Kabanata 14 "A-ate anong g-ginagawa mo d-dito?" nauutal na tanong ko kay Ate. Nakaramdam ako ng kaba para sa mga anak ko. Paano nalaman ni Ate na nandito ako, kami? Hindi ko naman sinabi sa kanya. Wala rin akong sinabihan kahit isa, pwera sa dalawang Villafuerte. Tumayo si Eros at pumunta sa gawi namin, nilagay niya ako sa kanyang likod. "Papuntahin mo ang mga bata sa taas." bulong niya sa akin. "Gusto kong makausap si Dana." pigil sa akin ni Ate ng simulan kong umalis. Akmang hahawakan ako ni Ate ng maunahan siya ni Eros na sagangin ang kanyang kamay. Hindi ko siya pinansin at sinakop ko ang tatlo kong anak. I smiled at them at isa isa silang dinala sa itaas. Nagtaka si Elliot, si Elion naman ay tumingin kay Ate. Masama ang kanyang tingin, inirapan niya si Ate bago siya naglakad papu