Chapter 8

1973 Words
It’s been almost 2 days since her last contact to Blaze and Dionne doesn’t think that she has already moved on from the fact that Blaze actually told in front of her face that he was already committed. Ewan nga ba ni Dione kung bakit masyado siyang apektado tungkol sa bagay na iyon gayong unang araw pa lamang naman noong nagkakilala sila ng gwapong doctor na iyon ay alam niya naman nang may girlfriend na ito, hindi lamang niya basta alam, nakita pa mismo ng dalawang mata niya. At dahil hindi niya magawang maka move on, at bukod pa doon ay napurnada din ang dapat sana ay bakasyon niya kasama si Blaze dahil agad niyang nilayasan ang lalakki matapos nitong umamin sa kanya noong nakaraang araw ay narito ngayon si Dionne at inis na kumakatok sa pinto sa isang bahay sa Tagaytay. “What the hell are you doing here?” Agad na nangunot ang noo ni Dionne nang hindi pa man tuluyang nakaka pasok sa ancestral house na naiwan ng kanyang lola sa Tagaytay ay ang nakaka inis na agad na boses ng kapatid na si Bianca ang bumungad sa kanya. Isang katakot-takot na irap ang mabilis niyang isinagot dito saka walang sabing agad na dumeretso sa loob ng malaki at sinaunang bahay na iyon, padabog niyang ibinagsak ang kanyang bag sa isang maliit na lamesang gawa sa kahoy saka pabagsak na naupo sa sofa bago tinapunan ng inis na tingin ang kapatid. “I am taking a vacation, and the fact that this is the property lola left under my name before she died, I believe I should be the one asking you that question, anong ginagawa mo sa bahay ko?” Tinatamad na tanong niya sa nakatatandang kapatid. “Hah, bahay mo? Lola’s paper’s hasn’t been finalized yet. What makes you think that this house already belongs to you?” Ganting pambabara din ng kapatid kay Dionne, isang nakaka inis na ngisi pa ang ibinigay dito ni Dionne at hindi pa nakuntento ay tinaasan pa ito ng kilay bago nag salita. “It’s already been finalized before lola’s burial honey, this house legally belongs to me now, why don’t you go ask your momma and dada? Leave now, I want to be alone.” Tinatamad pa ring utos niya sa kapatid saka humilata sa malaking sofa, hindi na rin siya nag abala pang hintayin ang isasagot ng kapatid, alam niya kasing sasama lamang lalo ang timpla ng kanyang mood kung pipiliin niya pang makinig rito, sa halip ay mabilis niya na lamang ipinikit ang mata para sana sandaling matulog. “Awww! What the hell! Have you gone mad?” Malakas na sigaw niya kay Bianca kasabay ng mabilis na pag bangon mula sa pagkakahiga nang tumama sa kanyang mukha ang isang malaki at mabigat na unan na ibinato sa kanya ng baliw niyang kapatid. Lalo lamang nag init ang kanyang ulo nang makitang naka ngisi pa ito ng nakaka inis at tila proud na proud pa sa ginawa. “Ahh gusto mo ah?” Napipikang sabi ni Dionne, mabilis niya ring pinulot ang parehong unan at ubod ng lakas din iyong ibinato sa kapatid. Malakas ang naging pag tawa niya nang makitang kahit sinubukan namang umilag ni Bianca ay nasapol pa rin ito ng ibinato niyang unan sa mukha. Halos mamula naman sa inis si Bianca, muli nanaman nitong pinulot ang unan para sana ibato ulit sa kanya ngunit naging maagap si Dionne, bago pa man nito ibato sa kanya ang unan ay mabilis niya nang pinulot ang isa pa at malakas iyong ibinato ulit kay Bianca. Paulit-ulit pang nangyari iyon at namalayan na lamang ni Dionne na pareho na silang nag tatawanan ng nakatatandang kapatid habang nag hahampasan ng unan. “Aba, tingnan mo nga naman, mukhang hindi ko na maalala ung kailan ko kkayyo huling nakitang nag lalaro ah?” Halos sabay silang natigilan ni Bianca nang marinig nila pareho ang pamilyar na boses, agad na napa ngiti si Dionne nang makitang naka tayo sa may puno ng hagdan ang kanyang nana Lilia, malaki ang ngiti nito habang pinagmamasdan sila. “Bakit kayo tumigil sa paglalaro? Huwag niyo akong intindihin.” Sabi pa ng matanda, mabilis namang nag palitang ng tingin ang magkapatid at halos sabay ding napairap sa isa’t isa.” “We are so not playing nana.” Sabi ni Dionne habang umiiling. “Yeah, I am not playing with a freak like her.” Sabi din ni Bianca dahilan para muling mag init ang ulo ni Dionne. “Freak? Tinutukoy mo sarili mo?” Sabi niya mag sasalita pa sana si Bianca nang inunahan na ito ni Dionne. “Hindi kami nag lalaro nana Lilia, nag co-contest kami, kung sino ang huling humihinga siya ang panalo, gusto niyo po maging judge?” Pilosopong sabi ni Dionne saka mabilis na kumilos palapit sa matanda para bigyan ito ng mahigpit na yakap. “Aray ko naman nana!” Malakas na reklamo ni Dionne nang matapos kumawala sa yakap niya ang matanda ay mabilis siya nitong binatukan. “Anong contest ang pinagsasabi mo, ikaw talagang bata ka hindi ka pa rin nag babago.” Naka ngiting sermon sa kanya ng matanda, napa ngiti rin naman pabalik dito si Dionne. “Ay oo nga pala, halikayo at ipag hahanda ko kayo ng masarap na meryenda.” Sabi pa ng matanda saka sila inakay patungong kusina. “Oh tamang-tama Bianca, pagkatapos mo kumain lumayas ka na ah?” Seryosong sabi ng kapatid, inirapan naman siya nito bago sumagot. “I have visitors, workmates. They are still upstairs. Ikaw ang umalis, and don’t argue about it anymore Dionne.” Sersyosong sabi ni Bianca, napa irap naman dito si Dionne saka sasagot pa sana nang unahan na siya nito. “We need this place for our team building, this is your house fine, but let me and my workmates use this for now.” Dagdag pa ng kapatid, at dahil saya yatang pilosopo si Dionne at gustong gustong nakikitang nag wawala ang kapatid ay hindi pa rin siya tumigil sa pang iinis. “Ayoko nga, why would I even give you a favour? You go and find your own place, I’ll be staying.” Naka ngising sabi ni Dionne, sinamaan naman siya ng tingin ni Bianca. “Fine! Give me money, I’ll look for a place to stay.” Naka ngising sabi ni Dionne sa kapatid, inis naman siya nitong sinamaan ng tingin bago dumukot sa bulsa para kunin ang wallet. “Damihan mo ha? I wanna get a good hotel room.” Dagdag niya pa dahilan para lalong sumama ang mukha ng kapatid. Lalo lamang naman ding lumaki ang ngisi ni Dionne nang padabog nitong iabot sa kanya ang ilang lilibohing papel. “Yan, leave now!” Galit na sabi ng kapatid. “Aba, teka lang muna naman, kakain pa nga daw eh.” Sabi niya, wala namang nagawa si Bianca kundi ang padabog siyang talikuran. “Yow Bianca, thanks.” Tawang-tawa niyang sabi saka itinaas ang perang bigay nito. -- “Woah, this is what I call life!” Malaki ang ngiting sabi ni Dionne habang pinagmamasdan ang magandang tanawin mula sa terrace ng kanyang hotel, tanaw kasi mula roon ang bulkang taal, Dionne realized that it was the kind of view she would never trade to anything, she then thought that it was giving her a peace of mind and for some reason after a very long time, she finally made herself relaxed. Ilang oras din siyang nag tagal sa balconahen iyon habang umiinom nang kape, pasado alas quarto ng hapon nang maisipan niyang bumaba sa hotel para mag swimming sa isang hot spring, isa ang hot spring na iyon sa mga dahilan kaya niya piniling doon sa hotel na iyon mag stay, may kamahalan nga lang ang hotel ngunit sa tingin ni Dionne ay sulit din naman, isa pa, pera naman ng baliw niyang kapatid ang gagamitin niya. Muli pang napa ngiti si Dionne nang maalala ang nakatatandang kapatid, hindi niya nga malaman kung bakit ganon na lamang kabilis kung utuin si Bianca gayong hindi naman lingid sa kaalaman nito na mas mapera pa siay kumpara rito. Naiiling na nag palit na lamang ng damit pang ligo si Dionne, isang kulay pulang two piece ang napili niyang isuot, bumagay ang kulay niyon sa maputi at makinis niyang balat, litaw na litaw rin ang magandang hubod ng kanyang katawan, pinatatungan niya na lamang iyon ng isang manipis na bulaklaking dress, nakaka hiya nga naman kung mag lalakad siya sa pababa sa hotel ng naka bra at panty. Matapos mailapag ang dalang mga gamit sa napiling pool chair ay mabilis na rin niyang hinubad ang suot niyang dress, hindi niya na binigyan pa ng pansin ang pares ng mga matang naka titig sa kanya. Hindi rin naman niya masisisi ang mga ito, sexy at maganda siya, alam niya iyon dahil ilang oras kada dalawang beses isang lingo ang ginugugol niya sa loob ng gym para ma achieve ang ganoong katawan, sayang din naman kung hindi iyon papakinabangan. Ilang oras din siyang nag babad sa spring at hindi itatanggi ni Dionne na talagag na ri-relax ang kanyang katawan, ilang minuto pa ay nag pasya na rin siyang umahon, hindi pa man nakaka hakbang ay halos mapasigaw na siya sa gulat nang may isang kamay ang marahas na humila sa kanya sa kung saan. “What the f**k, if you want me just say so, don’t just drag me out of nowhere!” Inis na sabi niya sa kung sino at agad ding natigilan ng makilala ang taong iyon. “What the hell do you think you’re wearing?” Matalim ang tingin na tanong sa kanya ni Blaze, inis din nitong pinasadahan ang suot niyang two piece saka tila disappointed na umiling. “Two piece.” Walang gana niyang sagot saka marahas na inagaw ang kamay mula rito. “I know it’s a two piece, Dionne. Why are you wearing that?” “Because I am swimming? This is a lake? A spring or whatever, everybody wears the same thing. What do you expect me to wear? A jogging pants and a jacket?” Pilosopo niyang sabi saka sinamaan din ito ng tingin. “Ano nanaman ba ang ginagawa mo rito? Paano mo nalamang nandito ako? Gosh, don’t tell me you are following me?” Pang aakusa dito ni Dionne. Napa irap naman sa kanya ang lalaki at inis na muli siyang hinila bago tinuro ang isang malaking dingding na gawa sa salamin sa may unang palapag ng hotel na iyon. “See that? Nandoon ako, my family owns this hotel and we are having a meeting and people just can’t focus because all of them are watching you.” Halos mamula na ang magkabilang pisngi sa inis na sabi nito, sandali namang nagulat si Dionne dahil sa nalaman ngunit agad din naman siyang naka bawi. “Wow, is there anything else you don’t own? Isa pa, hindi ko na kasalanan if your people couldn’t focus for watching me, lalong hindi ko na rin problema iyon. I am going back to my room. Chao!” Pilosopo niyang sabi saka padabog na dinampot ang mga gamit at mabilis itong tinalikuran. “Dionne, you are wearing almost nothing, can you at least put on that dress?” Pa sigaw na sabi nito. “No!” Ganting sigaw din ni Dionne saka tuluyan nang iniwan si Blaze na wala naman nang nagawa kundi ang samaan siya ng tingin. “Ang tigas talaga ng ulo mo!” Sigaw pa nito. “Thank you!” Sigaw naman pabalik ni Dionne, sandali pa siyang napa ngiti nang wala nang marinig na sagot mula sa lalaki. Ang hindi alam ni Dionne ay tahimik na sumusunod sa kanya ang binata patungo sa kanyang silid sa hotel na pag aari nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD