SABON / SHAMPOO

1155 Words

“BUWISET ka!” inis na tugon ni Celestine dahil sa kahihiyan.Talagang pinaalala pa nito ang nangyari. “Bakit ba ang sungit mo, Misis Echaves? Totoo naman ang sinabi ko. Hindi ko lang ’yan basta nakita. Tinitikman ko pa ’yan.” Nakangising tugon ni Governor Hermedes. Kinurot ni Celestine ang tagiliran nito dahil sa pagiging bulgar magsalita. Alam na nga nito na nahihiya siya pero ipinapamuk pa rin sa kanya nito. Ngunit sa kabilang banda halos hindi malaman ang gagawin ni Celestine kung paano mag-react sa sinasabi nitong misis. Pero ang totoo nagagandahan siya sa naririnig. ‘Hmmp, misis Echaves. Bagay din pala sa akin ang kanyang apelyido. Pero teka, itutuloy na ba talaga namin ang kasal? E—naibigay ko na sa kanya ang sarili ko. Hindi ba dapat hindi na niya ituloy ito?’ sa isip ng dalaga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD