NAGISING ako ng umagang iyon sa hindi pamilyar na silid. Iginala ko ang aking paningin para suriin kung nasaan ako sa mga oras na iyon. Pero hindi ko parin talaga maalala kung kaninong silid ito kaya naman nagpasya na akong bumangon para ayusin ang sarili. Ngunit ng sinubokan kong bumangon ay napadaing naman ako ng sakit at kirot sa aking gitna, na kunting galaw lang ay hindi ko maiwasang hindi mapangiwi ng mukha dahil dama ko ang kirot. At ng tuloyan na nga akong makabangon ay lalo ko lamang naramdaman ang sakit mula sa aking p******e. At doon ko na nga naalala ang mga nangyari sa akin o sa amin ni L.d kagabi. Pangyayaring hindi ko inasahan o naisip man lang na kaya kong gawin ang bagay na iyon sa ganitong edad ko. Naisuko ko ang aking dangal na hindi ko manlang pinag-isipan, o hindi manlang nagkaroon ng dalawang isip sa aking sarili at agad ko nalang pinahintulotan na kunin sa akin ng ganoon kadalo at kabilis. Na hindi ko na inisip kung paano na ako ngayon o bukas at paano nalang kung mabuntis ako o magbunga ang isang gabing iyon na namagitan sa amin, paano ko haharapin ang kinabukasan ng ako lang mag isa, lalo na ang aking pamilya, ano nalang ang mukhang aking ihaharap, na ito ba ang resulta ng katigasan ng aking ulo. Ang nagdidisisyon ng hindi alam ng kahit sino sa aking pamilya. Napabuntong hininga nalang ako at pinilit kong bumangon at hinanap sa mga pintong aking nakikita kung alin doon ang banyo.
Naghilamos at nagtoothbrush narin ako ng may makita akong isang disposable na toothbrush na marahil ay para lang talaga sa mga bisitang makikituloy dito at ng matapos ay lumabas na ako ng banyo saka hinanap ang aking bag, nakita ko naman itong maayos na nakapatong sa bedside table. Dinampot ko ito at tangka na sanang lalabas ng silid, ngunit hindi pa man ako nakakaisang hakbang ng makita ko ang kunting bakas ng dugo na naka dikit sa puting sapin ng kama, bakas ng dugo mula sa aking p******e na naisuko ko ng ganoon lang kabilis sa isang lalakeng oras ko lang nakilala. Hanggang sa napagawi naman ang aking paningin sa isang panyong kulay asul, na tanda ko pa ay ito ang ipinunas ni L.d sa aking noo at isinapin sa aking likod. Dinampot ko naman ito at saka ko idinikit sa aking labi na sa pagkakataong iyon ay naramdaman ko naman ang kung anong bigat ang dumaan sa aking dibdib na waring nagtutulak sa aking luha na umalpas kula sa aking mga mata, pero pinigalan ko paring huwag mapaluha, dahil wala ako sa lugar o walang dahilan para hayaan kong umalpas ang aking mga luha, ginusto ko ito kaya hindi ako dapat makaramdam ng pagsisisi o sakit sa aking kalooban. Saglit pa ay inilagay ko na ito sa aking dalang handbag, ngunit ng mapansin ko naman ang aking kamay na may nakasuot na silver bracelet ay hindi ko naiwasang mapakunot ang aking kilay dahil sa pagtataka kung bakit may ganoong bracelet na nakasuot sa akin, na alam ko sa sarili kong hindi ko ito pag aari. Sandali muna akong naupo at sinuri ang bracelet na nakasuot sa akin, at ganoon nalang ang biglang pagbuka ng aking bibig ng makita at mabasa ko ang naka-engraved na pangalan L. Delgado, saglit naman akong napatulala at muling binalikan ang mga nangyari kagabi. At huli kong natandaan bago ako tuloyang nakatulog ay naramdaman kong may malamig na isang bagay na dumikit sa aking kamay na waring may inilagay doon, saka ko ngayon naisip na marahil ay ito iyong bagay na iyon, hanggang sa sumagi parin sa aking alala ang mga salitang binitiwan nito pagkatapos ng nangyari sa amin, salitang nangako na babalikan ako at sa oras na bumalik ito ay tuloyan na nga ako nitong magiging pag-aari, ang buong ako. Ilang sandali pa ay nagdisisyon narin akong lumabas, sinilip ko pa ang oras sa aking suot na relo bago bugksan ang pintuan. Napasinghap naman ako ng makita kong alas dose na pala ng tanghali, kaya naman dali dali akong lumakad pababa ng hagdanan at kahit pa dama ko ang kirot sa dahil sa aking paglalakad ay binalewala ko nalang ito, dahil ang tanging aking nasa isip ay makaalis na agad dito at makauwi, dahil alam kong nag aalala narin malamang sina ate sarah. Ngunit ganoon nalang ang aking ipinag taka ng ni isa sa pamilya ng mayor ay wala akong nakita, maliban nalang sa ilang mga kasambahay na waring may mga pinag uusapang seryusong bagay. Hindi ko na pinansin pa ang mga ito at dali dali narin akong tuloyang lumabas ng bahay ni mayor, bahala na kung hindi na ako nakapag paalam at pasalamat sa mga ito ang mahalaga ay maka uwi n ako agad dahil paluwas parin kami ng manila.
"Diyos ko po Senyorita bakit ngayon lang ka lang? Susugod na sana sina tatay at nanay kina mayor eh, kasi nga naman tanghali na hindi ka pa nakakauwi, hindi tuloy maiwasang hindi kami makaramdam ng pag alala, lalo na ngayon at nagkaroon daw ng emergency kina mayor," usal ni ate sarah ng makauwi ako sa kanilang bahay na sakto namang kababa ko ng tricycle ng makasalubong ko eto. At ganoon naman ang pagkunot ng aking kilay dahil sa sinabi nitong nagka emergency kina mayor, kaya ba o dahilan ba na wala ako makitang isang panilya ni mayor doon bago ako umalos maliban sa mga kasambahay, na kahit si Jhona ay hindi ko nakita. Hindi na ako nagkomento pa sa bagay na tungkol kina mayor. Humingi nalang ako dito ng pasensya ay inaya na ito sa loob dahil hahapunin narin kami sa aming magiging byahe na tiyak gabi na kami makakarating ng manila. Naging mabilis ang aking pagkilos at sakto naman 1:30 ng hapon ay naka ready na kami ni ate Sarah. Ilang sandali ng nagpaalam ako at nagpasalamat sa pamilya ni ate sarah dahil sa maiinit na naging pagtanggap ng mga ito sa akin at ganoon din naman ang mga ito nagpaalam narin sa amin at nagbilin pa ng ilang mga paalala. Hindi narin naman nagtagal ay nasa byahe narin kami ni ate Sarah. Lumipas ang mahigit dalawang oras na byahe namin ng maramdaman kong bumagal ang takbo ng bus na waring hirap makadaan ang mga sasakyan sa bandang unahan. At dahil dala ng kyuryosidad ay nagtanong narin ako kay ate sarah.
"Ate Sarah, anong meron sa unahan bagit parang bumagal ata ang ating takbo?" mahina kong tanong pero bago pa man ito makasagot ay nagsalita na ang konduktor ng bus na aming sinasakyan na marahil ay narinig rin nito ang aking naging pagtatanong kay ate sarah.
"May nahulog daw kasing kotse diyan sa bangin, na hanggang ngayon ay hinahanap parin daw yong sakay ng kotse at sabi pa ay pamangkin daw ni Mayor Delgado ang may-ari ng kotse, sabi pa nga daw ng iba nakita pa lang daw nila kagabi iyong pamangkin ng mayor sa naging programa kagabi at isa daw iyon sa naging hurado," usal ni kuyang kundoktor, na ikanabilis naman ng t***k ng aking puso, na halong matinding takot at pag aalala dahil alam ko at maaaring ang tinutukoy nitong tao ay walang iba kundi si L.d, ito lang naman ang pamangkin ni mayor na naging hurado kagabi sa naging event na ipinakilala sa akin. At sa pagkakataong iyon ay bigla nalang nag alpasan ang aking mga luha na gusto kong bumaba ng bus at alamin ang kalagayan nito o kung nahanap naba ito o kung ligtas ba ito.
"Senyorita?, Ayos ka lang b?, May nangyari ba? Bakit ka umiiyak?, tanong ni ate sarah ng marahil ay napansin nito ang aking naging pagluha, sabay napalingon din sa akin ang konduktor. Hindi naman na ako umimik at itinutok ko nalang ang aking paningin sa labas bintana ng bus at hinintay na madaanan namin ang pinangyarihan ng aksidente. Ilang sandali pa ay nasa tapat narin kami ng mga nagkukumpolang mga tao at mga awtoridad at ilang mga sasakyan ng hospital na waring mga nakaabang. Napaangat naman ako ng bahagya ng makita kong utay utay ng inaangat ang sasakyang nahulog sa bangin ngunit wala akong nakitang tao o kahit anong bakas ng tao na maaaring na-tra sa loob ng sasakyan. Halos malaki ang naging pinsala ng sasakyan na siguradong hindi mabubuhay ang sino mang sakay nito. Ngunit napaisip naman ako kung nasaan si L.d kung ito nga ang sakay ng sasakyang iyon. Lalo namang lumakas ang naging pagkabog ng aking dibdib ng makita ko ang maga asawang Delgado katabi ng mga ito si Miguel at Jhona na pareparehong mga nag iiyakan, gustong gusto kong bumaba at ng tatangkain ko na sana ay bigla namang umusad na ang sasakyan at naging mabilis narin ang takbo nito dahil nakalagpas na kami sa naging traffic sa kalsada gawa ng insidente. Buong byahe walang ibang naging laman ang aking isip kundi ang mga katanungang sino nga ba talaga sakay ng kotseng iyon, at nasaan nga ba si L.d. Dahil ng magising ako kanina ay hindi ko na ito nakita pa. Napayuko nalang ako sa aking kamay kung saan nakasuot ang bracelet na isinuot pa sa aking nito kagabi sabay ng pagtulo muli ng aking mga luha. Aminin kong hindi ko maintindihan ngayon ang aking tunay na nararamdaman dahil halo halo ang mga emosyong bumabalot ngayon sa aking buong pagkatao. Hanggang sa tuloyan narin kaming nakauwi sa mansyon na hindi parin nawawala sa aking isip ang tungkol sa aksidente at kay L.d. Hanggang sa mabilis lumipas ang mga araw linggo at buwan na walang L.d ang nagparamdam sa akin at naisip kong baka hindi rin totoo ang mga sinabi nito o mga iniwang pangako sa akin noong araw na iyon. Nagpatuloy ako sa aking buhay na dala dala ang bigat ng damdamin mula sa nakaraan, na patuloy kong iniingatan at kinakapitan na dahilan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy parin akong umaasa, Oo, hindi ako nabuntis na marahil ay nag ingat din ito na hindi tuloyan mag bunga ang gabing iyon na may namagitan sa amin, pero ganoon pa man, naramdaman ko ang panghihinayang dahil umasa ako at naipanalangin ko nalang na sana ay nagbunga nalang iyong gabing iyon, para iyon man lang ay may maiwan sa aking alala. Ngunit hindi nangyari. Hanggang sa nakapagtapos na nga ako sa kolehiyo ay sinubokan ko rin itong hanapin o alamin kung kumusta na ba ito pero wala akong nakuhang balita tungkol dito, sinubokan ko ring balikan ang lugar nina ate sarah na ilang beses parin akong sumama dito habang nag aaral ako sa kolehiyo, pero kahit ang pamilya ni mayor ay wala na rin daw sa probinsyang iyon at lumipad narin daw pa-ibang bansa, makalipas ang isang taon mula daw ng mangyari ang insidente na doon ko na nga napatunayan na ang pamangking tinutukoy ng mga tao na naaksidente ay walang iba kundi si L.d. Aminin kong iniyakan ko iyong balitang iyon na halos kahit wala kaming matibay na uganayan o relasyon ay parang hindi ko kayang tanggapin ang katotohanang iyon, lalo na at sabi-sabi ng iba ay patay na daw ito ng matagpuan at kaya daw umalis narin ang pamilya ni mayor ay para makalimutan na daw ang nangyari at tuloyan na nga daw itong bumaba sa pwesto bilang sa pagka-mayor. At aaminin kong hanggang ngayon ay hindi parin ako tuluyang makausad, na kahit ang tumingin sa ibang lalake ay hindi ko magawa dahil sa walang ibang lalakeng inaasam ang aking puso kundi si L.d lamang na tanging pinag alayan ko ng aking dangal at pinagkatiwalaan ng aking puso. Hanggang sa mabilis lumipas ang sampung taon na wala na ngang L.d ang nag pakita pa sa akin. Kaya sinubokan ko naring kalimutan at mag move on, dahil kung hindi ko iyon gagawin ay patuloy lamang akong aasa sa isang pangakong walang kasiguradohan kung totoo ba ang pingako nito o hindi, o kaya naman ay dala lang marahil ng init ng katawan ng oras na iyon kaya ito nakapagbitaw ng mga ganoong salita.
END OF FLASHBACK
Napapitlag ako ng tumunog ang aking cellphone na nakapatong sa aking unan, na sa lalim ng aking iniisip mula sa pagbabalik tanaw mula sa nakaraan, ay ganoon nalang ang aking gulat sa simpleng pagtunog ng isang maliit na aparato. Dadampotin ko na sana ang aking cellphon ng mapansin kong may mga luhang umaagos mula sa aking mga mata, na kahit ang aking pagluha ay hindi ko narin namalayan.Pinunasan ko ang mga luhang iyon gamit ang asul na panyo na tanging naiwan sa akin ni L.d kasama ang isang bracelet.
"Hello?," usal ko sa kabilang linya. Hindi ko narin natingnan pa kung sino ang tumatawag. Pero ng magsalita ito ay saka ko lang nakilala kung sino dahil sa boses nito.Si kuya Victor.
"How's my Princess? Are you ok? Kumusta naman ang isang buwan mong pananatili sa L. A?" usal nito. Nakaramdam naman ako ng tuwa sa aking puso dahil kahit paani ay hindi pumapalya ang aking mga kuya's na iparamdam sa akin ang kanilang pagmamahal at pagpapahalaga.
"It's good, kuya. Ikaw? kailan ka papasyal dito? I want to see you na, sobra! I miss you kuya," sagot ko naman at narinig ko ang mahinang pagtawa nito.
"Soon! I miss you too, My princess," sagot naman nito. Tumango naman ako at saka ngumiti na kahit alam kong hindi naman din ako nito makikita. Gustong gusto kong banggitin ang tungkol sa arrange marriage na plano nina dad para sa akin at humingi ng advice dito pero hindi ko na nagawa dahil naisip kong kahit ito man ay may pinagdadaanan din tungkol sa asawa nito, kay ate myra. Kaya hindi ko rin minsan maiwasang hindi makaramdam dito ng awa at lungkot.
"Ok kuya, I'll wait you here nalang. Bye!, i need to rest po. Sobra talaga ang pagod ko eh," usal ko at muli ko namang narinig ang mahina nitong pag tawa. Saglit pa ay nagpaalam narin ito hanggang sa tuloyan naring naputol ang tawag sa kabilang linya. Ibinaba ko ang aking cellphone sa gilid ng aking kama at muli kong binalingan ang maliit na kahon at dalawang bagay na tanging laman nito. Ilang sandali ko pa muna itong tinitigan saka ko inaayos at muling ibinalik sa loob ng walk-in closet ko, ng makabalik ako sa aking kama ay napabuntong hininga pa muna ako bago nagpasyang humiga. Napatitig nalang ako sa kesama ng muling sumagi sa aking alala ang mukha ni L.d at ang tagpong may namagitan sa amin, ang tagpong kung saan naisuko ko ang aking dangal ng walang pag aalingan sampung taon na ang nakararaan. At tanging naisip at naramdaman ko na lamang ay puro pagsisisi at panghihinayangan, pagsisisi na sana ay hindi ko muna ito hinayaang umalis sa aking tabi, kung hind sana ako nakatatulog noong oras na iyon, at panghihinayang na sana ay nagawa kong aminin ang aking nararamdaman na sa ganoon ay marahil hindi ito umalis o hindi ako iniwan, at hindi sana nangyari ang insidenteng iyon na hanggang ngayon ay dama kong hindi parin matanggap ng aking puso at buong pagkatao na wala na nga ito at kailanman ay hindi ko na makikita pa, na kung sana man lang ay nagbunga ang sandaling iyon ay baka marahil hindi ako gaanong nahihirapan ngayon o hindi gaanong nalukungkot ang aking puso dahil may isang munting L.d na naiwan sa akin. Muli nanamang umagos ang aking mga luha sa mga ala-alang iyon at pagsisisi sabay ng ng panghihinayang. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at pinilit na matulog para mawala na sa aking sarili at damdamin ang bigat na nararamdaman ng aking kalooban sa mga oras na ito. At bukas ay panibagong araw nanaman para sa akin, panibagong araw nanaman na hihikayatin ko ang aking sarili na lumimot na at magpatuloy sa buhay. Hanggang sa hindi ko narin namalayan na tuloyan narin akong hinatak ng antok..
~~~~~~~~~~~~
MABILIS lumipas ang mga araw at ngayon nga ay ilang oras nalang at makikita ko na ang lalakeng sinasabi ni Dad na kailangan kong pakasalan. Noong una at mga sumunod na araw ay hindi talaga ako nakikipag usap sa kanila dahil alam kong isisingit lang nila ang usapin tungkol sa kasundoang pagpapakasal. Ngunit habang lumalakad naman ang mga araw, ay hindi ko maintindihan ang aking sarili, na waring may nagtutulak sa akin o may nagsasabing umayon ako o pumayag sa kasunduang iyon, at kahit ang aking puso ay sumisigaw ng pagpayag. Kaya kagabi ay ako na mismo ang kumausap kina Dad at Mom na pumapayag narin ako sa kasundoang iyon. Bahala na ang mga susunod na araw. Puwede naman akong makipag divorce o mag file ng annulment pag hindi kami nagkasundo. Ang mahalaga ay napagbigyan ko si dad sa kasundoang iyon at hindi ito mapahiya sa pinangakoang kaibigan. Ilang sandali pa akong nananatili sa terrace bago nagdisisyong lumabas narin ng aking silid para bumaba. Ngunit ang ipinagtaka ko ay kung bakit parang nagagahol ang mga kasambahay namin samantalang ang aking mga magulang ay hindi ko naman napapansin sa paligid ng kabuoan ng unang palapag ng mansyon.
"Ate Sarah, anong mayroon? Bakit parang nagagahol kayo ngayon? Saka nasaan sina Mom?" tanong ko kay ate sarah ng saktong kapapasok nito sa loob galing sa bahagi ng garden.
"Senyorita, kinausap po kasi kami ni Maam Shiela. Mag handa daw po ng mga ilang putahe at mag ayos dahil maaga daw pong darating ang mga bisita ngayon," sagot naman ni ate sarah, hindi na ako nakaimik pa dahil medyo nakaramdam din ako ng kaunting gulat.
"Anong ibig mong sabihin Ate Sarah at sinong mga bisita?" tanong ko naman uli dito. Ngunit hindi na ito nakasagot pa ng marinig ko ang marahang pagtawag sa akin ni mom habang pababa ito ng hagdanan kaya naman napalingon ako dito sabay naman na nagpaalam narin si ate sarah. Tinangoan ko nalang ito at pagkatapos ay tumalikod narin patungo ng kusina.
"What's going on Mom? Sinong mga bisita ang tinutukoy ni Ate Sarah?" mahina kong usal dito ng tuloyan naring nakalapit sa akin, saka ako nito inaya paupo sa sala.
"Ang Pamilya anak ni Mr. Delgado kasama na nito ang kanilang anak na pakakasalan mo," usal ni mom. Npabuntong hininga naman ako at umiwas ng tingin.
"Anak, Princess. Hindi ka naman namin pinipilit sa pagpapakasal o sa bagay na ito Puwede kang tumanggi o umayaw. Wala naman kaming magagawa kung talagang ayaw mo at kung ano man maging disisyon mo mamaya ay susuportahan namin," mahinahong usal pa uli ni mom. At muli namang napabaling dito ang aking pansin. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.
"Don't worry mom. My decision is final. Pakakasal ako sa anak ni Mr. Delgado gaya ng naging kasundoan at ayaw ko rin namang ipahiya o mapahiya si Dad dahil lang sa aking pagtanggi at pagmamatigas. Kaya ko na po ang sarili ko at kung hindi man po kami magkaunawaan o magkasundo sa aming naging pagpapakasal at pagsasama ay maaari naman po akong makipag hiwalay at mag file ng Annulment. Kaya huwag na po ninyo akong alalahanin pa. I can handle it. Trust me," mahaba kong paliwanag kay mom, ngunit nanatili lamang itong seryoso habang nakatitig sa akin. Kaya naman nginitian ko nalang ito saka marahang hinaplos ang likod ng mga kamay nito na nakapatong sa mga hita para iparamdam at ipakitang ayos lang talaga ako, kahit na ang totoo ay medyo nakakaramdam parin ako ng kagulohan at kalituhan sa aking isipan.
Maya maya pa ay tumango narin ito saka nag paalam na pupuntahan lang sina Lola Fe sa kusina. Habang ako naman ay naiwan sa sala at nag iisip kung anong maaaring mangyari mamaya sa aming paghaharap nong lalakeng kailangan kong pakasalan. Sa kabila ng kalitohan ng aking isip ay may bahagi naman sa aking sarili na waring nasasabik na hindi ko maintindihan kung bakit. Saglit pa ay tumayo narin ako saka umakyat at muling bumalik sa aking silid upang magpahinga para maaaya ay maayos ang aking pakiramdam pag dating ng mga bisita.