Yanna Ramdam ko pa rin ang inis ni Gabe kay Matt. Siguradong mamaya ay tatawagan n'ya ito at papagalitan. Pero alam naman natin pareho na mababaw lang ang inis n'ya, mamaya lang ay lalambot din sa boyfriend n'ya. I haven't really spent a lot of time with Leo so we don't really have this kind of moments. Noong boyfriend ko pa si Andrei ay bihira kaming magkainisan. Ngayon ko lang naisip na parati pa lang akong hindi kumikibo kapag magkaiba kami ng gusto. Palaging ako ang nagbibigay kaya nasanay s'ya. Isang bagay lang naman ang hindi ko kayang isuko sa kanya -- ang p********e ko. Walang kasiguraduhan na kami hanggang dulo at hangga't hindi kami nakakasal ay hindi ko kayang ibigay sa kanya ang hinihingi n'ya. "Yung kotse ko na lang dalhin natin. Iwan mo na yang kotse mo sa garahe ko ha," sa