Kahit may asawa at anak na, darating ang pagkakataong maghahanap ang isang babae ng mas higit na kalinga at pagmamahal. Paano kung hindi iyon mahanap sa sariling tahanan?
Sa isang samahan ng magkakaibigan nahanap nina Wyn, Estela at Eve ang kalinga na hindi madama sa mga asawa nila. Bumuo sila ng isang samahan kung saan elite lang ang mga myembro at puro hot males ang nakahain sa hapag-kainan.
Samahan ang tatlo sa The Elite Cougars Club.