Hikari Villa Gracia 's POV “AKO lang po ang nag-suggest,” tugon ko kay Mama Trish bilang pagtukoy sa naging desisyon namin ni Sevi kila Jerand. Umayos ako ng upo, medyo ayos na yung pakiramdam ko after ng session na ginawa ni Minona. I guess dina mauulit yung nangyari kahapon. “Nako, kakaiba yang kutob ko diyan sa pinaggagagawa niyong mag asawa, baka naman mapahamak—” “Huwag kayo mag-alala Mama Trish, under control po ni Sevi ang lahat maging ang sasakyan nilang eroplano, paalis at pabalik,” agad na putol ko sa sasabihin niya. Totoo naman kasing kontolado na ni Sevi ‘yon. Si Sevi pa ba? Eh, pinaplano ko palang tapos na niya nang maisagawa hahahaha! “Kayo talaga,” natatawang sambit niya at saka inayos sa pagkakahiga sa kama namin si Seki na katatapos lang paliguan. “Nga pala H