3

1347 Words
Buntong hininga ni Vienna ang maririnig nang may pumaradang itim na van sa kanilang harapan. Ilang araw nang sinusubukang tumakas ni Zeuter para makapunta sa kaniyang ama. “Your mother is calling now,” Vienna stated and give the phone to Zeuter. Alam na kaagad ni Zeuter ang dahilan ng pagtawag nito kaya hindi pa man nakakapagsalita ang kaniyang ina ay inunahan na niya. “Hindi po ako sasama,” tanging aniya. “That’s good. Enjoy kayo ni Vienna,” saad ng mama niya at pinatay na ang tawag. Kibit balikat na lang ang bati ni Zeuter sa kanang kamay ng kaniyang ama. Naiintindihan naman na ng lalaki kaya mabilis din silang umalis. “Why ba ayaw ni mother earth mo na makipagkita ka sa Papa mo?” Kuryusong tanong ni Vienna at humigop ng milktea. “I don’t know,” Zeu answered. Alam naman niya ang sagot. Para hindi na lang humaba pa ang kanilang pag-uusap tungkol do’n ay hindi siya nagkukuwento. Natatakot din kasi siya na hindi maintindihan ni Vienna ang totoong pagkatao ng kaniyang ama. Oo nga at nakita na ni Vienna si Henry ngunit wala pa rin itong alam. “Sayang talaga ang pamilya niyo. Parang dati lang,” sabi na naman ni Vienna. Ayaw mang isipin ni Zeuter ang nakaraan pero kusa na itong bumagabag sa isip niya. Ngunit mabilis iyong napalitan nang sumakit ang dibdib niya at ibang imahe ang kaniyang nakikita. ISANG gabi sa Infelicis ay nagtatalo ang mga hari at reyna at ilang rerec na may malalakas na kapangyarihan. Hindi nila batid kung ano ang tamang gawin dahil marami ang madadamay sa paparating na digmaan. Ang lahat ay malalim ang iniisip. Ang mga kawal ay nakahanda maski ang mga sandatang maaaring gamitin sa pakikipaglaban. Ang mga Tsim na tagagawa ng mga armas ay hindi natulog para dagdagan pa ang ilang gagamitin. Oras na lang ang hinihintay nila ngunit hindi pa rin sila handa sa mangyayari. Isang kawal ang nagmamadaling pumasok sa isang silid kung nasaan ang mga mahahalagang rerec, reyash, noita, tsim, at ang nag-iisang arelid. Niluhod nito ang isang tuhod at nakayukong nagbigay galang. “Ano ang ginagawa mo rito?” Tanong ng hari ng Fire Kingdom. “May isang Reyash ang gusto kayong makausap, mahal na hari,” tugon ng kawal. Ang Reyash ay isang tao na may kakayahang makita ang hinaharap. Ito ang isa sa mga hinahasa ang kapangyarihan dahil sa kanila minsan nanggagaling kung dapat nga ba silang lumaban. “Papasukin niyo,” utos ng Reyna. Isang matandang babaeng Reyash ang pumasok sa silid. Niyuko niya ang kaniyang ulo at hindi hinayaang magtama ang kaniyang mga mata sa mahahalagang tao na sa harapan niya. “Magandang gabi, mga kamahalan,” bati nito at yumuko pa lalo. “Sabihin mo ang pakay mo, Reyash,” utos ni Ruza, ang pinakamalakas na arelid sa buong Infelicis. “Kabilugan ng buwan, hindi kayo maaaring makipaglaban. Maraming mamamatay, isa na roon ang magiting at malakas na prinsepe,” humina ang boses ng babaeng Reyash. Nanlalaki ang kaniyang mga mata na animong nakikita sa kaniyang harapan ang digmaan. “Maraming dugo at napupuno ng usok ang paligid. Kulay pula, dilaw at kahel ang buong Infelicis. Maaaring hindi na mabuhay pa ang ating prinsepe!” Pinatigil siya ni Ruza. Ang lahat ng sinabi ng babae ay hindi inintindi ng prinsepe. Walang ibang pwedeng gawin kundi ang makipaglaban. “Lumaban man tayo o hindi ay maraming mamamatay. Kung hindi tayo lalaban, sino ang magliligtas sa ating nasasakupan?” Nagpabalik-balik ng lakad ang ilang nasa kwarto. Mas lalong nalito, gulong-gulo ang isip kung ano ang mas tamang gawin. “Ihanda ang mga kawal. Ilang minuto na lang ay susugod na ang kalaban,” mariing utos ng pinakamalakas na prinsepe, si Ruza. Lumabas siya ng silid at hindi nakinig sa tawag ng kaniyang ina. Ang lahat ng nakakita sa kaniya ay yumuko para magbigay galang. “Ang lahat ng mga bata at matatanda ay dalhin niyo sa loob ng palasyo. Maglagay kayo ng maraming kawal doon at huwag ninyong hayaang sumama ang mga Reyna sa digmaan.” Tumango ang nakasunod kay Ruza. Nagmadali itong umalis at sinabihan ang ilang kawal na gabayan ang mga makikipaglaban. Nangunguna si Ruza na nakatayo sa pagitan ng Tansong Paraiso at Pilak na Paraiso. Ito na ang oras ng digmaan ngunit wala pa rin ang mga kalaban. Ang daming komento ngunit isang pagsabog ang nagpabingi sa lahat ng naroon. Kasabay nang pagbuhos ng malakas na ulan ay ang pagbagsak din ng palasyo. Ang mga Payri ay pilit inililigtas ang mga naiwang sicile. Ang pinagkakatiwalaang babae ay pilit pinipigilan ang Reyna na pumasok sa tinutupok na ng apoy na palasyo. “Ang anak ko!” namamaos na sigaw ng Reyna. Lahat ay nahihirapan dahil hindi nila inaasahang ganito ang mangyayari. Galit na galit sila dahil nalinlang na naman sila ng itim na Reyna. Kanina nang mangyari ang unang pagsabog, lahat ng kapangyarihan ng sicile ay kusang naglaho. Ang tanging mga Payri lang ang hindi nasama dahil isa lamang silang maliliit na lumilipad. Hindi naging sapat ang malakas na ulan dahil ang tanging makakapag-apula ng apoy ay ang makapangyarihan na tubig. Limang oras na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin humuhupa ang apoy sa buong palasyo. Halos mangalahati ang sicile na nakaligtas at ang tanging reyna na lamang ang naiwan sa harap ng inaapoy na Paraiso. Ang kaninang babaeng pumipigil sa reyna ay bigla na lamang nawala nang muling makarinig sila ng pagsabog. Puno nang galit ang kalooban ng reyna sa gumawa nito sa kaharian niya. Ngunit nagulat siya nang makita ang kaniyang anak na lumulutang sa itaas ng kaharian. Umiling-iling siya nang mahulaan ang gagawin ng kaniyang anak. “Hindi, hindi maaari, Ruza!” Sa kabilang banda, inaasahan na ni Ruza na gagamit ng itim na mahika ang kalabang Reyna. Para hindi siya madamay sa pagkawala ng kapangyarihan ay hiniwa niya ang kaniyang palapulsuhan at pinainom sa isang Payri. Iyon lang ang tanging paraan para hindi mawala ang kaniyang kapangyarihan. Nagdasal si Ruza sa mga diyos at diyosa na bigyan siya ng lakas para mailigtas ang nasasakupan niya. Sa pagdilat ng kaniyang mga mata ay umilaw ang kaniyang buong katawan. Bumigkas siya ng ibang lenggwahe at tinaas ang kamay. May lumabas na ilaw sa kaniyang palad na sinakop ang buong Paraiso. Walong minuto ang tinagal ng maliwanag na ilaw at nang mawala ay nawala rin si Ruza. Nagdiwang ang buong sicile nang muling nanumbalik sa dating anyo ang palasyo. May nawala man ay masaya pa rin dahil may matitirhan sila. Hinanap nila si Ruza ngunit hindi na ito nakita pa sa buong paligid. Ang hari ay kababalik lamang mula sa Aquas Kingdom upang manghingi sana ng tulong ngunit hinarang siya ng mga kalaban. Nagsidatingan din ang ibang hari at reyna sa Pilak na Paraiso upang kumustahin ang sinapit ng karatig Paraiso. Lumipas ang ilang buwan ngunit ang anak ng hari at reyna ng Fieras Kingdom ay hindi na muling nakita pa. Marami ang kumalat na ito ay nasunog at marami ring naniniwala na ito ay kinuha ng mga taga Tansong Paraiso. “Puntahan na natin si Parsua,” umiiyak na pakiusap ng Reyna. Si Parsua ang tagabantay ng Eras na napupuntahan ng mga kaluluwa ng namatay na sicile at tao. Ito lang ang tanging makakapagbigay ng tamang kasagutan kung ano ang nangyari sa kanilang anak. Naglakbay sila hanggang sa makarating sa pinakailalim ng lupa. Sinalubong sila ng maraming Payri at inihatid kung nasaan si Parsua. “Parsua,” bati ng hari. Walang emosyong bumaling si Parsua sa kanila. Ipinakita nito ang barrier na warak-warak na. “Ano ang nangyari, Parsua?” Kinakabahang tanong ng Reyna. Humawak ito sa asawang Hari habang pinagmamasdan ang dambuhalang barrier na may kung anong puting usok ang lumalabas. Marami iyon na naglulumikot sa paligid ng kalangitan. “Ang harang ng Eras ay nawarak nang hindi nito kayanin ang kaluluwa ng pumanaw ninyong anak,” malamig na saad ni Parsua. A/N: Sicile – tawag sa mga taong nakatira sa Infelicis. Xile – tawag sa mga taong nakatira sa Felix. Payri – maliliit na nilalang na lumilipad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD