Chapter 13- Sorry Written by yeexizx Charlie's POV "Ikaw ang nasa propesiya at ang prinsesa! Dapat kang mamatay!" sigaw ng isang nilalang na nakabalabal sa'kin. Hindi ko makita ng klaro ang kan'yang mukha ngunit mahahalata mo dito ang galit na kan'yang nararamdaman. "Ang mga magulang mo ang pumatay sa ama ko! Kaya karapa't dapat ka ding mamatay bilang pananagutan sa aking ama! Ayokong maunahan mo ako kaya dapat na kitang patayin! Mayroong isang nilalang na para sa iyo at kayo'y magka-konektado, kayo lamang ang makakapaslang sa'kin kaya dapat ay hindi na ako nagsasayang ng panahon na patayin ka CHARLOTTE!" malakas na sigaw niya sa'kin, ang boses niya naman ay nag-eecho. "Anong ibig mong sabihin na may nilalang na para sa akin at kami'y mag-kakonektado? At bakit mo kilal