Hindi ko na malaman kung anong parte pa ng kamay ko ang ipampupunas ko sa basa kong pisngi. Mula noong umalis kami sa parking ng simbahan, wala nang tigil ang pagpatak ng mga luha ko. Tapos ngayon, pakiramdam ko ay may nagbabadya nang tutulong sipon dahil sa pag-iyak ko. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko man lang binitbit iyong bag ko, at cellphone lang ang bukod tanging dinala ko kanina papunta sa simbahan. “Tissue.” Nagulat na lang ako nang may um-appear na pack ng tissue sa harapan ko. Sinundan ko ang kamay na may hawak noon. Nasa pangalawang hanay ako ng upuan ng van, at pansin ko na mag-isa lang iyong lalaki na nagda-drive sa unahan. “If you don’t want us to have an accident, please get the tissue now. Please.” Oo nga pala, sumakay nga pala ako sa van na ito, at si Dos Pierro lan