"Psssssh...." pag-uulit ng babaeng humila kina Myrna at Prances. "Nasaan kayo?!" Dinig ni Myrna'ng sigaw ng matandang babae sa labas. Halata sa boses nito ang pagkairita sa bigla nilang pagkawala. "Sabi ko naman kasi sayo eh dapat binaril mo na 'yung dalawa. Nakatakas pa tuloy. Hindi sila infected kaya sila ang perpektong alay kay Satanas. Tapos 'yung lalaki kanina mukha ring hindi infected pero pinatay natin." "Wag mo nga akong sisihin dyan. Maghanap nalang tayo. Nagtatago lang ang mga 'yun." Tugon ng matandang lalaki. Suot niya pa rin ang isang ear buds niya at activated pa rin ang app na binigay ni Yberr kaya naman naiintindihan niya pa rin ang mga ito. Nang matahimik na ang paligid ay saka niya hinarap ang babaeng nagligtas sa kanila. "Maraming sayo pero lulubusin ko na. Pwede ban