THIRD PERSON POV
Inis na inis na humiga si Sabel sa tabi ni Leandro. Kanina pa nito niroromansa ang lalaki, pero hindi man lang tinitigasan ang alaga niya.
Sabel: Ano ba ang problema, Leandro? Ngayon na lang ulit tayo nagkita tapos ganito pa. Hindi man lang nabubuhayan 'yang alaga mo. Ano? Hindi ka na ba attracted sa akin? Para ngang napipilitan ka pang sumama sa akin ngayon. Akala mo ba ay hindi ko napansin na parang ipinagtabuyan mo ako noong isang araw?
Naaalala ni Leandro ang araw na sinasabi ni Sabel. Ito iyong araw na biglaan siyang pinuntahan nito rahil nami-miss na siya nito.
Bumibili sa isang sari-sari store si Leandro nang may yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. Naghiyawan ang mga kaibigan niyang tambay. Humarap siya sa taong nakayakap sa kanya.
Leandro: Sus! Ikaw lang pala, Sabel.
Tinanggal ni Leandro ang mga bisig ni Sabel na nakapalibot sa kanyang baywang.
Leandro: Huwag dito. Iti-text na lang kita.
Nag-pout si Sabel.
Sabel: Miss na kita, babe.
Napakamot si Leandro sa kanyang ulo.
Leandro: Alam ko. Miss na rin kita. Pero mag-ingat tayo. Pambihira ka. Kung makayakap ka parang wala akong asawa. Buti mga tropa ko lang nakakita sa ginawa mo.
Sabel: Ang hot mo kasi, babe. Ang sarap mo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Leandro: Alam ko na 'yon. Sige na. Umalis ka na. Mamaya bumalik na galing palengke si Alice, makita ka pa. Medyo mainit pa naman ang mga mata niyon sa 'yo.
Sumimangot si Sabel.
Sabel: Hay naku! Pangit kasi siya kaya insecure siya sa ganda ko. Makaalis na nga. Hmp!
Napailing na lang si Leandro.
Alam ni Leandro sa sarili kung bakit hindi na siya nakikipagkita kay Sabel bago ang araw na iyon. At iyon ay hindi rahil sa ayaw niyang mahuli sila ni Sabel ng kanyang misis. Dati pa namang malakas ang loob niyang mambabae kahit alam niyang posible siyang mahuli ng asawa.
Ang dahilan ay walang iba kundi ang biyenan niyang babae na si Leah.
Mula nang makauwi sila ng kanyang asawang si Alice galing sa family reunion na in-organize ng kanyang biyenan na si Abner ay hindi na muli pang nakipagkita si Leandro kay Sabel. Hindi niya alam pero parang ayaw na niyang tumingin sa ibang babae maliban kay Leah. Para bang ang laman ng isip niya ay laging si Leah na lamang, ang pangalawang asawa ng kanyang biyenang lalaki.
Alam ni Leandro na naakit agad siya kay Leah sa unang pagkakita pa lamang dito. Maganda at sobrang hot ng babae. Kahit sinong lalaki ay maaakit nito sa taglay nitong alindog. At isa siya sa mga lalaking iyon.
Sa buong panahon ng family reunion ay hindi nawala sa isip ni Leandro ang matikman ang biyenang babae. Muntik nang may mangyari sa kanila kung hindi sila inistorbo ng hipag niyang si Debbie.
Malinaw pa sa alaala ni Leandro ang eksenang iyon.
Pasimpleng pumasok si Leandro sa loob ng hotel room ng kanyang mga biyenan habang ang biyenan niyang lalaki ay naliligo sa dagat kasama ang mga anak nito.
Pagkapasok ni Leandro sa loob ng hotel room ng kanyang mga biyenan ay nakita niya ang biyenang babae na pinapanood sa labas ng bintana ang asawang naliligo sa dagat kasama ang mga anak nito. Dahan-dahan siyang lumapit sa biyenang si Leah at ipinulupot ang kanyang mga bisig sa baywang nito.
Alam agad ni Leah na si Leandro ang yumakap dito.
Leah: Akala ko hindi ka na aakyat.
Nakikita ni Leandro mula sa bintana ng hotel room nina Leah at Abner ang pagligo ng biyenang lalaki sa dagat kasama ang tatlong anak nito. Walang kamalay-malay ang kanyang biyenang lalaki na kasama niya ngayon ang biyenang babae sa hotel room ng mga ito.
Bumulong si Leandro kay Leah.
Leandro: Pwede ba 'yon? Eh, kanina mo pa ako pinapasabik.
Naramdaman ni Leandro na nakiliti si Leah sa hanging nagmula sa kanyang bibig at tumama sa tainga nito.
Leah: Nasaan ang asawa ko?
Malandi ang tinig ng boses ni Leah nang tanungin iyon kay Leandro.
Leandro: Nandito. Nakayakap sa 'yo. Honeymoon na tayo, babe.
Kinagat ni Leandro ang kanang tainga ni Leah. Napaungol ito.
Maya-maya ay ipinasok na ni Leandro ang kanang kamay sa loob ng bikini ni Leah at sinapo ang basang hiyas ng biyenan. Umungol ng malakas si Leah.
Nang bigla ay narinig nina Leandro at Leah na may kumakatok sa pinto ng hotel room ng mag-asawang Leah at Abner. Inis na inis sina Leandro at Leah sa istorbong dumating.
Leah: Sino 'yan?
Hinihingal pa si Leah nang itanong iyon.
Narinig nina Leandro at Leah na sumagot mula sa labas ng pinto ang hipag niyang si Debbie.
Debbie: Si Debbie 'to, Mama. Pinapatawag po kayo ni Papa.
Parang gustong manapak ni Leandro rahil sa sobrang gigil sa matandang biyenan. Istorbo sa kanilang dalawa ni Leah.
Leah: Si-sige. Susunod na ako.
Bumulong si Leah kay Leandro.
Leah: Mamaya na natin ituloy. Baka maghinala sila?
Pigil na pigil si Leah na mapaungol ng malakas habang nilalaro ni Leandro ang maliit na laman sa itaas ng kanyang hiyas.
Uminit ang ulo ni Leandro kay Debbie rahil ito ang naging instrumento para matigil ang ginagawa nilang harutan ni Leah.
Leandro: Lintik na baboy 'yan. Istorbo! Sige. Mauna ka nang lumabas bago ako.
Nakita ni Leandro na inayos na ni Leah ang bikini nito at nang tumalikod na ito para lumabas ng kwarto ay humabol pa ng pisil si Leandro sa pang-upo ng biyenang babae.
Ang eksenang iyon sa pagitan nina Leandro at Leah ay hindi na nasundan hanggang sa matapos ang family reunion. At nang makauwi na nga sina Leandro at Alice ng kanilang bahay mula sa family reunion ay hindi na nawaglit sa isip ni Leandro si Leah. Araw-araw niya itong naiisip at gabi-gabing laman ng kanyang mga panaginip at pantasya.
Ilang linggo lamang matapos ang family reunion ay nabigla si Leandro nang tawagan siya ni Leah. Sabik na sabik siyang marinig muli ang boses nito. Na-miss niya ang nakahahalina nitong amoy, ang nakakaakit nitong mukha, ang nakabubuhay ng dugo nitong katawan, at ang nakababaliw nitong alindog.
Sinabi ni Leah kay Leandro na hindi nito ma-contact ang asawa niyang si Alice kaya siya na ang tinawagan. Ibinalita ni Leah ang tungkol sa unti-unting paghina ng katawan ng asawa nitong si Abner. Ibinalita iyon ni Leandro sa asawang si Alice pagkauwi nito galing sa trabaho sa palengke.
Ang unang tawag ni Leah kay Leandro ay nasundan pa nang nasundan. Ang isang tawag ay naging araw-araw habang si Alice na asawa ni Leandro ay abala sa pagtitinda sa palengke at si Abner na asawa ni Leah ay unti-unting lumalala ang kalusugan at nakaratay sa kama.
Ang mga tawag sa pagitan nina Leandro at Leah ay punung-puno ng kalaswaan. Pinaglalaruan ni Leandro ang kanyang alaga sa bawat sulok ng kanilang bahay ni Alice sa tuwing kausap sa phone ang biyenang si Leah.
Si Leah naman ay pinaglalaruan ang hiyas sa ibabaw ng kama nila ni Abner sa tuwing kausap sa phone ang manugang na si Leandro. Walang kamalay-malay ang asawa nito sa ginagawang kahalayan ng misis nito sa mismong kwarto pa nilang mag-asawa.
Hanggang isang araw ay isang tanong mula kay Leah ang nagpabago ng buhay ni Leandro.
"Handa ka bang maging kabit ng biyenan mo, Leandro?"
Hindi na nagdalawang-isip pa si Leandro rahil pagkakataon na niya iyon para matikman ang pinagnanasaang biyenan. Simula nang araw na iyon ay naging kabit siya ni Leah. Palihim siyang pumupunta sa malaking bahay ng mag-asawang Leah at Abner at sa master's bedroom ay paulit-ulit siyang nagpapakasasa sa katawan ni Leah.
Bawat gabing magkaniig sina Leandro at Leah ay sinisigurado ni Leandro na masasarapan ang biyenan at hahanap-hanapin siya. Binabayaran siya ni Leah sa kanyang serbisyo na hindi naman niya tinatanggihan dahil iyon ang ginagamit niyang alibi sa misis na si Alice tuwing aalis siya ng kanilang bahay para makipagtalik kay Leah. Sinasabi niya sa misis na rumaraket siya.
Maayos naman ang lahat sa pagitan nina Leandro at Leah. Pareho nilang napapakinabangan ang katawan ng isa't isa. Pareho silang nag-e-enjoy sa kanilang pagtatalik. Pareho nilang napupunan ang hindi mapunan ng kani-kanilang mga asawa. Maliban sa nagkakapera pa siya.
Ang problema ay minsan pakiramdam ni Leandro ay hindi na lang pagnanasa ang nararamdaman niya para kay Leah. Minsan ay natatagpuan niya ang sariling iniisip ito kapag hindi nakikita at inaalala kung maayos ba ang araw nito, kung kumain na ba ito, kung nakakatulog ba ito ng maayos o kung maayos ba ang pakiramdam nito sa araw-araw.
Minsan ay gusto ni Leandro na magpaka-sweet kay Leah pagkatapos nilang magtalik pero nahihiya siya rahil baka pagtawanan siya nito. Iyon pa ang isang ipinagtataka niya sa sarili. Confident type siya na lalaki, pero rahil kay Leah ay natuklasan niyang kaya pa rin pala niyang mahiya. Kaya pinipigilan niya ang sarili kahit na nga ba minsan ay gusto lang niyang yakapin ito at makatabi sa kama. Minsan ay gusto niya lang amuyin ang biyenan habang nakadikit ang hubad niyang katawan sa hubad na katawan nito.
Iyon ang mga nararamdaman ni Leandro para kay Leah na hindi niya kailanman naramdaman para sa ibang babae, kahit sa kanyang misis na si Alice. Hindi niya alam kung pagmamahal bang matatawag iyon o parte lang ng kanyang pagnanasa sa biyenan dahil kahit kailan ay hindi pa nasabi ni Leandro sa sarili na nagmamahal siya.
Nang magpakasal si Leandro kay Alice ay walang namagitang pag-ibig sa kanilang dalawa. Nang magkakilala sila ay pareho nilang napagdesisyunan na kilalanin ang isa't isa hanggang sa masanay na sila sa presensiya ng bawat isa. Kalaunan ay nagdesisyon silang dalawa na magpakasal.
Maayos naman ang naging pagsasama nina Leandro at Alice, pero pareho nilang alam na companionship lang ang natagpuan nila sa isa't isa. Kaya siguro hindi siya gaanong nagsisikap sa buhay at hindi niya pinursigi na magkaanak sila ni Alice ay dahil alam niya ang totoong dahilan kung bakit sila nagpakasal. Kaya rin siguro malakas ang loob niyang mambabae rahil alam naman niyang hindi naman masasaktan ang puso ni Alice kundi ang pride lang nito. Maliban pa sa wala na siyang nararamdamang pagnanasa para sa asawa.
Kaya naman pumayag si Leandro na makipagkita kay Sabel ngayon para subukin ang sarili. Kung kaya pa niyang mabuhayan sa ibang babae maliban kay Leah, na siyang dahilan kung bakit wala na siyang ganang makipagkita kay Sabel nang mga nakalipas na araw. Baka kung sakaling mabaling sa ibang babae ang atensyon niya ay hindi na niya maramdaman pa ang mga nararamdaman niya para kay Leah ngayon?
Dahil sa totoo lang ay hindi alam ni Leandro kung paano pakikitunguhan ang mga nararamdaman niya para kay Leah.
At ganito nga ang nangyari. Hindi man lang tumigas ang alaga niya kahit isang segundo sa piling ni Sabel. Tanging kay Leah na lang ito tumitigas.
Pagmamahal din ba para sa biyenan ang matatawag doon?
Bumangon si Leandro mula sa pagkakahiga sa kama.
Leandro: Stress lang siguro. Gawa na rin ng pagkakasakit ng biyenan kong lalaki. Nahahawa siguro ako ng kalungkutan ni Alice.
Kung anu-ano na lang ang idinadahilan ni Leandro kay Sabel para hindi ito ma-offend. Halata naman sa mukha ni Sabel na hindi ito naniniwala sa sinabi ni Leandro.
Nagbuntung-hininga at umiling si Sabel. Maya-maya ay iniba ang usapan.
Sabel: Alam mo, curious ako riyan sa biyenan mo. 'Yong pinuntahan ninyong resort na sinabi mo sa akin, masyadong bigatin para sa isang family reunion. Sobrang yaman ba ng biyenan mo? Eh kasi kung ganoon, bakit nagtitinda sa palengke si Alice?
Ngumuso pa si Sabel na parang nag-iisip. Nagkibit-balikat si Leandro.
Leandro: Tulad ng mga napapanood mo sa teleserye, isang mayamang biyenan na hindi tanggap ang mahirap na manugang. Isang anak na galing sa mayamang pamilya, pero ipinilit ang gusto.
Nanlaki ang mga mata ni Sabel sa narinig mula kay Leandro.
Sabel: So, galing talaga sa mayamang pamilya si Alice?
Mabagal na tumango si Leandro.
Leandro: Oo. Pero nakatulong naman ang family reunion dahil medyo hindi na ganoon kabigat ang pakiramdam sa akin ng matanda kong biyenan.
Naroon ang kuryosidad sa mukha ni Sabel.
Sabel: Sino ba 'yang biyenan mo, ha? Maambunan man lang ako ng grasya.
Malakas na tumawa si Sabel. Tuluyan nang nakalimutan ang inis sa hindi pagtigas ng alaga ni Leandro.
Leandro: Abner. Abner Galivanio.
Biglang natigil sa pagtawa si Sabel nang marinig ang pangalang sinabi ni Leandro.
Leandro: Narinig mo na ba 'yong Galivanio Textile Industry? Sa pamilya niya 'yon.
Patuloy ni Leandro na hindi napansin ang biglang pananahimik ni Sabel.
Lumingon si Leandro kay Sabel. Nakita niyang parang natulala si Sabel.
Leandro: Uy, Sabel. Ayos ka lang?
Pumitik-pitik si Leandro sa harap ng mukha ni Sabel. Para namang biglang nagising mula sa isang mahabang panaginip si Sabel at nilingon si Leandro.
Sabel: O-okay lang ako. Ma-may naisip lang.
Napailing na lang si Leandro at bumaba na ng kama para magsimulang magbihis. Nakatitig lang si Sabel sa likod ni Leandro habang nagbibihis ang lalaki. Bumulong ito sa hangin.
Sabel: Abner Galivanio. Galivanio Textile Industry.
----------
to be continued...