Kabanata 12 "Good night Mommy, good night daddy!" Sabi ni Elliot samin ng pinahiga na sila sa kama para makatulog. Laro ng laro ang ginawa nila kanina. Dumating din ang lalaking assistant ni Eros na may dalang damit na parang isang linggo na! Nagulat ako sa dami nang damit na dala. Gusto kong magreklamo pero nakita kong masaya ang mga anak ko dahil narito ang kanilang ama, winala ko lang. They're happy and I don't want to rip that happiness on them. Noong naglalaro sila hindi ko matago ang ngiti sa aking mga labi. Sa hospital hindi sila ganoon makapaglaro dahil maliit lamang ang espasyo. Dito kanina halos halakhak nila ang naririnig ko, kahit na mahina pa si Cronus ay nakisama rin sa kulitan nila. Masaya ko silang pinagmamasdan habang kalaro nila si Eros. Akala ko kasi dati na itataboy