“Good afternoon, We Got You Events Planning, how may I help you?” “[Jazz. Don’t do it. For goodness’ sake!”] Tila umurong ang dila ko nang narinig ko ang pamilyar na boses na ‘yon. [“Jazz. I know you’re still there. Huwag kang pumayag sa gusto ni Angelica. Please.”] Tumikhim muna ako, dahil pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko, kaya hindi ako makapagsalita. Ilang beses pa akong lumunok para mawala ang nararamdaman kong bara na iyon. “Na-Naka-oo na ako kay Mama.” [“Jazz… ano ka ba? You know your sister… maybe she is planning something again. Hindi mo ba naisip ‘yun?”] “Ano pa ba’ng pwede niyang gawin? Nakuha ka na niya.” Bigla kong naisip na mali yata ang sinabi ko, kaya napakagat na lang ako sa labi ko. Si Pablo naman ay natahimik din sa kabilang linya, kaya mas dumiin sa a