CHAPTER 35 NAKATAYO SILANG PAREHAS SA HARAP NG JUDGE. May maliit na mesa sa kanilang gitna kung saan nakalagay ang mga documento ng kanilang kasal. Sandaling napaisip si Celestine. Handa na ba talaga siya bilang asawa ng isang Gobernador? Paano niya gagampanan ang pagiging asawa nito? “Anak, ayos ka lang ba?” bulong sa kanyang inay Erma. Nakita kasi nitong nalulungkot siya. Simula sa araw na ito hindi na siya malaya dahil paniguradong babantayan ng Gobernador ang kanyang mga kilos. Walang ibang dumalo sa kanilang kasal kundi ang pamilya lamang ni Celestine at ang judge, pati na rin ang mga kasambahay ng Gobernador ang tumatayo bilang witness sa kanilang kasal. Nagsimulang magsalita ang judge. Nang tingnan niya ang Gobernador relax lamang itong nakatayo ng tuwid at ang mga mata diritso n