Hindi alam ng dalaga na nandoon ang partner niya at dahil kumpiyansa siyang mga kasambahay lang nila ang nasa pamamahay nila ay pakanta-kanta lang siyang pumasok. Pero ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang nadatnan ang partner niya. Kaya naman ay napatigil siya kaso bago pa siya nakapagsalita ay sinalubong siya nang tanong ng kambal niya. "Oh, bakit tumigil ka kambal? You have a very nice voice to sing." Nakangiti itong sumalubong sa kaniya. "Hmmmm... Huwag na kambal. May bisita pala tayo eh. Nasaan na ang jonakis mong tsismoso?" patanong niyang tugon. Kaso ang Kuya Adrian Joseph naman niya ang bumaling sa kaniya. Ah! What's happening on earth! "Ikaw ang may bisita, Sia. Kaya ikaw ang humarap sa kanya at huwag mong sabihing tsismoso ang bata eh sanggol pa lang iyan." Nakatawa pa it