bc

Her Perfect Illusion

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
possessive
contract marriage
fated
CEO
tragedy
lighthearted
magical world
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

Lark Cervantes is the heir and the world's youngest multi-billionaire who hides his cruel coldness under his good looks. But Lark suffers from severe Ecclesiaphobia because of what happened to his parents. When Hyacinth Evans enter his life he slowly overcome his phobia at hindi na niya maitago pa ang kanyang pagkagusto dito. She's the first woman who capture the heart of multi-billionaire.

Hyacinth Evans is a kind, straightforward, and honest person who openly expresses her feelings. However, the sudden death of her father was hard for her. He left all his debt to her that she need to pay before the second months end. Hyacinth decided to work all sorts of part-time jobs while striving for a full-time job to pay her father's debt. But her salary is still not enough to pay it all. Nagulat siya sa sumunod na araw, nawala ang trabahong kanyang minahal at pinagkikitaan. Para iyong maging malaking dagok sa buhay si Hyacinth. Sinubukan niyang maghanap ng trabaho ngunit walang may tumanggap sa kanya sa dami nang pinag-applayan niya. Nagmakaawa siya ngunit walang sino man ang naawa. Lark took that opportunity and offer her a contract that make her life change.

Akala ni Hyacinth ay magiging okay na ang lahat pagkatapos niyang permahan ang kontrata na iyon. Pero sa araw-araw na magkasama sila ay nagbabago ang nararamdaman niya para dito. Umasa siya. Umasa siya na pareho sila ng nararamdaman ng binata pero nagkamali siya. On her special day, she found out his secret. The secret of him that make her crushed...her whole self..her whole being.

Can she endured that pain when it seems that his secret has to do with her beloved father? Can she even forgive him?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Kabanata 1 When morning come, the loud music from my neighbor wakes me up. Tinakpan ko ang tainga ng unan upang matulog muli ngunit mas lalo lamang na lumakas ang tugtog. “Papa, pagtigilin mo siya please!” sigaw ko. Hindi ko alam kung naririnig ni Papa ang sigaw ko dahil masyadong malakas ang tugtog sa kabila. Buong barangay yata ay nayanig sa lakas n'on. Araw-araw na lang ay ganoon ang nangyayari, walang nagtatangkang magsumbong dahil sa takot namin sa kanya. Pakitaan ka ba naman ng baril nang sawayin mo ito, ewan ko lang kung hindi ka pa matakot. Magkumpare nga sila ni Papa at sa Papa ko lang talaga siya nakikinig. “Hyacinth? Hoy babaita gumising kana. Tumawag si Ma'am Lucil sa 'kin, maaga daw tayong pumasok ngayon.” Nagpagulong-gulong ako sa kama nang marinig ang malakas na sigaw ng kaibigan kong si Layla. Nanlulumong pinagbuksan ko siya ng pinto. Maliit lang ang kwarto ko, kasya lang talaga iyon sa 'kin. Yari lang sa kawayan ang bahay namin dahil simula nang iwan kami ni Mama ay nawalan na nang gana si Papa para ipagpatuloy na ayusin ang bahay. Kalahating semento at kalahating kawayan lang siya. Ang lupang tinatayuan ng bahay namin ay hindi pa nababayaran, sinisingal na nga kami kaya lahat ng ipon ko sa trabaho ay doon napupunta. “Si Papa nasaan? Kumain kana ba? Nagugutom na ako, Layla.” Nakangusong tiningnan ko ang kaibigan. Umirap siya sa 'kin saka itinuro ang direksiyon ng kusina. “May dala akong pagkain diyan. Lagi naman kayong walang agahan kaya nagdala na ako. Si Tito ay andoon sa kumpare niya nakita kong umiinom.” Bumuntong-hininga ako saka tumango. Lagi naman eh. Malaki ang naging epekto ng pagkawala ni Mama sa amin. Pakiramdam ko nga ay ano mang oras susunod na din si Papa. Kahit ayaw kong amin pero nararamdaman ko talaga. Kahit kailan ay hindi pa ako nagkakamali sa nararamdaman ko. But I'm not ready for that. Papa is the only person I have. Nag-iisang anak lang naman ako, ang mga kamag-anak namin ay nasa Mindanao. Umiling ako at nagtungo sa banyo. Hindi din ako nagtagal dahil malalate na kami. Isang simpleng puting t-shirt at jeans lang ang suot ko na pinaresan ko ng converse shoes na lagi kong sinusuot. Sabay kaming kumain ni Layla. Nag-iwan lang kami ng ulam para kay Papa. Nagtungo ako sa kabilang bahay para magpaalam kay Papa. “Pa, aalis na po kami. Nag-iwan kami ng pagkain sa kusina. Kumain ka po, ha.” Hinagkan ko ito sa pisngi saka naglakad paalis ngunit tinawag niya ako. “Pahingi ako ng pera. Pupunta kami sa sugalan mamaya. Lakihan mo na dahil hanggang bukas ako doon.” Natigalgal ako. Imbis na umangal pa ay tahimik na ibinigay ko na lamang ang hinihingi niya. Mabuti na lang at may naipon ako pero iyon na lang ang perang mayroon ako. Three thousand iyon. Wala na akong pera na pambili ng bagong sapatos. Pagkatapos ibigay kay Papa ay umalis na din kami. “Hindi mo man lang pagsasabihan ang Papa mo? Narinig ko sa kasamahan natin sa trabaho, nahuli daw ang Tito niyang sugarol nang isang araw dahil may nagsumbong sa mga pulis about doon sa lugar kung saan sila nagsusugal,” kwento ni Layla na siyang kinatigil ko. Humugot ako ng malalim na hininga. Kinabahan ako. Mariin kong ipinikit ang mga mata at sa pagmulat ay tumambad sa akin ang mukha niyang puno ng tigyawat. Maganda naman si Layla kahit maraming tigyawat ang mukha. “Gusto ko siyang pigilan, Lay. Pero kapag ginawa ko iyon ay alam kong isusumbat lang niya sa 'kin ang pagkamatay ni Mama. Masaya siya sa pagsusugal kaya sino ako para ipagkait sa kanya ang sayang hinahangad niya simula nang mawala si mama? Ang hirap-hirap Lay, kapag kasiyahan na ni Papa ko ang usapan. Kahit na ang kasiyahan niyang iyon ay nagbibigay sa 'kin ng takot.” Pilit akong ngumiti, hinawakan ko ang kamay niya at hinila na siya. “Bilisan na lang natin dahil baka sermunan tayo ni Ma'am Lucil.” Pagdating namin sa coffee shop ay konti lang naman ang tao. Nagbihis na lang muna kami ng uniform bago nagsimulang magtrabaho. “Buti dumating kana Hyacinth.” Naglakad papalapit sa 'kin si Chinny na kinikilig. Nagtaka naman ako kaagad. “Bakit?” Kinikilig na itinuro niya ang isang direksiyon kaya tumingin ako doon. Natigilan ako ng makita ang isang lalaki na nakatingin din sa akin. May kalapitan lang ang pwesto nito sa amin. It's him! Ang lalaking nakita ko noong isang araw karenderya ni Lola Marie. Kahapon ay nasa park din siya kung saan malapit sa pwesto ko. Ngayon ay nandito din siya? When our eyes locked, all I could think was how handsome this man is. His messy tousled hair, his butterscotch eyes, his proud pointed nose, his sinful thin and soft looking lips, his stubborn jaw line, his well-toned body ... everything about this man screamed gorgeousness. I felt my heart beat faster as I look at him. He titled his head before his corner of his lips tugged upwards while looking at me. Heat exploded on my face. I'm pretty sure that I am blushing profusely. Pero hindi ko maibaba ang tingin ko. Parang may kakaiba sa mga mata niya habang nakatitig ako sa kanya ay nahihipnotismo ako. “Kanina pa kasi siya diyan. Pagbukas pa lang ng coffee shop ay pumasok na siya, parang may hinihintay. Tapos nang puntahan ko siya para sa order ay ikaw ang gusto niyang mag-serve sa kanya. Did you know him? Grabe ang gwapo niya, Hyacinth.” Para siyang kitikiti habang nagsasalita. Nakanguso akong tumingin kay Layla pero tinaasan lang niya ako ng kilay. “Go na. Baka siya na ang icing sa ibabaw ng cupcake mo.” Tumawa pa siya ng malakas bago bumalik sa pagpupunas ng mga mesa. “Layla‽” singhal ko. Kinakabahang lumapit ako sa lalaki. “Good morning po, Sir! Ano pong order niyo?” Ngumiti ako sa kanya, labas talaga ngipin ko. He smiled, his dark eyes brightened with that. I saw how emotions played on his eyes, I saw how the dark orbits of his eyes gloomed. “Latte Espresso and Fettuccini with garlic bread.” Hindi lang naman coffee ang siniserve namin. May mga pagkain din na kasya sa bulsa ng mga mahihirapan na kagaya ko. “Five minutes, I will serve your order, Sir.” My heart wouldn't stop beating so darn fast nang titigan niya ako. Napalunok ako at tumalikod na. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ng magsalita ito. “Pretty.” Mabilis ang nagawa kong paglingon. Did I heard wrong? “Sir?” His lips formed a thin line, his eyes darked and I saw him licked his lower lip as he stared at me lazily. I saw his forehead knotted. “What? I'm in hurry.” Nagulat ako sa paglamig ng boses niya kaya natatarantang nagtungo ako sa kusina para gawin ang order niya. Tsk! Ang suplado naman. Pero narinig ko talaga ang sinabi niya o baka naghahallucinate lang ako? “Ano order ni Pogi?” Pumasok si Layla at tumabi sa 'kin. Umirap ako. “Malamang kape. Ang suplado niya. Ikaw na lang ang mag-serve sa kanya nito. Baka maibuhos ko lang ito sa kanya eh.” Muli akong umirap. “Bakit ba? Sinungitan ka? Nakita ko lang ang kakaibang pagtitig niya sa'yo nang pabalik kana dito.” She help me putting his order to the tray. “Basta ikaw na ang mag-serve sa kanya. Kapag nagtanong tungkol sa 'kin sabihin mo patay na.” Pagkatapos kong ayusin ang order ay niluto ko muna ang ibang order. Ang feeling ko. Bakit naman niya ako hahanapin? Aba siyempre ako ang kumuha ng order niya tapos sinabi ko pa na 'Five minutes, I will serve your order, Sir.' Duh! Patuloy lang ako sa pag-irap habang inaalala ang nangyari. I'm in hurry, tsk! Inis na inis talaga ako. Ngunit ilang sandali ay kumunot ang noo ko. Ano bang nangyayari sa 'kin? Umiling-iling ako at iwinaksi na lang ang lalaki sa isip ko. I gave my full attention to cooking. Dumating na din ang isang tagaluto kaya sinabi ko na tutulong muna ako ngayon sa kanya. Okay lang naman sa kanya dahil mababawasan ang trabaho niya. Hindi ako lumabas mula kanina. Ang sabi ni Layla ay nagtanong nga ang lalaki sa kanya and she answered him the words I tell her. Sinungitan din daw siya na kinatawa ko. “Pupunta ka pang karenderya 'di ba? Sige na at mag-aalas dos na din naman.” Tumango ako kay Layla saka nagbihis. Dalawa ang trabaho ko. Mula umanga hanggang mag-aalas dos ay nasa coffee shop ako. Tapos pupunta na ako sa karenderya ni Lola hanggang sa alas siyete ng gabi. Sinusundo naman ako ni Layla para sabay kaming umuwi, minsan ay tumatulong din siya sa akin. Pagdating sa karenderya ay nagsimula na akong magtrabaho. Pinahinga ko muna si Lola, nakikita ko na din kasi ang pagod sa kanya. Marami ang kostumer ngayon kaya naging busy din ako. Nagtaka ako ng marinig ang mga bulungan ng mga babae na kumakain dito. “Andiyan na naman si Pogi.” “Kaya dito din ako kumakain eh nagbabasakaling makita ko ulit siya. Ang gwapo niya no?” “Oo. Sino kaya ang binabalikan niya dito? Lagi kasi siyang mag-isang kumakain sa dulo.” Napanguso ako. Hindi ko na lang sila pinansin. Napatingin ako kay Lola nang lumabas siya mula sa kusina bitbit ang isang tray na puno ng pagkain. “Lola, ako na—” “Ako na apo. Suki ko na ang lalaking iyan saka ayaw niyang may ibang nagdadala ng pagkain niya. Sige na at ipagpatuloy mo na lang iyan.” Naglakad na ito sa isang direksiyon. Nakaramdam ako na may nakatingin sa 'kin ngunit isiniwalang bahala ko na lamang ito. Kapag nandito ako sa karenderya ni Lola ay lagi ko na iyon nararamdaman. Nasasanay na din kasi ako. Naging pamilyar na din ako sa presensiya ng titig niya kaya alam kong hindi naman siya masama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

His Obsession

read
74.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook