"Bilisan mo na Ma !" Hindi magkandauga na tawag ni Mica Kay Swylin na naiwan pa sa loob ng traysikel Samantalang siya ay nasa pintuan na ng Stranger's hotel . " Ito na nga maghintay ka naman sandali ..hindi naman aalis si Mr Cuenca hanggat hindi ka kasama .! Sabi ni Swylin na medyo nairita din sa ugali ni Mica . Hindi man lang siya hinintay na makababa sa traysikel . "Good morning ," bati ni Mica sa clerk information . "Good morning ..ano pong sadya nila ?" tanong ng information clerk . "Hinahanap po namin ang isang Mr. Bernard Cuenca ,.." Sabi ni Mica na hindi maitatago ang excitement sa boses . "Ano po ba ang relasyon ninyo sa kaniya ?" "Importante ang sadya namin sa kaniya Miss , actually he's expecting us . Kaya sabihin mo na kung ano ang room number Niya ." Nakasimangot