Chapter 7 Angel Gabryel PRINCESS could only let out a loud whimper to express the pain she’s feeling inside her head. Inakap na lamang niya ang kanyang sarili habang patuloy na kumikirot at tila pinipiga sa sakit ang kanyang ulo. Wala siyang magawa kundi ang huminga ng malalim ng paulit-ulit habang nakapikit ang kanyang mga mata. Nararamdaman narin niya ang pagtulo ng luha niya sa magkabilang pisngi niya na humahalo na sa namuong pawis niya. And her vision was just bleak and almost black. Parang biglang nagblack-out ang isipan niya ng mga sandaling iyon. This was one of the things a person with psychogenic amnesia could experience. Pero ang huling insidente na inatake siya ng ganitong sakit ng ulo ay noong bata pa siya, tuwing napapanaginipan niya noon ang mga nakakakilabot na nangy