Hindi mapakali si Zhyn habang nakatingin sa puting ulap sa bintana ng kanyang cabin. Panay din ang buga niya nang hangin upang maibsan ang bigat na kanyang nadarama. Ngayon na nakilala na niya ang matandang kanyang pakakasalan ay tila mas lalo lang siyang naguluhan. Sapagkat ibang-iba ang pakiramdam niya rito kung ikukumpara sa nakita niya noong ipinakita ito ng kanyang uncle sa isang malaking flat screen monitor. Magkatulad man ang itsura ay kakaibang awra naman ang naramdaman niya nang hinalikan siya nito at nagkadikit ang kanilang katawan.
“Zhyn . . . Tandaan mo ito. Kahit ano pa ’yan, basta’t kunin mo lang ang kanyang loob. Paibigin mo nang husto hanggang sa kaya mo na siyang mapasunod sa lahat ng iyong gusto . . .” bulong niya sa sarili at marahas na tumingin sa kanyang simpleng damit pangkasal. Ubod ito nang puti ngunit maganda ang tabas at hapit na hapit sa kanyang balingkinitang katawan. Ang sapatos naman na kanyang isusuot ay isang silver doll shoes. Simple man ang itsura ng mga ito ay nakakalula naman ang presyo.
“Hah! Dalawang oras na lang at ikakasal na ako. Mom . . . I know that you don't want this to happen to me. Marrying someone . . . Someone who is a complete stranger to me. K . . . Sana nandito ka. Nakalulungkot at nakaiiyak,” humihikbi niyang turan. Hindi niya lubos inakala na ganito ang magiging dulo ng kanyang pagkadalaga. Magiging Salvador del mundo at dakilang anak.
Makalipas ang mahigit isang oras na pagmumokmok ay isinuot na rin niya ang kanyang puting damit. Sinipat muna niya ang sarili sa salamin at naglagay lang ng konting make up. Walang kahit na sino ang naroon upang siya ay bihisan at ayusan. Nang magising ay pagkain at ang isusuot niya lang ang bumungad sa kanya.
“Gusto ko sanang hilingin na sana magkadelubyo na lang para hindi ito matuloy. Ngunit, iniisip ko pa lang na matitigil ang pagpapagamot ni daddy at mawawala ang villa ay mahihimatay na ako . . .” Sa palagay niya ay siya lang siguro ang ikakasal ngayon na halos pinagsakluban na ng langit at lupa. Para siyang namatayan sa pangit ng kanyang nararamdaman. Bago lumabas ng silid ay huminga siyang muli nang malalim at unti-unting nagtungo sa gilid ng bapor kung saan may nakalagay na railings na umabot sa kanyang dibdib. Tahimik din siyang nagmamasid sa paligid na wala gaanong mga tao. Ang tanging nakikita niya sa malaking barko ay ang mga naka unipormeng trabahador at sandamakmak na mga container van.
“Saan ba kami pupunta? Ah! Mababaliw na ako.” Wala sa isip na nasabunutan niya ang kanyang sarili. Tumulo ang kanyang luha habang nakatingin sa payapang alon mula sa dagat. Sa kakatitig niya sa tubig ay nabuo ang isang imahe na hindi niya inaasahang tahimik pa lang iniisip ng kanyang baliw na isipan. Isang lalaking may malaking pilat sa mukha habang mataman na nakatitig sa kanya. Agad siyang napahawak sa kanyang pisngi nang naramdaman niya ang pag-iinit nito. Muli ay nanumbalik sa kanyang gunita ang nangyari kahapon. Ang mainit nitong dila na gumagalugad sa birhen niyang bibig. Ang experto nitong mga kamay na humagod sa kanyang katawan. Pakiwari niya ay sinisilaban siya ng mga pangyayaring ’yon. Ang buong akala niya ay mawawala na kahapon pa ang pinakaiingatan niyang p********e. Handa na sana siya kaya lang ay hindi niya inaasahang mauudlot iyon. Isa pa sa nagpapabaliw sa kanya ay hinintay niya itong makabalik sa kanyang silid hanggang sa nakatulugan na lamang niya ang pagbabantay.
Dalawampung minuto na lang at maglalakad na siya sa altar ng kanyang libingan. “Diyos ko, patnubayan niyo po sana ako sa mga mangyayari at sa gagawin ko pa . . .”
Sa maykalayuan naman ay nakamasid si Onyx sa kanyang ex-wife na magiging asawa na niya ulit. Iiling-iling siyang nakatingin dito gamit ang monitor na kuha naman ng surveillance camera. Natatamimi pa rin siya at napapatanga sa ganda nito kahit ilang beses na niya itong napagmasdan, may suot man o wala.
Pinagpapawisan siya nang malamig habang nakatingin sa sumisilay nitong mala-nyebeng kulay ng binti dahil nililipad ng hangin ang laylayan ng suot nitong damit sa kasal nila. Ilang sandali lamang ang binilang at naramdaman na niya ang pagsikip ng suot niyang pantalon. Sunod-sunod na lunok ang kanyang ginawa nang dumukwang ito at humantad sa kanya ang parte ng may katamtamang laki nitong dibdib.
“f**k this woman!” himutok niya habang napapatingin sa paligid kung may iba pang nakatingin dito maliban sa kanya. Laking ginhawa na lamang niya na kahit nakaw tingin ang ibang mga tauhan niya rito ay wala namang nangangahas na tumitig. Sa ngayon ay hinahayaan niya itong magpatuloy sa mga kilos nitong parang inosente hanggang sa ito na mismo ang magturo sa kinalalagyan ng kanyang anak nang hindi nito namamalayan.
“Sir! Pasensya na po at narito ako ulit. Ngayon lang po talaga ito nagsimulang umilaw. Dali-dali po akong pumarito upang makita mo,” hinihingal nitong saad sabay abot sa kanya ng dala nitong monitoring device. Ito ang device na may kakayahang mag-monitor kung mayroong mga delikadong bagay sa paligid. Katulad na lamang ng sunog, pampasabog o kahit na anong nararamdaman ng sensor nito na threat.
“Ta-timer!” sigaw niya nang maipasok na niya ang code upang tuluyang malaman kung saan ang eksaktong lokasyon nito sa kanyang bapor.
“Bomba! Dali! Kilos!” Umalingawngaw ang emergency na tunog sa buong bapor sabay pagsasalita ng captain. Wala silang pagpipilian kung hindi ang pumunta sa kanilang mga cabin kung saan nakadesenyo sa ganitong uri ng mga emergency.
“Si Chelsy! Chelsy! Madali! Ali—” Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang may naganap na isang pagsabog. Hindi man ito sobrang lakas ay yumanig pa rin ang kanilang sinasakyan. Dahil sa mayroon silang karga na mga semento ay natabunan nang matindi ang buong lugar kung saan ay tempong doon din nagpapahangin ang babae. Hindi na siya nagsayang ng kanyang oras nang makita niyang wala na ito sa kinatatayuan nito kanina.
“Kilos! Kumilos kayong lahat! Hanapin si Ms. Chelsy!” sigaw ng captain nang mapansin nitong nagmamadali na siyang tumakbo papunta sa may railings. Mabilis ding itinigil ang takbo ng bapor kasabay ng mabilis na pag-apula sa sunog na namuo nang masunog ang mga sako ng semento at iba pang flammable sa paligid nito.
Ilang sandali pa ay naibaba na ang sampung emergency boat na ginagamit sa paglikas at pagpapatrolya, sakay ang iba niyang mga tauhan na tutulong sa paghahanap. Naipadala na sa kanya ng captain ang footage kung saan nakuhanan na nahulog si Zhyn sa dagat, nang nagtangka itong tumalon matapos makita ang apoy sa paligid ng kinaroroonan nito.
Sa pangalawang pagkakataon ay nakaramdam si Onyx ng takot. Takot na matuluyan ito at nangangamba siyang baka tuluyan na niyang hindi makita ang kanyang Anak.
“Sir! Nakahanda na po ang mga divers. Lulusong na po sila!”
“Sige . . .” halos pabulong niyang turan sa walkie-talkie na hawak niya.
Matapos itong maibaba ay agad niyang kinuha ang kanyang telepono at sinubukang e-locate ang dalaga gamit ang bug na ikinabit niya sa suot nitong relo maging sa hikaw nito. Sinubukan na niya itong e-locate kanina bago sila bumaba sa dagat ngunit hindi gumana ang mga bug.
“Sandali! Sa banda roon!” sigaw niya nang lumabas sa screen nang kanyang telepono ang isang pulang tuldok at naglagay ng eksaktong lokasyon nito. Ilang segundo lamang ang lumipas at narating na niya ang halos labinlimang metrong layo nito mula sa bapor na kanilang sinasakyan.
“Si-sir! Du-dugo po ’yang nasa tubig,” wika nito na ikinalingon niya. Doon ay nakumperma niyang nagkulay dugo ang tubig sa paligid ng kanilang sinasakyan.
“Chelsy!” sigaw niya at nagmamadaling nag-dive sa tubig. Ilang segundo lang ay hawak na niya ito at maingat na isinampa sa boat na mabilis ding lumapit sa kinaroroonan nila.
“Chelsy!” sigaw niya rito at marahang tinatapik ang nagsisimula na nitong mamutlang pisngi, maging ang dating mamula-mula nitong labi ay nawalan na rin ng kulay.
“Chelsy! Chelsy!” Hindi na niya alam kung ano ang kanyang nararamdaman. Parte ng kanyang puso ang nag-aalala rito. Ngunit ang labis niyang inaalala ay ang Anak niyang hindi pa rin niya alam kung nasaan.
“Sir! Papunta na rito ang chopper. Lulan din nito si Doctora upang matingnan agad ang lagay ni Ms. Chelsy,” wika ng kanyang kanang kamay sa tuwing siya ay umaalis ng Stone city.
“Salamat . . .” bulong niya habang panay pa rin ang titig sa natutulog na babae. Kunot ang kanyang noo habang tinatansya ang paghinga nito. Kung maayos pa ba o naghihingalo na.
Matapos ang ilang sandali ay tagumpay na niya itong naisampa pabalik sa bapor. Mabilis niyang pinalitan ang suot nito at marahang inihiga sa kanyang kama.
“Chelsy . . . gusto kitang saktan hanggang umamin ka kung nasaan ang aking anak. What did I do to deserve this punishment from you? All I did is to love you and care for our family. I fell for you before, because you are the only woman whom I met that possesses not just a beautiful face, but also a beautiful heart. What happened?” tanong niya at bahagyang pinisil ang pisngi nitong unti-unting bumabalik ang pamumula. Hindi man normal na kulay ay maayos na ito kung ikukumpara sa napakaputla nitong mukha nang nakita nilang lumulutang, at nakasampa sa isang piraso ng maliit na container.
“Sir . . . narito na po si Doctora.”
“Let her in . . .” Nang nakapasok ang Doctor ay deretso na nitong sinuri ang kalagayan ng dalaga. Habang naroon naman siya sa tabi at maiging nagmamasid sa bawat kilos nito.
“Sir. Maaring napigilan na ang pagdurugo ng sugat sa ulo ni Ms. Chelsy. Pero, malubha po ang sugat na kanyang natamo. Maling galaw lamang sa kanya ay dudugo itong muli at maaring manganib na ang kanyang buhay. Sa ngayon ay masasabi kong dapat maayos na maoperahan ang sugat na ito. We need to admit her for CT scan too. Sa ulo ang pinag-uusapan natin. Basi pa sa pasang aking nakikita ay makailang ulit pa siyang nabagok,” wika nito at sinilip pa ang ibang pasa na nasa iba’t ibang bahagi ng mukha at noo ng dalaga. Maging siya ay napapatungo dahil marami talaga itong pasa, indikasyon na bumangga pa ito sa kung saan-saan. Hindi lamang sa ulo ang pasa nito, kundi maging sa ibang bahagi ng katawan.
“Then we should go back to Stone city immediately. Ipaaayos ko na ang lahat.”
Matapos ang kanilang pag-uusap ay inayos na si Zhyn at dahan-dahang isinakay sa stretcher na matagumpay namang nadala sa loob ng chopper. Habang maayos itong nakahiga ay naroon naman siya sa gilid nito at nagbabantay. Ilang minuto lamang ang gugugulin nila sa paglipad kaya nagpasya siyang doon na lang manatili sa tabi nito. Habang nakatingin dito ay halos napapatigil ang kanyang paghinga dahil ang puting benda nito sa ulo ay unti-unting nagkukulay dugo. Agad niyang naalala ang sinabi ng Doctor at nababahalang tumingin dito. Laking pagkadismaya na lamang niya nang alanganin itong ngumiti sa kanya. Pakiwari niya ay ngiti iyon na nagsasabing wala tayong magagawa kung hindi ang magmadaling makapunta sa Ospital.
“Uhm . . .” Isang ungol ang mabilis na nagpatayo sa kanya habang napahawak naman sa kamay ng natutulog na dalaga ang nanginginig niyang kanang kamay.
“Chelsy . . . hey! Chelsy?” Unti-unti itong dumilat sabay hawak sa noo nito. Bakas sa mukha nito ang matinding sakit na malinaw niyang nakikita.
“A-aray . . .” bulong nito at tinangka pang gumalaw.
“Nasa chopper tayo. Hindi ka rin pweding gumalaw dahil baka bumuka at dumugo nang husto ang iyong sugat. Magpahinga ka na lamang muna,” pagpapaliwanag niya rito. Bakas sa magandang mukha nito ang matinding pagtataka habang nakatitig sa kanyang mukha. Hindi niya maunawaan subalit nakaramdam siya ng kakaiba sa mga titig nito.
“Si-sino ka? Ba— ano’ng ginagawa ko rito? Bakit ang sakit ng aking ulo?” sunod-sunod nitong katanungan na labis ding nagpasakit sa kanyang ulo.