Yanna Alas tres kami umalis ng Tagaytay. Nasa byahe na kami papuntang Laguna ng tanungin ko sya tungkol sa trabaho nya. "Natapos mo na ba yung project na ginagawa mo?" "Yung Janssen project? Hindi pa. Malapit na. Why?" "Ah.. wala naman. Bigla ka kasing umuwi, akala ko natapos mo na." "I cannot miss Matt's wedding kaya nagmadali akong umuwi at syempre higit sa lahat -- para makita ka." He winked at me. "You seemed close to Matt, pero nagtataka lang ako bakit hindi mo kilala si Gabe?" "Nagkasama kami sa NYU at ang MB Corp ang isa sa mga clients ni Dad. Kahit magkaiba kami ng inaaral noon, we see each other in events. Dumalo pa yan sa unang pagrampa ko." Natawa ito. "Katakot takot na tukso ang inabot ko sa kanya, biniro nya ako at fashion daw dapat ang kinuha kong kurso. He never says