Kabanata 16 "Gusto mo pa bang magkaanak?" I asked him, for me three is enough. Ramdaman ko na ang pagmamahal nila sa akin at mahal din nila nag isa't isa. Tumango siya sa tinanong ko, "I want to feel how to carry a baby Dana, iyong pagkalabas sa sinapupunan mo ako 'yong unang hahawak. Gusto kong maranasan 'yon. Gusto kong nasa tabi mo ako habang naglalabor ka, nasa tabi mo ko habang inalagaan natin ang baby. Nagtitimpla ng gatas, nagpapatahan, pinapaliguan, binibihisan at pinapatulog ang bata, gusto kong maranasan iyon...pero...kong ayaw mo hindi na lang." Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Ang mga iyon ay hindi niya naramdaman dahil malaki na ang tatlo ng makita niya. Hinaplos ko ang kanyang pisngi, I can feel the stubbles on his face. "Sorry kung hindi mo nagawa dati. Kung i