you will see, wala muna ang makakaalam sa pag-uusapan natin ngayon, and if someone force you to speak? you have to lie," she said. Seriously? What if si Sevi? Anong gagawin ko magsisinungaling ako?
Mukhang malabo ‘yon. Pero kung napakaseryoso ng bagay na ito. I will try my best, hindi naman siguro hihingi ng mapanghahawakang pangako si Fheon kung hindi seryoso ang problemang ito.
"Okay I promise,” sambit ko na wala ng pag aalinlangan pa.
"Okay thank you," pag papasalamat niya at nagsimula ng galawin ang envelope na hawak niya.
"Take a look at these pictures Hikari," wika nya pagkalapag ng mga larawan na laman ng envelope kanina. Napakunot ang noo ko sa nakitang mga larawan ng apat na lalaki with their stollen shots.
“A-ano naman yan?" Tumingin ako sa kaniya, with both eyes asking her.
“Silang apat ay nakatakas sa Asia jail, dalawang taon na ang nakararaan. They hid for more than a years na pagkakaalis sa bilangguan. Ang apat na ito ay itinuturing malalaking tao sa mundo ng mafia. Ikinulong sila sa maliit na bahagi ng Mafia Gate na nasa pinakadulong bahagi ng pilipinas."
"Mafia gate? I heard it before," I uttered.
“Mafia gate is an Asia jail, kung saan ikinukulong at pinapahirapan ang malalaking tao ng mafia world at walang matinong idinulot sa mundo kundi kalapastanganan. Nahahati sa apat na bahagi ang mafia gate at nakapaikot ito sa buong Asia at sa mga bansang Singapore, Korea, Philippines at China.
Napalunok ako ng sariling laway sa sinabi ni Fheon, hindi ko akalaing may ganitong lugar sa Pilipinas. Talagang may sariling mundo ang mga tao ng mafia katulad ni Sevi? This is ridiculous!
"Ano naman ang problema sa apat na lalaki na iyan at anong kinalaman ng Mafia Gate?” Naguguluhan ako kung bakit kailangan niyang sabihin pa sa akin ang mga bagay na iyan.
"They're planning to open the Asia Jail's Gate na siyang magiging dahilan para hindi na matapos sa kaguluhan ang iba't ibang banda, dahil once na binuksan mo ang Mafia Gate, makalalabas ang lahat ng big-time Mafia bosses, na siyang dahilan upang maraming mapahamak na inosenteng tao. Lahat ng taong nakakulong doon ay kriminal na may matataas na katungkulan sa buhay."
Nagtaasan ang balahibo ko sa sinabi nya. Oh my God! Hindi ko akalaing may ganitong klase ng pamamalakad sa mundo, but naguguluhan pa rin ako.
"Kilatisin mong mabuti ang mga mukha nila Hikari, you can encounter one or two, three or all of them, maaring kausap at nakakasalubong muna pala sila."
"Wait Fheon... anong ibig mong sabihin? isa pa naguguluhan ako, anong kinalaman ko sa ganitong mga bagay. Hindi ba dapat si Sevi or si Fayn man lang ang unang makaalam nito dahil sila ang mga taong konektado sa mundo ng mafia katulad mo? i'm just nobody."
"Nagkakamali ka Hikari, definitely. Hindi kaba nagtataka kung bakit ikaw ang una kong nilapitan at hindi sila?"
Umiling ako nilang tugon.
"Kung alam mo lang Hikari, that you and I is the only one can keep the keys to open the mafia gate."
"A-ano?" takhang tanong ko habang nakakunot ang noong titig na titig sa kaniya.
“Nang malaman ko ang tungkol dito, hindi ko alam kung sino ang unang lalapitan ko."
“Pero Fheon, kahit kaunti ay hindi matanggap ng isip ko kung ano ang nagyayari. Pakiusap ipaliwanag mo pa ito sakin." Malalim akong napabuntong hininga.
Sasagot sana si Fheon ngunit hindi natuloy nang tumunog ang cellphone nya. Kaagad naman niya itong kinuha at sinagot.
“Hello... No, please tell them to wait a bit more, parating na ako, I just need to talk my friend,”wika niya sa kausap sa cellphone at kaagad pinatay ang tawag.
“I have to go Hikari,” nagmamadali niyang wika at mabilis na kinuha ang nakalatag na mga larawan sa center table.
Hindi na ako umimik pa dahil sa pagkagulo ng isip ko sa mga pinag sasasabi ni Fheeon, kaming dalawa? Bakit ano bang kinalaman ko sa mga bagay na iyon?
Paalis na si Fheon, nang huminto siya sa pagbukas ng pinto at tumingin sakin ng seryoso.
“If you really that curious, complete the puzzle and I will help you, be careful Hikari.” Iyon na lang ang huling sinabi niya at tuluyan ng umalis. Should I be more careful? Kaylangan kong iwasan ang pag-alis-alis ng bahay.
Nawala ang lahat ng agam-agam ko sa isip ng maramdaman kong sumipa ng bahagya ang batang nasa sinapupunan ko, kaya napahawak ako dito. Nakakatuwa pag gumagalaw siya sa tiyan ko kapag nag-iisip ako parang ginagawa nya yon para pahintuin ako sa pag-iisip. I love you!
“Wife?”
Hindi ko na nilingon pa si Sevi sa pintuan at nagdire-diretso siyang pumasok dito. Tumabi siya sa akin habang basa pa ang buhok.
“Why are you here?” he asked me,agkatapos ay umakbay sa akin.
“Nkipag-usap lang kay Fheon.”
“Here?” Nakakunot ang noo nito. “About what?”
“Kung ano ano lang, dapat sa baba kami kaya lang ‘di ko na kayang mag-akyat, baba. Humihilab yung tiyan ko ang bigat pa,” pagsisinungaling ko na lamang. Kailangan kong itago kung ano ang totoo at ang mga nalaman ko.
“Tsk! tsk! bad boy,” wika ni niya at bahagyang dinampian ng palad ang tiyan ko, matapos ay hinaplos ito nang marahan. “Don’t let your mom, feel difficult please honey.”
Natuwa ako sa sinabi niya lalo pa, nang halikan niya ang tiyan ko. He seems like kissing our first ever kid.
“Can you attend the party later?” tanong niya matapos.
“Oo naman, papahinga lang ako saglit.” Ngumiti ako at yumakap sa kaniya.
“We will move our room downstairs, para hindi kana mapagod mag-akyat baba.”
Ang sweet talaga ng asawa ko. I’m so stupid to lie to him. Hindi na ako umimik at sumandal nalang sa dibdib niya. Nasa ganoong posisyon kami nang bumalik ang isip ko sa napag-usapan namin ni Fheon. Kailangan kong um-attend ng party dahil kung talagang malaking tao ang makakalaban namin kailangan ko nang simulan ang pagmamasid.
***
“Paki sara nga Sevi,” hinging paki ko kay sa asaea ko, upang isara ang zipper ng evening gown na gagamitin ko medyo balloon ito sa may tiyan ko para hindi maipit ang nasa tiyan ko.
“Ptff!” Pigil nitong tawa. “You look so swollen,” pang-aasar nito sa akin habang sinasara yung zipper sa likuran ko.
“I don't care, I still have my husband loving me.”
“You sure?” tanong niya.
Pagkasara ay humarap naman ako sa kanya na nakataas ang kilay at malungkot. “Hindi, hindi ako sigurado.”
“All these struggle we been through? you still unsure about my feelings for you?” Nakamaang ang kaniyang mga matang titig na titig sa akin.
Lumunok ako ng sarili kong laway. I feel so insecure, sa laki ng pinagbago ng katawan ko. “Yes, i'm not sure. Because of what happened to my body, baka hindi mo na ako gusto. Baka may iba ka nang mahal at hindi na ako.”
“That is so impossible, hey! don’t speak like that. I may be the worst person in the world for having this kind of life, I'm not a hypocrite to get blind and see how you worth for me, I love you,” he said at bahagya akong niyakap at hinalikan sa noo. “Cut that insecurities, you’re my wife and I'm very, very happy you are my wife. Such a blessing.”
Napangiti ako at bahagyang namula ang pisngi. “Ano ba naman iyan, halik pang matanda,” pagbibiro ko upang alisin ang topic na iyon.
“Hahahaha, you're the best and insane wife ever.” Mabilis niya akong hinalikan sa labi. “Enough?” tanong niya at kumindat.
“Baliw, tara na nga sa baba.”
Kaagad kaming bumaba at sinalubong si Mama Trish na naka upo sa isang stool habang gumagamit ng loptop.
“We have to go Ms. Griffin,” paalam ni Sevi kay Mama Trish na maiiwan mag-isa dito sa bahay .
“Sige hijo, ako nang bahala dito. Ise-set ko sa maximum ang alarm security ng bahay,” Mama Trish replied us.
“Good,” Hinawakan ni Sevi ang palad ko.
“Paalam po, ingat,” paalam ko pero hagikhik lang ni Mama Trish ang narinig ko mukhang mali ata ang sinabi ko. Kami pala ni Sevi ang aalis kaya dapat kami ang mag inggat pero dapat din naman siyang mag inggat diba? Kasi maiiwan siya mag-isa dito? Tsk! Ah ewan.
***
Nile Eduard Strange 's POV
“Uy, amazona. ‘Di kaba talaga sasama?” tanong ko kay Fheon na busy parin sa pagkalikot ng mga papel galing sa village. Ito ang araw-araw niyang ginagawa na talagang sobrang busy niya.
“Kapag natapos ko ‘to, I will try my best na pumunta doon, or sumunod,” sagot niya ngunit hindi manlang inalis ang tingin sa ginagawa.
Malalim akong napabuntong hininga. “Paano kung hindi ka na natapos diyan?” tanong ko at kumuha ng isang stool upang at tumabi sa kaniya.
“Hindi ako pupunta, plain and simplre,” mabilis na sagot niya na nakapagpatungo sa akin sa study table kung saan siya nagre-review, mag-iilang oras na ba siya sa ganiyang position at hindi ako pinapansin?
“Sige aalis na ako.” Inayos ang coat na soot ko, biruin mo kahit yung necktie ko hindi manlang niya makuhang itali para sa akin, baka nga ‘pag inabala ko at sakalin pa ako nito.
“Aalis na ako,” paalam ko ulit, nang hindi siya kumibo sa una kong paalam.
“Sige,” maiksi niyang sagot at kahit tingin man lang ay hindi nya ako binato, nakakainis gusto ko na siyang batuhin ng libro para lang magpapansin, kaso lang, baka patayin naman nya ako. Pansin lang naman ang kaylangan ko. Kahit saglit lang.
“Okay sige aalis na ako,” ulit ko ulit at naglakad na papuntang pinto ng silid na kinalalagyan namin.
“Okay,” maiksi niyang tugon muli.
Ano ba naman iyan, wala man lang bang halik? Pati ba naman ‘yon kakalimutan niya? Ilang araw na akong wala noon? Pati ba naman ‘yon ipagkakait niya sa akin? Hindi na nga niya ako sasamahan, pati ba naman kiss wala? What's wrong with her? Wahh!!
“Aalis na talaga ako? tsk!” Nakakapikon na talaga ah! Bakit ba hindi niya ako pinapansin?
“Ano ba! Nile Eduard Strange? kung aalis ka umalis kana okay? hindi iyong mangggulo ka pa. Ayoko ng mainggay please...” Nanlilisik ang mga matang balik bulyaw sa akin ni Fheon this time humarap na siya sa akin at kinuha ‘yong kung ano sa mesa niya para ibato sa akin.
“T-teka! aalis na!” Kumaripas ako ng takbo palabas. Pagkasara ko ng pinto ay ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang may malakas na tumama sa may pintuan.
What the!?
Ano iyon?
“Umalis ka na!” she shouted, “Nle Eduard Strange!” binanggit pa ang buong pangalan ko. Malalaman mong galit siya kapag buong-buo na ang pagtawag sa pangalan ko hahahah!
“Oo, aalis na at hindi na ako babalik!” sigaw ko para marinig niya. Tsk! Maka alis na nga. Bahala siya sa buhay niya napakainit ng ulo meron nanaman siguro ‘yon. Araw-araw nalang meron.
Bumaba na ako ng unit namin at nag punta na sa car park upang kunin ang sasakyan ko .. pero nag dalawang isip ako ? dahil baka magasgasan ang bago kong sasakyan kung irarampa ko siya dun sa hotel nayun sa dami ba naman ng tao dun baka mapagka gulohan pa yun pagla baba ko wahahhaah ... mahirap na !! , kaya yung favorite BMX (bicycle motocross X) ko nalang yung gagamitin ko .. para iwas traffic pa ?? !!
...
Pagkarating doon sa four tower na binansagang Hotel De Manila bilang isa rin sa pag mamay ari ng Hotel De Plaza na pinagganapan naman noon ng wedding ceremony, ni Klein Parz at Knox Seeker.
“Nile?”
Kaagad akong lumingon kay Ken Taiga, kasama sila Yazumi, Yamaha at isang lalaking foreigner? No, I mean half Filpino I guess, maputi lang nang bahagya.
“Oh, ‘di niyo pa ba kasama sila Mr. Fustante?” tanong ko sa kanilang lahat at lumingon-lingon sa paligid.
“Hindi pa, baka mamaya pa ang arrive nung dalawang ‘yon. By the way Nile, this is D'haeden cousin ni Taiga,” pakilala sa akin ni Yamaha do'n sa lalaking tinutukoy kong kasama nila.
“D'haeden Monticillo,” wika nito at inilahad ang kamay sakin ngunit hindi ko inabot iyon bagkus ay nakatingin lang ako sa mukha nya. Hindi maganda ang kutob ko sa lalaking ito ah! Hindi gusto ang awra niya.
“Nile nalang,” wika ko at inalis na ang tingin sa kaniya.
“Let’s go inside,” Yazumi said.
Tumango naman ako at sumabay na sa kanilang pumasok. ‘Di na ako nabigla pa, nang napaka gandang lugar at very high ng technology ang tumambad sa‘min sa loob ng hotel na ito dahil marami-rami naring ganitong party ang nadaluhan ko.
“Punta tayo sa function room titignan ko yung mga ia-auction na alahas.” Pumalakpak pa si Yamaha at ngumiti.
“Hay, mga babae nga naman,” pabulong na wika ni Taiga na ikinatawa ko haha.
“Sige, una na kayo pards maglilibot na muna ako,” paalam ko sa kanila at hindi na inantay pa ang tugon nila.
Napaka innovated ng design ng hotel, masarap maglibot lalo na't nagugutom ako. Sa’n kaya may pagkain haha. ‘Di kasi ako pinaghandaan no'ng walangyang babae na ‘yon. Nakalulungkot na hindi ko siya kasama ngayon.
“Can I come with you?”
Napalingon ako sa aking likuran. “Oh, Yaz! hindi ka ba sasama sa kanila?” tanong ko kay Yazumi na sumabay sa akin sa paglalakad.
“No, wala akong time for that creepy thing,” sagot niya, mukhang magkaiba sila ni Yamaha ng gusto?
“Where are you going?” she asked me.
“Somewhere.” Ngumiti na lamang ako.
“Down the road?” wika nya na nakapagpatawa sa‘kin. Ngayon ko lang narinig na magbiro si Yazumi, yung pagbibiro pa nya, talagang poker face palagi. Ikaw nalang bahalang humula kung ano ang sinabi niya haha.
Huminto ako sa paglalakad at inilahad ang braso ko sa kanya just to gave her company. Hindi naman siya tumanggi at humawak na sa braso ko upang alalayan siya sa paglalakad kahit naman gwapo aki, ‘di ko hahayaang maglakad ang isang babae ng walang nakaalalay. Parte ito ng pagiging isang tunay na lalaki.
“Wait, Nile. Punta lang akong powder room,” paalam nya sakin at mabilis na naglakad palayo.
Sumandal ako sa pader katabi ng glass window ng hotel upang antayin siya when I heard her loud cuss.
“Bullshit!!!!” Yazumi screamed.