Bigla akong nakaramdam ng lamig, kaya nakapikit na hinagilap ko ang comforter na naalis sa katawan ko. Bakit kaya kakaiba yata ang lamig ng aircon ngayon dito sa kuwartong inookupa ko? In-adjust kaya ni Ricky ang temperature ng aircon ko dito? Bwisit na bakla 'yun! Palkialamera talaga! Gusto ko sanang bumangon, para ayusin ang setting nung aircon, pero antok na antok pa ako talaga. At nanroon ang pakiramdam na para akong pagod na pagod. Nakapikit na hinagilap ko iyong dulo ng comforter, at saka itinaas ito hanggang sa may bandang dibdib ko, at saka ako tumagilid ng higa. Bigla kong naramdaman ang malamig at malakas na ihip ng hangin, na humampas pa sa mukha ko. Lumipad pa nga ang ilang hibla ng buhok ko. Teka lang! Ganun ba kalakas ang aircon para liparin ang buhok ko? Kahit nakapikit