MALAKAS ang ulan ngunit hindi ko iyon alintana kahit basang basa na ang aking buong katawan. Ang hangad ko lamang ay matakasan ang kaisa-isang taong lubos kong pinagkakatiwalaan. Walang iba kundi ang itinuturing kong nakakatandang kapatid na panganay. At kasama pa niya ang mga tauhan nito upang hulihin ako.
"Tumakbo ka hanggang may tatakbuhan kang babae ka, pero ito ang tatandaan mo. Mahuhuli at mahuhuli pa rin kita, at sisiguraduhin kong mas doble ang hirap na dadanasin mo sa mga kamay ko. Kaya kung ako sayo ay magpakita ka na at permahan ang mga dokumentong ito. Pagkatapos ay malaya ka ng makakapamuhay ng walang pagtatangka sa buhay mo!"
Ang paulit-ulit na umaalingaw ngaw sa paligid kaya halos pagkasyahin ko ang aking sarili sa ilalim ng isang sasakyan na nakaparada gilid ng daan. Sobra ang takot ko at dumagdag pa ang panginginig ko ng katawan dahil sa matinding ginaw. Napakadilim ng paligid at ang tanging liwanag ay nagmumula lang sa sunod sunod na kidlat.
Nang biglang may naulinigan akong mga boses, palapit iyon sa pinagtataguan ko. At nasisiguro ko na hindi iyon boses ng mga taong tinatakasan ko.
"Master, ako na ang magmamaneho ng kotse mo dahil marami ka ng nainom. Delikado sa daan, lalo na ngayon na napakalakas ng ulan. Ang balita ay may parating na bagyo kaya hindi na dapat tayong magtagal sa lugar na ito."
Naalarma ako sa aking narinig, at maya maya pa ay nakarinig ako ng pag-klick sabay pag-ilaw ang sasakyan. Ibig sabihin ay nag-unlock. At iyon na lamang ang tangi kong pag-asa upang makalayo sa lugar na iyon. Mabilis akong tumayo at umalis sa pinagtataguan ko. Maingat kong hinila ang pintuan ng sasakyan na hindi makagawa ng ingay. Pagkapasok ko sa loob ay agad akong nagtago sa likuran ng sandalan. Mabuti na lang at sobrang lakas ng ulan kaya hindi nila narinig ang pagsara ko ng pinto. Maya ay bumukas ang pinto sa bandang unahan at hindi nagtagal ay umandar na ang sasakyan. Nang umusad iyon ay nakaradam ako ng kaunting kapanatagan. Subalit hindi nagtagal ay halos manigas na ako sa sobrang lamig dahil sa malakas na aircon mula sasakyan.
"Ang mabuti pa ay doon mo ako ihatid sa resthouse ko. Ayaw ko munang makipag-usap kay Mama, dahil iisa lang naman ang ipipilit niya sa akin."
"Bakit ayaw mong paunlakan ang imbitasyon ni Ms. Soledad?"
"Hindi ako ineteresado sa sinasabi ng matandang dalagang yon. Isa pa ay napaka bata ng babaeng gusto niyang ireto sa akin."
"Hindi mo pa nga siya nakikita, malay mo naman ang babaeng yon na ang hinihintay mo. Saka alalahanin mo na hindi ka na bumabata....
"Sino ba sa ating dalawa ang amo?"
"Ikaw, Master Lash."
"Yon naman pala eh, kaya tumahimik ka at huwag mo akong pangunahan. Bakit hindi ikaw ang mag-asawa, samantalang halos magkasing-edad lang naman tayong dalawa?"
"Tatahimik na nga, sabi na eh sa akin mapupunta ang kwento huh!"
Hindi ko na masyadong mawatasan ang usapan nila dahil parang tatalunin na ang katawan ko nang lamig at akmang magsasalita na ako upang kunin ang kanilang atensyon ng may bagay na pumatak sa aking tabi. Nagakaroon ako ng pag-asa at mabilis ko iyong dinampot. Sigurado akong jacket iyon ng tianatawag na Master. Dahil iyon lang ang kasama ng diver, at nang mahawakan ko ay humalimuyak ang kakaibang bango. Ibabalot ko na sana sa aking katawan nang maisip na mahahawa sa pagkabasa ang jacket. At sigurado maya maya ay mas lalo pang lalamig ang paligid. Kaya ang ginawa ko ay maingat ang aking kilos na hindi makagawa ng ingay. Hinubad ko ang lahat ng aking kasuotan at tanging underwear ang naiwan sa aking katawan. Saka ko sinuot ang malaking jacket. At maya maya lang ay unti-unti nang nawala ang panglalamig ng katawan ko.
Hindi ko na namamalayan ang takbo ng oras dahil unti-unti na akong iginupo ng antok. Siguro dahil sa sobrang pagod ko sa kakatakbo kanina kaya napagod ako. Siguro naman bago huminto ang saaskyan ay magigising na ako. Kaya ipinikit ko na ang aking mga mata, hanggang tuluyan na akong nakatulog.
-
HINDI ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog. Nang magising ako ay madilim ang paligid. Nakahinto na rin ang sasakyan at nag-iisa na ako sa loob ng sasakyan. Kaya naman ay kinapa ko ang lock ng sasakyan at binuksan iyon. Pagkatapos ay bumaba na ako, kinipot ko ang aking mga hita ganon din ang aking magkabilang braso. Siniguro na hindi malalaglag ang jacket na nagsisilbing damit ko. Bago sumilip muna ako sa paligid, ngunit madilim at tanging sanag ng ilaw na nagmumula sa labas ang nabibigay ng konting liwanag. Umikot ang aking mata sa paligid at sinisikap aninagin kung saan ako maaaring dumaan. Namataan ko ang glass door at agad akong lumapit doon subalit naka lock iyon.
Akmang babalik ako sa loob ng sasakyan nang biglang bumukas ang pinto at nagliwanag ang buong paligid.
"Who are you woman?!" halos dumagundong ang malakas niyang boses habang nakatingin sa akin. Kaya nangalog ang aking mga tuhod dahil sa takot na nararamdaman.
"I asking you, sino ka at paano ka nakapasok dito.... at bakit suot mo ang jacket ko?"
"Ahm, a-ano kasi.... hwag!" Ngunit nahila na niya ang jacket at hindi ko alam kung aling parte ng katawan ko ang aking tatakpan. Hindi ako makatingin sa kanya at napayuko na lamang.
Ang hindi ko inaasahan ay bigla na lamang akong umangat sa hangin.
"You pay for this, pumasok ka ng walang pahintulot sa pamamahay ko kaya pagbabayaran mo ang kapangahasan mo!"
"P-Please, ibaba mo po a-ako, h-hindi naman po ako masamang tao...
"Shut up, woman!" natameme ako dahil sa malakas niyang sigaw. At dahil binitbit lang niya ako gamit ang isang braso niya ay nakaharap ako sa gilid ng aming dinadaanan. Ganun pa man ay hindi nakaligtas sa mga mata ko ang kagandahan ng paligid. Carpet din ang nilalakaran niya at ang mga wall ay may mga nakasabit na painting.
Ngunit malakas akong napatili ng bumagsak ako sa malambot na bagay. Nag bounce pa ang katawan ko at nang tuluyan nang lumapat ang aking katawan ay saka ko lang napagtanto na malaking kama pala iyon.
Akmang babangon ako ng may katawang dumagan sa aking ibabaw. At nahintakutan ako nang mapagtanto na walang kahit anong saplot sa katawan ang lalaki.
"H-Huwag po maawa ka....
Subalit sumara ang aking bibig dahil sa marahas niyang halik. Sinubukan kong magpumiglas ngunit hindi ako makakawala sa kanyang mga bisig.
Hanggang unti-unti akong nakaramdam ng kakaiba. At ang kanyang mga halik na kanina lang ay marahas, ngayon ay naging banayad. Kaya ang tangi kong nagawa ay umungol, lumiyad at maghanap nang mahahawakan.
Kinabukasan ay hindi ko magawang bumangon pero kailangan ko ng umalis. Kaya kahit makirot ang aking gitna at paikaika ay pinilit kong makaalis sa bahay na yon.