Nagkatinginan sina Harold at Sara dahil napupuno ng handa ng masarap na pagkain ang maliit na mesa ng pamilya Jusayan . "Siguro ay nagtataka kayo kung bakit maraming handang pagkain ngayong gabi , " Sabi ni Aling Swylin . "Binigyan kasi itong si Mica ng pera ng taong inutusan ng kaniyang tunay na pamilya , kaya ---" "Tunay na pamilya ?" Putol ni Harold . "I'm sorry Aling Swylin kung nakikialam ako , pero ano pong tunay na pamilya ang sinasabi mo ? Hindi po ba tunay na anak ninyo si Mica ?" Hindi napigilan ni Harold ang magsalita . Hindi kaagad nakakibo si Swylin . Ngunit , pinaghandaan na Niya ang mga ganitong uri ng tanong , maliban na lang kung nasa harapan si Mang Kanor -tiyak hindi Niya masasabi ang kaniyang pagsisinungaling . " Tunay na anak naman talaga ang turing ko Kay Mica