Dessert

2037 Words
Nakaupo siya sa isang beach chair habang nakaharap sa asul na karagatan. Mataman siyang nakatitig sa dagat habang nilalaro ng hangin ang mahaba niyang kulot na pulang buhok. Banayad man sa kanyang pakiramdam ang bawat haplos ng hangin sa kanyang balat ay hindi pa rin niya napigilang mapabusangot. Isang linggo ng hindi nagpapakita sa kanya ang lalaking tinatawag ng lahat na Sir Onyx. Makailang beses na siyang nagtanong-tanong subalit pare-pareho lang ang sinasagot sa kanya ng mga trabahador, maging ang mga nagbabantay sa malaking automatic solid black gate. “Hindi po namin alam, Mistress Chelsy,” pagsasatinig niya sa kanyang iniisip. Labis na siyang nauumay sa mga sagot na ibinigay sa kanya. May pagkakataon pang inuunahan na niya sa pagsagot ang ibang napagtatanungan niya. Pakiwari niya ay mamamatay na siya sa labis na pagka-bored kung hindi siya makakaalis sa loob. Wala naman siyang balak na lumayas. Nais lang talaga niyang magliwaliw at magmasid sa paligid upang makapaglibot na rin. Iniisip din niya na makakatulong ito upang maalala niya ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya. Wala naman siyang mapagtanungan sa loob ng mansyon dahil pakiramdam niya, o pinaparamdam ng mga ito na para siyang may nakahahawang sakit at panay ang layo ng mga tauhan ni Onyx sa kanya. “Sa ganda kong ’to! Hmp!” singhal niya sa karagatan sabay tapon ng tsinelas. Nagtaas baba pa ang kanyang dibdib dahil sa labis na pagkainis. “Kung ayaw niya sa ’kin, e ’di, palalawayin ko pa rin siya!” inis niyang sigaw. “Uy, Miss! Ba’t mo naman itinapon sa dagat ang tsinelas ko?” Napakagat labi siya habang nahihiyang lumingon sa babaeng nasa isang beach chair katabi niya. Hindi niya inaasahang hindi pala ang kanya ’yong tsinelas na kanyang nadampot at naitapon. “Ah . . . Hehe, pasensya na po. He-heto, gamitin mo muna itong sa ’kin. Parang magkasukat lang naman po siguro tayo ng paa,” turan niya sabay abot sa suot niyang flat sandals. Isa iyon sa mga sandals na nakahilira sa lalagyan na nasa silid na kanyang tinutulugan. “Talaga! Akin na po ito? Yeehhh! Isang Stone brand!” histirika nitong saad. Nagtataka naman siyang tumingin sa babaeng mukhang baliw na niyayakap pa ang ibinigay niya at may pahalik-halik pa rito. ‘Yuck! Kung saan-saan ko inapak ’yan!’ pandidiring hindi niya magawang isatinig. Pakiramdam niya ay masusuka siya habang nakatingin ditong sinasamba ang tsinelas. “Thank you so much, Miss!” hiyaw nito at nagmamadaling pinulot ang mga dala sabay takbo. Nakikita niyang labis itong nagmamadali na parang hinahabol ni kamatayan. “Ay! Ang talino ko. So, anong isusuot ko ngayon?” Kunot noong napatingin siya sa paligid. May panaka-naka siyang mga taong nakikita subalit ang kanyang kinaroroonan ay tanging ang babae lang kanina ang kanyang nakita. “Telepono. Bakit wala akong telepono?” Nagsisimula na siyang mapakamot ulo. Tumakas siya sa mansyon at nagliwaliw sa labas ng black mansion. “Tumakas lang ako. Saan nga ba ako dumaan kanina. Nako Chelsy! Ang talino mo talaga! Maganda ka na at matalino pa. Full package ka na,” sarkastiko niyang wika sa sarili. Nang mapansin niyang unti-unti ng bumababa ang araw at nagsisimula ng maging pula ang parte ng dagat ay mabilis ang kanyang mga kilos na lumusong sa mababang parte nito. Nakapikit siya habang ninanamnam ang malamig na tubig sa kanyang balat. Nasa isip pa rin niya kung ano ang mangyayari doon sa isang bantay sa maliit na gate ng black mansion na ginamitan niya ng alindog. Hita lang niya ang katapat at mabilis na niya itong naloko upang palabasin siya. “Hay . . . Ang sarap ng tubig. Bagay talaga ’to sa kagandahan ko . . .” inosente niyang bulong, habang kinakanta ang nararamdaman niyang guilt. Ilang sandali pa ay naging panatag na siyang muli. Masaya siyang naliligo at lumalangoy gamit ang kanyang swimming technique na pang-aso. Pakiramdam niya ay nangangawit na ang kanyang kamay at hita sa lakas ng kanyang kampay. Napatayo na lamang siya bigla nang may pumasok na tubig alat na may kasamang buhangin sa kanyang bibig. “Ew!” sigaw niya at tila nasusuka pa. “Bakit ganito ang kulay ng tubig dito? Naging kulay . . . Parang gray?” “Ate. Nasa mababang parte ka po kasi. Tapos ang likot mo pa hindi ka naman umuusad. Kaya hayan! Masyado mong nagalaw ang buhangin at naging marumi ang parte kung saan ka naliligo,” turan ng isang batang nangunguha ng mga shell sa dalampasigan. Sa sinabi nito ay agad naman siyang napatayo at natatawang hindi makapaniwala sa katangahan niya. “Oo nga ano. Hanggang legs ko lang pala ang tubig. Haha!” alanganin niyang wika habang tumatawa. “Aalis na po ako. Tinatawag na ako nina Mama’t Papa.” “Engat sa daan, baby boy!” pahabol niyang sigaw dito. Kumaway naman ito sa kanya habang tumatakbong paalis. Habang nakatayo ay muling humaplos sa basa niyang katawan ang malamig na hangin. “Nako patay! Ang lamig. Wala rin akong dalang pamunas. Hay! Ang ganda ko talaga!” Niyayakap niya ang sarili habang nakapaang unti-unting bumalik sa inuupuan niya kanina. Nang makarating doon ay marahan niyang kinuha ang floral dress na abot hanggang tuhod niya. Kulay berde ito na may palamuting iba't ibang klase ng mga bulaklak. “Hi-hindi naman siguro ganoon ka pangit sa pakiramdam kung basa ang aking underwear. Matutuyo naman siguro ito agad . . .” bulong niya sabay tingin sa suot niyang red bikini na tumutulo pa. Marahan din niyang pinagpag ang mga buhangin na dumikit doon. “See? Wala namang magtatanong kung basa ang suot ko sa ilalim. Hmp! Still good as new!” proud niyang sabi sabay punas sa naglandas na tubig sa kanyang hita. “Kaya lang . . . Paano ako uupo? Paano rin ako maglalakad nang maayos nito? Diyos ko, Chelsy! Baka naiwan mo talaga ang iyong utak sa Ospital . . .” Wala na siyang mapagpipilian kung hindi ang magsimulang tahakin ang dinaanan niya kanina. Nagsisimula na siyang kabahan dahil nagiging makulimlim pa ang paligid. “O-Onyx . . .” bulong niya. Mabagal ang kanyang paglalakad dahil nararamdaman na niya ang matatalas na mga batong kanyang naaapakan. Ilang sandali pa ay tuluyan ng naging madilim ang kapaligiran. Sa kanyang paglalakad habang maiging nagmamasid sa paligid ay nakaramdam siya ng presensya sa likuran niya. Pakiwari niya ay may sumusunod sa kanya. Sigundo lang ang binilang nang ang paliit-liit niyang hakbang ay lumaki hanggang sa naging takbo na ito. “Aray!” Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang tumatakbo. Tumigil lamang siya nang may naapakan siyang matulis na talagang tumusok sa paa niya. “May dugo . . .” bulong niya nang kanyang silipin ang marumi niyang paa. Bago tuluyang tumigil sa pagkilos ay sinigurado muna niyang wala na ang sumusunod sa kanya kanina. Nang inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid ay mas lalo lang siyang kinilabutan dahil napunta siya sa isang parte na wala ng kahit na sinong tao at tanging dim light ng poste ang tanging tanglaw sa lugar. Natatakot man ay napipilitan na rin siyang umupo sa kalsada upang kunin ang kung ano man na tumusok sa paa niya. “A-aray ko!” impit niyang sigaw nang mahugot niya mula sa natamong sugat ang parte ng isang shell. “Si-sino ’yan?” Nanginginig ang kanyang boses habang paikot-ikot na tumitingin sa paligid. Alam niyang mayroong nakamasid sa kanya nang marinig niya ang tunog ng nabaling sanga dahil naapakan ito. “Sino ’yan sabi e’.” Nagsisimula na siyang humikbi habang wala sa sariling iniumang sa harap niya ang kaperasong shell na nakuha niya mula sa kanyang sugat. “O-Onyx . . . Mumultuhin talaga kita ’pag namatay ako rito . . .” bulong niya habang walang habas na bumabagsak ang kanyang mga luha. “As if naman nakakatakot kang multo.” “Ay, tipaklong na maikli!” Labis siyang nagulat ngunit wala pa ring habas sa pag-agos ang kanyang luha na pinarisan pa ng uhog. “’Yan ang napapala ng mga tumatakas wala namang plano dahil walang utak,” wika nito na sinang-ayunan naman niya. “Hindi ka na kasi bumalik. Hinintay kita kaso hindi ka na ulit nagpapakita sa ’kin,” katwiran niya habang umiiyak pa rin. “Ang sinabi ko, you wait. Not you escape. Tsk!” “Pa-pasensya na po . . .” bulong niya habang sinusubukang patahanin ang sarili. “Let me see your wound. And throw that piece of shell away. Sa tingin mo ba kaya kang protektahan ng shell na ’yan?” Natatawa ito habang pinupunasan ang marumi niyang paa. Natatawa na rin siya dahil isa pang kabobohan ang kanyang nagawa na naman. “Paano mo po ako nahanap?” wala sa sariling tanong niya rito. “Bug,” simpleng sagot nito. “Bug? Iyong lumilipad?” Napayuko na lamang siya nang nagsimula na namang mangunot ang noo nito. ‘May nasabi ba akong masama? Galit na naman siya.’ “Tracker. I put a tracker on you.” Sa pagkakataong ito ay noo naman niya ang nangunot. “Ang ibig sabihin, alam mo kung nasaan ako, at ikaw ’yong humahabol sa ’kin kanina?” “Binggo!” “Naman, oh! Sana nagsalita ka, Sir. Para tuloy akong tanga na tumatakbo kanina. Akala ko rapist ka o kaya ay killer.” “I was entertained. So, why should I stop you from running?” Tumaas pa ang sulok ng labi nito. “Sana na entertained talaga kita,” sarkastiko niyang sabi. “Not really. You have to entertain me enough when we get home,” turan nito dahilan upang magtaasan ang kanyang mga balahibo. “There. It's done. Where's your slippers?” “Ibinigay ko do’n sa babaeng namamalimos kanina. Wala kasi siyang suot na sapin sa paa,” pagdadahilan niya. “It’s one of your collection,” turan nito sabay titig sa kanya nang seryoso. Mistula pilit nitong binabasa kung ano ang kanyang iniisip at kung nagsasabi ba siya nang totoo. “Bayaan mo na, Sir. Marami pa naman ’yon sa bahay. Mas nakakaawa ’yung pulubi.” “Walang pulubi rito sa Stone city. Lahat ay may kakayahan na mabuhay nang normal,” natamimi naman siya sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay ginigisa siya nito sa sarili niyang mantika. Nangangamba siya na isipin nitong isa siyang sinungaling. “Oo na! Sige na! Sasabihin ko na!” Doon niya sinimulang sabihin dito ang tunay na nangyari. Habang nagsasalita siya ay panay ang pagkukunwari nitong hindi natatawa. “Let’s go home. I'm hungry.” Nagniningning ang kanyang mga mata sa sinabi nito. Kanina pa rin siya nagugutom at talagang nagtatawag na nang atensyon ang mga bulate niya sa tiyan. “Ano po ang kakainin natin, Sir? Gutom na rin kasi ako. Kanina pa ako walang kain. Umaga pa.” Hinihimas niya ang kanyang tiyan habang panay ang dila niya sa kanyang labi. “Ay!” Mulat na mulat ang kanyang mga mata nang bigla siya nitong hapitin sa bewang at sinimulang halikan. Nadadala naman siya nito dahilan upang ipagsalikop niya ang kanyang dalawang kamay sa batok nito. Nakaramdam niya nang inis at wala sa sariling hinabol niya ang labi nito nang biglang itong humiwalay sa kanilang paghahalikan. “I’m gonna have my dessert at home. Here, wear this.” Nagtataka siyang tumingin sa sapatos nitong pagkalaki-laki. “Isusuot ko ba po ’yan?” “Kainin mo. ’Di ba gutom ka?” Ramdam niya ang pagka sarkastiko nito. “Ay, opo. Isusuot ko na. Pero paano ka?” “I have my socks. Let's go. Don't ruin my appetite. I've been deprived for the whole week. So I'm gonna have you by hook or by crook.” “Sir. Hindi po ako nakakain.” “I said let's go!” “Ay, opo!” malakas niyang sabi sabay saludo rito at nagsimulang maunang maglakad nang paikaika. “Where are you going?” “Home po ’di ba?” “Bobo! Not that way,” turan nito at sinimulan siyang akayin. Hawak nito ang kanyang bewang at tila halos buhatin na siya mula sa kanyang tinatapakan. Labis naman niyang nagugustuhan ang ginagawa nito lalo’t naaamoy pa niya ang mabangong samyo mula sa matipuno nitong katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD