CHAPTER 19

2186 Words
LEAH's POV Nakakainis. May band-aid ngayon ang aking noo rahil sa sugat na aking tinamo mula sa boteng naglalaman ng pampatulog na ibinato ni Henry sa aking mukha kagabi. Ngunit ang inis na aking nararamdaman ay agad na napalitan ng saya nang muling maalala ang pagtatalik sa pagitan namin ni Henry. Sa wakas ay bumigay din sa aking alindog si Henry. Siguro ay talagang hindi na niya kinaya ang init at pagnanasang kanyang nararamdaman para sa akin na alam kong nagsimula noon pang family reunion na in-organize ng aking asawa. Pagnanasang ginatungan ko pa nang mismong sa harapan ni Henry ay ipakita ko ang aking hubad na katawan at magbihis sa paraang nang-aakit. Sinulyapan ko ang aking phone na nasa ibabaw ng kama. Kanina ay napanood ko na ang video ng pagtatalik namin ni Henry kagabi. Walang kaide-ideya si Henry na nakuhanan ng video ang mga nangyaring kalaswaan sa pagitan naming dalawa kagabi. Napangisi ako sa harap ng malaking salamin ng aking dressing table. Ang akala ni Henry ay gusto ko lang talaga siyang tikman kaya may nangyari sa amin kagabi ngunit hindi niya alam na isa lang din siya sa mga pain ng aking laro. Laro ng paghihiganti. Malaki na ang ngiting nakapaskil sa aking mukha habang ini-imagine ang magiging reaction ng asawa ni Henry na si Lulu kapag napanood na nito ang mahalay na video namin ng kanyang asawa. Paniguradong mababaliw sa sakit ng pagtataksil ni Henry si Lulu. At mas sasakit pa ang puso ni Lulu kapag nakita nitong ang inaayawan nitong stepmother dati ang kasama ng mister nito sa pagtataksil dito. Poor Lulu. Of course, hindi pwedeng gamitin ni Lulu bilang ebidensya ang video recording na iyon laban sa akin dahil kuha iyon mula sa loob ng aming master's bedroom ng ama nito. Isa pa, anong ginagawa ng maraming pera ni Abner kung hindi ko gagamitin ang mga iyon sa pansarili kong interes, hindi ba? Katulad nang kung paanong pinagalaw ni Abner ang pera nito para maisara agad ang kaso ng aking pinakamamahal na si Philip. Tumiim ang aking bagang at tumalim ang aking mga mata nang muli kong maalala kung paanong isinara agad ang kaso ng pagkamatay ni Philip noon na parang walang nangyari. Sariwa pa rin sa aking isipan ang mga nagkalat na dugo ni Philip sa pinangyarihan ng krimen. Malinaw pa rin sa aking alaala ang anyo ng wala ng buhay na si Philip na aking inabutan nang dumating ako sa aming tagpuan ni Philip para sa aming planong pagtatanan. Tandang-tanda ko pa ang panlalamig ng aking buong katawan nang makita kong pumanaw na ang lalaking aking iniibig. At dahil iyon kay Abner Galivanio. Pero iba ang lumabas na dahilan ng pagkamatay ni Philip ayon sa imbestigasyon ng mga pulis na sigurado akong minanipula ni Abner. Sigurado akong naglabas ng malaking halaga si Abner para hindi madawit ang pangalan nito sa kaso. Hayop si Abner. Magbabayad si Abner sa lahat ng mga naging kasalanan nito kay Philip. Nawala ang buhay ni Philip nang dahil kay Abner at kung kinakailangang buhay ang maging kapalit para makamit ang hustisya ay aking gagawin. Nagbabaga ang aking mga mata habang nakatitig sa malaking salamin sa aking harapan at galit na galit na bumulong sa hangin. Leah: Pero bago ka mamatay ay ipararanas ko muna sa iyo ang impyerno rito sa lupa, Abner. Nang lumabas ako ng master's bedroom ay dumiretso ako sa inookupang kwarto ng nakaratay sa kamang si Abner. Naroon na agad si Lulu sa loob ng kwarto ni Abner. Lulu: Good morning, Mama. Ngumiti si Lulu sa akin na agad ko namang ginantihan ng isang tipid na ngiti. Walang kamalay-malay ang aking stepdaughter na si Lulu na nagkatikiman na kami ng mister nito sa mismong dating kama pa ng ama nito kagabi. Leah: Magandang umaga rin, Lulu. Kumusta ang iyong pakiramdam? Maaga kang nakatulog kagabi. Ngumisi ako sa aking isipan. Nakatulog nang maaga si Lulu kagabi rahil sa pampatulog na aking inihalo sa inumin nito. Ang ipinagtataka ko lang ay hinaluan ko rin ng pampatulog ang inumin ng asawa ni Lulu kahapon pero tulad nang aking sinabi ay may nangyari sa amin ni Henry kagabi kaya ibig sabihin ay hindi gumana sa kanya ang pampatulog. At ibinato pa ni Henry sa aking mukha ang boteng naglalaman ng pampatulog. At base sa sinabi ni Henry kagabi ay mukhang alam niya ang ginawa kong paghahalo ng pampatulog sa inumin ni Lulu. Henry: Natutulog na ang asawa ko! Ito ang gusto mo, di ba?! Malandi kang babae ka! Isa iyon sa gumugulo sa aking isipan at hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi sumunod sa akin si Paeng sa loob ng master's bedroom. Well, pabor pa rin naman sa akin ang nangyari. May nakuhanan pa ring lalaki sa video ng aking phone na kasama ko sa panloloko sa aking asawa. Hindi man dumating sa loob ng master's bedroom si Paeng na anak ni Abner, dumating naman si Henry na asawa ng isa sa dalawang anak na babae ni Abner. Umusad pa rin ang aking plano. Maliban doon ay may lalaki pa rin akong nagamit para saktan si Leandro. Si Leandro na sinasabing mahal ako nito. Si Leandro na asawa ng anak ni Abner na si Alice. Si Alice na aking stepdaughter. Kitang-kita ko ang mga luhang dumaloy sa mga pisngi ni Leandro mula sa mga mata nito nang makita nito kung paanong nagpaputok ng napakaraming likido ang bilas nitong si Henry sa loob ng aking hiyas. At dahil sa mga luhang iyon ni Leandro ay napatunayan ko ang sinasabi nitong pagmamahal nito para sa akin. Tingnan mo nga naman. May lalaking nahulog ang loob sa akin dahil sa aking taglay na alindog. May lalaking umibig sa akin nang dahil sa aking galing sa kama. Kawawang Leandro. Nang dahil sa pagluha ni Leandro ay mas ipinakita lang nito sa akin kung gaano ito lalong magiging kapaki-pakinabang sa aking planong paghihiganti kay Abner. Ngayong nakita ni Leandro ang nangyari sa pagitan namin ng bilas nitong si Henry ay umaasa akong tutuparin ni Leandro ang pangako nito sa akin bago ito umalis ng mansyon kagabi. Tandang-tanda ko pa kung paanong nangako sa akin si Leandro kagabi. Leah: Kung totoo ngang mahal mo ako, Leandro, hindi mo sasabihin sa kahit na kanino ang mga nasaksihan mo sa loob ng kwartong ito ngayong gabi. Nakita kong sandaling nag-isip si Leandro bago sumagot. Leandro: Ma-matagal na bang may nangyayari sa inyo ni Henry? Umiling ako kay Leandro. Leah: Sa maniwala ka o hindi, ngayon ang unang gabing may nangyari sa aming dalawa ni Henry, Leandro. Gusto ko pa sanang sabihin kay Leandro na si Paeng dapat ang kasama ko nang gabing iyon at hindi si Henry ngunit wala rin namang silbi kung sasabihin ko pa iyon dito. Leandro: Ba-bakit mo ito ginagawa, Leah? Tumitig sa aking mga mata si Leandro na agad kong iniwasan. Leah: Ka-katulad nang nangyari sa atin, Leandro. Pareho naming pinagnasaan ni Henry ang isa't isa. Malalim akong nagbuntung-hininga habang damang-dama ko pa rin ang mga titig sa akin ni Leandro. Leah: A-alam mo namang sekswal akong babae, Leandro. Ka-kaya madalas akong maghanap ng lalaking magpapainit ng aking katawan. A-at dahil nga pansamantala muna tayong hindi nagkikita a-at nandito sa mansyon si Henry, na-napukaw niya ang aking atensyon a-at ganoon din siya sa akin. Sandali akong lumingon kay Leandro ngunit agad ko ring iniwas ang aking mga mata nang makita ko sa mga mata nito ang pagdududa. Hindi ko naman pwedeng aminin kay Leandro ang aking planong paghihiganti kay Abner. Leah: A-at isa pa, si-sinabi ko sa iyong gusto kong patunayan mo ang pagmamahal mo para sa akin sa pamamagitan ng pagtatago ng aking sikreto kaya naman--- Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil biglang nagsalita si Leandro. Leandro: At itong sikreto mong ito ang gusto mong itago ko, ha, Leah? Mabagal akong tumango kay Leandro. Leah: O-oo, Leandro. Malalim na nagbuntung-hininga si Leandro. Leandro: So ang pakikipagtalik mo kay Henry ay may dalawang pakinabang para sa iyo. Una ay para mapunan ang pangangailangan mo bilang babae at pangalawa ay para mapatunayan ang aking pagmamahal para sa iyo. Tama ba, Leah? Yumuko ako rahil hindi ko kayang salubungin ang mga nagdududang titig sa akin ni Leandro. Leah: Tama ka, Leandro. Iniangat ko ang aking tingin at nakita ko ang kalungkutan sa mukha ni Leandro. Leandro: Ba-bakit gusto mong patunayan ko ang pagmamahal ko para sa iyo, Leah? Para ba, pag-paglaruan ang damdamin ko? Nakayuko akong sumagot sa tanong ni Leandro. Leah: Hi-hindi ko naisip 'yan, Leandro. Gu-gusto ko lang malaman ku-kung totoong mahal mo ako rahil pakiramdam ko ay na-nahuhulog na rin ang aking loob sa iyo. Bahala na. Basta hindi kailangang malaman ni Leandro ang aking mga plano. Hahayaan ko na lang si Leandro na isiping nahuhulog na ang aking loob dito. Nang iangat ko ang aking ulo para muling tingnan si Leandro ay nakita ko ang pagdaan ng kasiyahan sa mga mata nito na agad din namang naglaho. Leandro: I-ipinapangako ko, Leah, na walang makakaalam ng sikreto mo. Pangako. Pero ku-kung pwede sana ay may hihilingin ako sa iyo. Kumunot ang aking noo ngunit tumango rin ako kay Leandro makalipas ang ilang sandali. Leandro: Sa-sana ay ma-mas dumalas na ulit ang ating pagkikita katulad nang dati. Hi-hindi ko kayang hindi ka nakikita nang ilang araw. Pwede ba iyon, Leah? Hindi agad ako nakasagot kay Leandro rahil hindi ako sigurado kung hanggang kailan magtatagal si Henry sa mansyon. Mas marami na ang mga matang pwedeng makahuli sa amin ni Leandro sa loob ng mansyon kaya kailangang mas maging maingat kaming dalawa. Leah: Sa-sa labas tayo ng mansyon magkikita. Hintayin mo lang palagi ang mga message ko sa iyo. Hinawakan ni Leandro ang aking dalawang kamay at dinala sa mga labi nito at hinalikan. Ito ang aking napapala sa pagsasabing nahuhulog na ang aking loob kay Leandro. Leandro: Salamat. Salamat, Leah. Pangako, hindi kita pi-pressure-in. Pero maniwala kang napasaya mo ako ngayong gabi. Matagal na tumitig sa aking mga mata si Leandro bago nito ipinagpatuloy ang pagsasalita. Leandro: Sana nga ay totoo ang sinabi mong nahuhulog na ang loob mo sa akin, Leah. Hindi ko makakalimutan ang ningning sa mga mata ni Leandro nang lisanin nito ang master's bedroom kagabi. Walang kaide-ideya si Leandro na nakatakdang madurog ang puso nito oras na malaman nito ang buong katotohanan tungkol sa aking pagkatao. Lulu: I'm feeling well now, Mama. I'm not sure why I felt so sleepy last night kahit alas otso pa lamang ng gabi. Usually I sleep around 11PM. Nakita ko ang kalituhan sa mga mata ni Lulu na aking ikinangisi sa aking isipan. Habang mahimbing kang natutulog, Lulu, ay nagpapakasasa naman sa aking katawan ang iyong mister na si Henry. Kawawa ka naman, my dear stepdaughter. Sumilay pa ang isang malaking ngiti sa aking mga labi rahil sa sinabi na iyon ng aking isipan. Leah: Marahil ay dahil sa puyat mo nang mga nagdaang gabi. Ikaw ang nagbabantay sa iyong ama buong araw kahit nandiyan naman si Nurse Winnie. Lumapit ako kay Lulu at hinawakan ito sa magkabilang balikat nito. Leah: Minsan ay kailangan din ng pahinga ng ating katawan, Lulu. Huwag mong masyadong pinapagod ang iyong sarili. Marahan ko pang pinisil ang dalawang balikat ni Lulu. Leah: I'm sure ayaw ng Papa mo at ng asawa mong pinupuyat mo ang iyong sarili. Tumingala sa akin si Lulu at ngumiti. Lulu: Salamat, Mama. Speaking of my husband, maaga siyang umalis kaninang umaga. Nag-message na lang si Henry sa akin kanina na babalik na siya sa bahay namin. Nagkaroon daw ng maraming orders sa furniture shop namin ngayon. Kumunot ang aking noo. Siguradong iniiwasan ako ni Henry matapos ang nangyari sa pagitan naming dalawa kagabi. Ngumisi ako nang masigurong hindi na nakatingin sa akin si Lulu. Well, tingnan natin kung hanggang kailan ako kayang iwasan ni Henry. Paniguradong katulad ni Leandro ay mahuhulog din ang loob sa akin ni Henry at kapag nangyari iyon ay sabay kong dudurugin ang mga puso nina Henry at Leandro. Hay. Hindi na ako makapaghintay na mangyari ang araw na iyon. At si Paeng Galivanio. Oh, Paeng. Kailan ko ba mapapasuko si Paeng sa aking alindog? Parang kayhirap tibagin ng nag-iisang anak na lalaki ni Abner. Kailan ko ba matitikman ang aking nag-iisang stepson? Kailan ko ba malalasahan ang malapot na likido ni Paeng? Ang napakasarap sa matang si Paeng. Paniguradong masarap ding lawayan ang katawan ni Paeng. At walang dudang napakasarap tikman ng mainit at malapot na likido ni Paeng na ibubuga ng malaki nitong alaga. Hindi na ako makapaghintay na magtaksil si Paeng sa misis nitong si Debbie kasama ako. Parang nararamdaman ko ang pagtagas ng aking katas sa aking kanang singit habang iniisip ang aking stepson na si Paeng. Naaamoy kaya ni Lulu ang aking katas gayong nakatayo ako sa likuran nito? Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang magsalita si Lulu. Lulu: Mama, I hope you don't mind. But I'm curious about what happened to your forehead. Bakit may band-aid? Sandali akong natigilan sa tanong na iyon ni Lulu. Hindi pa maaaring malaman ni Lulu ang nangyari sa pagitan namin ng asawa nitong si Henry. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD