Chapter 18 Yna's PoV ISANG linggo na ako ngayon sa Isla ng mga Santos. Twenty thousand pesos ang monthly salary ko bilang hotel staff. Ang trabaho ko ay sumalubong sa mga vacationist at tourist at bibigyan ito ng mga garland at juice bilang pagbati. May mga floating cottages sa harapan ng hotel. May mga naglalaro rin ng volleyballs mga kababaihan at karaniwan mga kalalakihan. Ang umpisa ng trabaho ko sa Isla at masasabi kong masaya ang araw kahit na nakakapagod. Friendly naman akong tao kaya masasabi ko na magkakasundo kami ng mga co-workers ko. Nakapinta ang masiglang ngiti sa aking mga labi habang nakatingin sa isang matanda na simple lamang ang ayos habang papalapit sa akin. Ito si Dinya Arlyn, ang mama ni Brye. "Kumusta ang trabaho, iha?" tanong ng matanda na nasa edad singkuwent