CHAPTER 25 “R-RYAN, tama ba itong ginagawa natin? Baka mag-aalala sina inay at itay sa akin,” puno ng pangambang wika ni Celestine naisip kasi niyang kalalabas lang ng hospital ang kanyang ina baka may mangyaring hindi maganda sa kanyang ina. “B-balik na lang kaya tayo. Or baka dadaan muna tayo sa bahay namin, Ry. Magpapaalam lang ako. At isa pa wala akong ibang dalang gamit.” Nagdadalawang isip siya kung sumama pa ba siya kay Ryan. Para kasing may bumubulong sa kanya na huwag siyang sasama sa kaibigan. “Tin, don't worry we will call them once we arrive our destination. Para hindi na mag-aalala sina tito at tita. And about your clothes, magagawan ng paraan 'yan. Marami na man puwedeng mapagbibilhan. Baka kasi hindi papayag si Tito Lito na sumama ka sa akin o baka maabutan pa tayo sa