“Teka, sandali!” sigaw ni Celestine. Nang makakuha ng pagkakataon sinubukan niyang itulak si Governor Hermedes, napaatras ito dahil sa kanyang ginawa. Hindi na siya nag-aksaya pa nang oras kumaripas siya nang takbo papuntang pintuan nang makita niya itong bukas. Ngunit isang pindot lamang ng Gobernador sa remote sumura kaagad ang pinto. Her eyes, widened, she's amazed. Nakakatwang sa sitwasyon ngayon nakuha pa niyang namangha. “Huh? Puwede pa lang gamitan ng remote ang pinto?” sa isip ni Celestine. Ngunit muli niyang tinapangan ang kanyang awra at muling tumingin nang matalim kay Governor Hermedes. “Palabasin mo ako rito!” muling sigaw niya. “Sa tingin mo ba hahayaan kitang lumabas? For what? Para takasan na naman ako? And please, don't shout out at me. Hindi ako bingi para sigaw