“Bastos ka! Ano 'ng ginagawa mo rito sa silid ko? Paano ka na punta rito, ha? Siguro pinagsamantalahan mo ako ano?!” sunod-sunod na tanong no Celestine “Waah! Walanghiya ka!” muling tili niya nang napansin na iba na ang kanyang suot na damit kagabi. Pinaghahamapas pa niya ng unan si Governor Hermedes. At dahil maliit lamang ang space ng katre hindi namalayan bumagsak si Governor sa sahig kakaiwas sa kanyang mga hampas ngunit kasamang bumagsak si Celestine. Nasa ilalim si Governor Hermedes habang nasa ibabaw naman si Celestine. Hawak ng Gobernador ang kanyang beywang. Akmang siyang babangon ngunit tinutulan iyon ni Governor Hermedes. Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak hanggang sa tila niyayapos na siya nito. Tila hindi man lang alintana ng lalaki ang sakit ng kanyang kataw