Chapter 9- Regrets Written by yeexizx Charlie's POV Kasalukuyang nandito ako sa cafeteria kasama 'tong Marky na 'to. Dinadaldal pa din ako ng kung ano-ano, kahit hindi ako interesado. "Kung hindi mo mamasamain, kailan ba tatahimik 'yang bunganga mo?" malamig kong tanong rito. Sa halip na madismaya ay tumawa siya ng pagkalakas-lakas. "Ikaw lang ang pinakaunang babaeng nagsabi sa'kin n'yan. Alam mo bang lahat ng babaeng makasalamuha ko ay naaaki-" nakangisi niyang usal pero pinutol ko ang sasabihin niya. "Hindi ako interesado kung madami ka nang babaeng naaakit. Wala akong pakialam." mataray kong tugon rito. Tumawa naman siya ng bahagya. "Okay, chill! Basta, totoo 'yang sinasabi kong madami na akong naaakit na babae dahil sa taglay kong ka-g'wapuhan!" Magsasalita