"Huwag kang pumunta sa anniversary party ng mga De Rivero!" Nabigla pa siya nang hinila siya ni Aedan sa kabilang gilid ng restaurant pagkalabas niya ng comfort room.
"Aedan ,wait ! Ano ka ba,De Rivero airlines is one of the world's known airlines.This is not about you Aedan,this is about me.What if they will propose a project with me? So that's a great advantage for my career! Don't worry my love,hindi naman kita aakitin doon.I know my place,behave ako doon promise!" Hinawakan niya ang kamay baba ni Aedan at bigla itong siniil ng halik sa labi.
"Don't -----" mabilis nitong pag-iwas sa mga halik niya.
Mahina siyang humalakhak."Oh ,I almost forgot....Those lips were once mine but now,patago ko na lang matitikman yan my love."Mas inilapit niya ang kanyang katawan sa katawan ng lalake at masuyong pinagmasdan ang mukha nito.
"Wala ka pa rin talagang pinagbabago Asia.Puro ka sarili mo,puro ka para sa pangarap mo! You left me because of your selfishness ! Sinabi ko na nga sa'yo dati na kaya kitang buhayin! I can pay triple of your salary,huwag ka lang umalis but you left me!"Ramdam niya ang hinanakit sa boses nito.
"Selfish?Sino ang selfish sa atin Aedan? Walang iba kundi ikaw! I left? Oh no,I didn't! It was you who left me and married that rich Lilac!" sumbat niya rito.
"Hindi ka talaga nakakaintindi!"
"I do! Kaya nga lahat ay gagawin ko para sa'yo Aedan Gates! Ang magpakatanga! Payag na nga akong number two mo kahit na pinababab ko lang ang tingin mo sa akin! Alam mo kung bakit? Dahil mahal kita! Mahal na mahal kita Aedan kaya handa akong maging other woman mo!I will behave,I promise! Hinding hindi malalaman ng asawa mo at kahit na sino kung sino at ano ako sa buhay mo!" mahabang sambit niya sa lalake.
" That's how you should behave .Sige,I will call you if I am not busy anymore.At tandaan mo Asia,may dapat kang patunayan sa akin! Sana hindi mo pa nakakalulimutan!" Sambit nito sabay lakad pabalik na sa asawa nitong si Lilac.
She sighed a bit . Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Hinihingi nito ang p********e niya.Thats the proof he wants from her.
"Just give me time,Aedan!" bulong niya sa kanyang sarili.Hindi pa niya maimagine ang sarili niya na iaalay na ang lahat lahat kay Aedan but one day, when she is ready she will.
Palagi kasi niyang inaalala ang payo ng mommy niya sa kanya.To give her virginity sa taong ihaharap siya sa dambana.
"Hoy babae! Hindi ka pa ba babalik sa table natin?Kanina pa sinerve ang foods natin gurl!" bumaling siya at nakita niya si Diane na nakapameywang sa kanya . "Hmp, oh ano nagpakatanga ka na naman sa kanya? Naku,Asia uso rin naman ang moving on and letting go! Maraming mga lalake riyan na mas gwapo at mas deserve pa kaysa sa Aedan na yon na in the very first place ay pinabayaan ka at nagpakasal sa isa sa mga heredera ng mga De Rivero!"
Ayan na naman ang kaibigan niya at sinesermon na naman siya.
"Halika na nga! " Putol niya sa walang katapusang sermon nito.
Sa oras na ito at sa sitwasyon niya ay bingi siya sa lahat ng mga payo.Mahal niya si Aedan at mamamatay siya kung Wala silang communication sa isa't isa .Hindi niya naiimagine ang sarili niya na may kasamang iba ,si Aedan lang talaga.
Nang makabalik na sila sa mesa ay nagaantay na rin ang mga kaibigan nila.Sina Aedan at Lilac ay nasa kabilang table at nagsisimula nang kumain. Hindi na niya nagawa pang sumulyap sa dalawa.
"Wow,Asia?" agad naman siyang bumaling nang makita ang tatlong matatangkad at super gwapo na mga kalalakihan sa harapan nila.Mga kaibigan niyang mga modelo ang tatlo.May Fil- Am ,Italian at ang isa ay pure Pinoy.
"Hoy! Ba't kayo nandito? Sinusundan n'yo ba ako?" Biro niya sa mga ito.Tumigil na muna siya sa pagnguya at tumayo na't nakapag beso beso sa tatlong lalake.
"May project kami rito,so how about you? Hindi ka na ba babalik sa Paris? Siguro nagpapataas ka muna ng talent fee noh?" wika ni Gio,ang sinasabi niyang pure Pinoy sa tatlo.
"Well,on vacation ako.May inaayos lang rito pero in due time babalik ako sa Paris.By the way my friends pala..si Shanti ,Diane and Vhal." pagpapakilala niya sa tatlo.
Nagkipagkamayan rin naman ang mga kaibigan niya sa tatlo.
"What if,jamming tayo mamaya in a bar?" sambit naman ng Italian na si Dion.Half Pinoy ,Half Italian ito.
"Sure Sige,tawagan mo lang ako okay?" aniya rito.Mababait ang tatlo niyang kasamahan sa pagmomodelo.Madalas silang lumalabas noong nasa Paris pa sila.Malakin ang respeto ng mga ito sa kanya.Siya kasi ang tinitingalang modela doon.
"Sige ,see you later!" wika naman ulit ni Dion.
She smiled at them and waved .Nakita niyang umakyat na ang tatlo sa itaas.Dito yata sa hotel naka check in ang tatlo.
"Bestie,mukhang nahanap ko na si Mr.Right.Kung mabubuntis man ako, gusto ko isa sa kanila ang tatay! Hindi sayang ang lahi,walang tapon talaga!" Kinikilig na sambit ni Diane sa kanya .
"Hindi ka nga pinapansin eh! Ni Hindi nga sumulyap sa'yo!" Tukso naman kaagad ni Vhal kay Diane.
"Ay oo na,Vhal Ikaw na talaga ang attractive sa ating lahat! " namimilog ang mga matang sambit ni Diane sa kaibigan.
"Infairness,Asia...super gwapo nila.Bakit hindi mo na lang jowain ang isa sa kanila?Mas gwapo naman kaysa sa ex mo!' Sinadya yata talagang palakasin ni Diane ang boses nito.Nang tumingin siya sa mesa nina Devon ay nakita niyang nakakunot ang noo nito na pasilulyap sulyap sa kanilang mesa.
"Who are those men? Don't you ever talk to those three again!" Napakunot ang noo niya nang mabasa ang text message ni Aedan sa kanya.
Hindi na tuloy niya nagawa pang nhuyain nang maigi ang kinakain.Hindi na siya nagreply pa sa lalake at mbaka mahuli pa ito ng asawa.Mahirap na kung mahuli ito,edi putol ang kaligayahan nilang dalawa.
She is a mistress,just a mistress at dapat niyang alagaan at ingatan ang koneksyon nila ni Aedan.
Nang magtama muli ang kanilang mga paningin ay siya naman ang nakakunot sa lalake.He should never text her especially when he is with his wife.Mabubuking talaga silang dalawa kung mauulit pa ang ganitong pangyayari.